Prologue

387 10 0
                                    


Present...

Phuket, Thailand


"Maglilinis tayo ng bahay!"


Nasa may sofa bed ako habang nag-cecellphone ng inabutan ako ni Danica, kapatid ko ng walis. Kunot-noo akong nakatingin sa kanya, meron naman kaming maids, bakit 'di niya ipautos?


"Merong bisita si Kuya Clint, kailangan malinis ang bahay!" dagdag pa niya, 


"Nasaan ba si Ate Mitch?" naghanap-hanap pa ako habang nakataas ang kilay.


"Sumama kay Daddy at Mommy sa grocery! Magluluto daw sila ng foods mamaya sa dinner party ng friends ni Kuya," sabi niya pa, "Hindi mo ba alam ang balita?"


"Balita ng?" kunot noo akong nakatingin sa kanya habang niyayakap niya ang walis.


"Nakapasa si Kuya Clint!" napatalon-talon pa si Danica sa saya habang ako naman ay pinoproseso pa ang sinabi niya, "Doctor na siya! Nakapasa siya sa Boards!"


"Putangina! Bakit 'di niya sinabi? Paborito ka ba niyang kapatid 'huh?" numipis ang aking mga mata sa kanyang mga sinabi.


"You are so busy sa work!" Danica said, "So, help me to clean the mess on this house!"


"Isasali ba kita sa lilinisin? Pakalat-kalat ka din dito, 'e!" pabiro kong sabi sa kanya at kinuha na ang walis sa kanyang kamay. I used to clean the house yung wala pa si Ate Mitch, bata pa lang kami dinidisiplina na kaming tatlo na magkakapatid dahil kung magkakapamilya na din kami, gagawin din namin 'yun.


Gusto kong maging rich lady o tita, kaya nga inaantay ko itong si Kuya Clint at si Danica na mag-asawa dahil pag nagkaroon sila ng sari-sariling mga anak, ay pipisilin ko talaga ang pisngi nila, at ibibaby ko sila hanggang sa lumaki sila.


Pagkatapos naming maglinis ng bahay, ay may bumusina sa harap at nakita ko ang kotse na nakaparada na. Nakarating na sina Daddy and Mommy, kasama si Ate Mitch na may bitbit na supot, lumabas na ako at tinulungan siya, si Danica naman ay nasa toilet at naglilinis.


"Ate, I'll help you," nakangiting sabi ko, "Saan ko ba ito ilalagay?"


"Sa may hapag-kainan lang, nak," she used to call me by that, nasa thirtys na si Ate Mitch at kasama namin siya dito sa Thailand, nasa Pilipinas ang kanyang asawa at anak na tatlong taong gulang pa lamang.


Tinulungan ko na din si Ate sa paghihiwa ng mga manok at baboy, habang si Mommy naman ay nagluluto ng seafoods kagaya ng hipon, tahong, at si Daddy naman ay nag-iihaw ng Bangus, sa Filipino market daw nila ito binili.


"Baby, put this cake at the table," sabi ni Mommy matapos niyang i-design yung hapag-kainan, "Sobrang saya ko dahil napagtapos ko kayo ni Kuya mo na may mabubuting puso at larangan sa buhay!"


"We are so lucky that we have a mother like you," sabi ko kay Mommy at niyakap siya, tinawanan niya pa ako dahil nagmukha lang kaming tanga at nag-eemosyonal pa. Simpleng handaan lang ang gagawin dahil hindi mahilig si Kuya sa mga mararangyang ganap.


"Gusto kong magkaraoke!" sumulpot si Danica sa gilid habang naghuhugas ako ng mga pinaggamitan sa paghahanda, "Sali ka, Ate ha?"


"Duh! Magpapasikat ka lang sa friends ni Kuya!" siningkitan ko siya ng mata, "Meron kang type doon 'no?"


"Yes!" nakangiti niya pang sabi, "You never met them kasi busy ka sa pag-aaral that time, tingnan mo mamaya baka makita nalang kitang nagpapa-cute sa friends niya!"


"Never," umirap ako at pinagpatuloy ang paghuhugas. Tinignan ko ang oras at 3pm pa lamang, 6pm pa darating si Kuya at may oras pa akong matulog. Kagagaling ko lang kasi kaninang umaga sa isang planta para sa isang memorandum at naging busy.


Nagising na lamang ako sa sabay-sabay na katok sa aking pinto ni Danica, sinasabi niyang nandiyan na daw sila Kuya at sosorpresahin daw nila, ibinigay sa akin ni Danica ang party popper habang bitbit niya ang cake, para namang Happy Birthday ang gagawin!


In-off namin ang ilaw at si Ate Mitch ang pipindot, pagpihit ng pinto ay iniluwa nito si Kuya Clint,


"What the fuck!" Kuya Clint shouted when the party popper banged in front of him, 


"Nagulat siya!" Danica was laughing, "Meron ng doctor ulit sa pamilya!"


"Wow, I look like a kid! Maraming Salamat, Danica, Eunice, Dad, Mom, and Ate Mitch!" Kuya Clint was emotional at this time, pero nakatingin ako sa mga kasama niya sa likod, tatlo sila.


"We are so proud of you, Doctor Clint!" Dad was hugging Kuya, si Mommy naman ay nagpupunas ng kanyang luha. Si Danica naman ay patingin-tingin din sa likod.


"Hi, tuloy kayo!" sabi ni Mommy sa mga kaibigan ni Kuya Clint na nasa likod, parang nahihiya pa sila, at ng pumasok sila, parang natigil ang mundo ko ng nakita ko ang taong 'di ko inaasahan.


On this time? Maraming mga tanong sa utak ko, nakatingin lang ako sa kanya at ng magtama ang tingin namin ay mukhang 'di na siya nasorpresa. Alam niya atang kapatid ako ni Kuya, 'di ba dapat 'di na siya sumama? Naguguluhan ako sa nangyayari, at 'di ako makagalaw sa kinatatayuan ko.


Nag-flashback lahat ang nangyari, he used to surrender all just to be with me, but instead, I choose to give up our dreams, the moon is not bright. Ano na bang nangyari sa kanya ngayon? Ganap o tinuloy niya ba yung pinapangarap niya?


"Bright..." bulong ko. Frankly, I missed him so much! Gusto ko siyang yakapin at halikan sa kanyang mapupulang labi pero mali na, mali atang maging kami pang dalawa. It was so different, not the same us.


Dahan-dahan siyang naglakad papalayo sa akin, sinusundan siya ng mata ko. Ni hindi lang man siya ngumiti o nagpakita ng kasiyahan ng makita ako. Hanggang ngayon siguro 'di pa din siya makapag-move on or ako ay stranger, or a sister of his friend?

................................................................................................................................................................

Straight To The Heart (Asia Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon