Minsan,kailangan nating tanggapin kung ano ang ating kapalaran,masaya man o malungkot,masakit man o mahirap.kase wala naman tayong magagawa kung ito talaga ang kapalaran natin sa buhay.
Masakit parin isipin ang mga alaala na naranasan ko sa mura kong edad.maraming bagay na pilit kong kinakaya dahil wala rin naman akong masasandalan kundi ang sarili ko lang.
------------------------------"Sabi ko na kase sayo wag mo ng patirahin yang batang iyan dito!alam mo na ngang naghihirap na tayo ay nagdagdag kapa ng palamunin!punyeta Arturo!"nakakabinging tinig ng aking tiyahing si tiya Thelma.
Bata pa lamang ako at naulila na ako sa aking ina namatay siya dahil hindi niya nakayanan ang pagbubuntis sa akin.Ang ama ko naman ay inatake sa puso habang nasa isa balkonahe siya.
Di naman talaga kame mahirap.may negosyo ang aking mga magulang.kaso dahil sa pagkalugi ng kumpanya ay biglang bumagsak ang negosyo ni papa.dahil doon,nagisip si papa at di kinaya ng katawan niya lalo na at kaka matay lang ng aking ina.
"Thelma naman,alam mo namang walang mapupuntahan si Sandy dahil wala siyang matitirahang iba dahil ako lang ang kanyang malapit na kamag-anak sana ay maintindihan mo"nagmamaka awang tinig ng aking mabait na tiyuhin.
"Aba'y kasalanan ko bang mamatay ang mga magulang niyanh batang iyan?bakit parang ako pa ang may kasalanan?ayoko sa lahat ay nagpapatira dito sa pamamahay ko dahil dagdag lamang iyan sa papalamunin natin!"nang gagalaiting tinig nito at bigla namang sumabat ang kanyang anak.
"Agree ako sayo ma!nung isang araw ay tinawag sha ng crush kong si Lester para maglunch sila!kung wala siya doon ay ako ang aayain niyang kumain!nakakainis mashadong paepal!" Maarteng reklamo ng aking pinsan na si Felicity.Ayoko sa kanya.bukod sa maarte ay lagi nya akong pinagtitripan.Dumarating nga noon ang flagceremony ay kinandado niya ako sa C.R dahil umihi ako non,tuloy ay napatawag nanaman ako sa discipline office.
"Nako Felicity huwag kang makisali sa usapan namin ng iyong ina at baka makatikim ka sa akin!" Saad ng aking tiyuhin.
"Aba'y nagagalit ka sa anak ko dahil jaan sa bastarda mong pamangkin ha?!wala kang karapatan para pagsalitaan sha ng--"hindi na tapos ni tiya ang sasabihin dahil pinutol na ito ni tiyo na ikinagulat ko.
"Kaya nagkakaganyan yang anak mo dahil kinukunsinti mo!manang mana sayo yang anak mo!naghihirap na nga tayo ay kinukunsinti mo pa sa katarantaduhan nyan!" Galit na tinig ni Tiyo Arturo
"Aba'y lumalaban kana ah?!eh anong gusto mong palabasin?na dapat ay pabayaan ko ang aking anak para lang sa pamangkin mong walang pakinabang?!"galit na tinig ni tiya at tangkang sasampalin niya si tiyo Arturo ng pinigilan ko ito.
"Tiya tama na ho.wala hong kasalanan si tiyo.Ako nalang ho ang aalis para hindi na ho kayo magaway.pasensya na po sa pangaabala ko sa inyo.wag na po kayo magaway.maraming salamat po sa pagpapatira ninyo sa akin.mage empake na po ako"pagsusumamo kong sabi habang nakaluhod sa harap ni tita Thelma.
"Sandy hindi mo kailangang umalis.welcome ka dito sa pamamahay ko" pangungumbinsi ni tito pero agad din namang sumabat si tita Thelma.
"Anong welcome?!wala nga yang naitutulong dito eh!dapat ay di na iyan pinagaral dahil dagdag lang sa gastusin!hala sige!lumayas ka at wag na wag ka ng babalik pa!"pagpalalayas niya sa akin.agad naman ako tumakbo sa aking maliit na silid.agad kong kinuha ang lumang bag ko na pagaari ni mama na syang ginamit ko ng ako ay lumipat dito.
Isinilid ko ang aking mga damit at ang litrato namin ng aking ama noong siya ay nabubuhay pa.tumulo ang luha ko ng maalala ang mga masasayang alaala namin ng aking ama noong siya ay nabubuhay pa.

YOU ARE READING
In your eyes
RomanceSa buhay nakakatakot maging masaya,di mo alam kung hanggang saan at hanggang kailan.Maaaring masaya ka ngayon ngunit asahan mong may lakip itong lungkot.