CHAPTER 1

24 4 0
                                    

Someone's POV

I took the letter that was put on my locker. Kakasimula pa lang ng klase meron na agad? Tsk, it's not what you think. Hindi ito love letter. Binuklat ko ang pink na papel na may na merong design na skull pero ang ipinagkaiba ay may mask itong suot na parang tinatago nito ang kanyang totoong hitsura. Ito ang simbolo ng grupo. Binasa ko ang nakasulat.

Dear Miss Diary,

I now know that not all relationship may last as what I always think of. I only gave everything, but he just broke up with me! I wake up just to feel something so wrong! Why is this so different from my other mornings? What happened? I want to know why? I want to find out why? Help me. I just wanted to end this.

-Vanross Guevarra-

Nang mabasa ko ang laman ay napangiti ng pagkalaki-laki . Hihi. Exciting to!

Nagpalundag lundag ako papalabas ng room dala ang paborito kong lollipop. Binasa ko ng paulit-ulit ang pangalan na nakalagay sa letter. Hihi. Saan ko kaya siya mahahanap? Ayy waitt! Ano naman kayang ipapagawa ko sa kanya? Waaahhhh!! Hihihihihi. I'm sooo exciteeddd!!!

----------

Naglalakad ako sa hallway habang may binabasang letter. Nang matapos ay tiniklop ko ito at nilagay sa bag. Nakita ko to habang papalabas ng room. Parang may something kasi sa papel kaya pinulot ko. Isang tingin ko pa lang, nasaulo ko na ang lahat ng nakasulat dito.

I am Ravana Azazel Villin. Isang Psychology student. I can memorize and remember everything in just a glimpse. Yeah, kahit yung maadaanan ko lang basta nasagip ng aking mata.  Sabi ng mga professor ko, meron daw akong photographic memory. Ipinanlalaban ako sa kahit anong paligsahan sa katalinuhan at hindi naman ako nagrereklamo. Masaya akong nakatatanggap ng parangal. Masaya ako sa pagiging matalino.

Inalala kong muli ang aking napulot na papel. Hindi na man yun mukhang love letter at saka halatang babae ang nagsulat. Hmm, interesting.

Vanross Guevarra.

Sino kaya to? Parang narinig ko lang ang pangalan niya somewhere. I'm sure hindi ko pa to nakikita dahil hindi ko siya makilala o matandaan.

Tinuloy ko ang paglalakad habang bitbit ang bag at cellphone ko. Hindi ko na kasi kailangan magbitbit pa ng naglalakihang libro. Masyado ng hassle yun. At saka saulo ko naman lahat ng nakasulat doon.

Hindi ako nagyayabang. Confident lang talaga ako sa taglay kong katalinuhan. Sabi kasi ng mama ko, Be proud of what you have because it is a gift from God. Kaya ito ako ngayon, hindi ko naman maaachieve lahat ng mga ito kung naging timid ako. Sayang din yon sa talino. Haha

Actually, mag-isa ako ngayon kasi late na akong nakalabas ng klase. Katatapos ko lang kasing gawin ang ipinapagawa sakin ng Prof namin. Ako lang daw kasi ang kanyang maaasahan sa ngayon. At saka hindi naman ako marunong tumanggi. Alam ko namang kayang-kaya ko' to. Sayang din ang matatanggap kong extra grades. Napabuntong- hininga na lang ako. Kahit masaya ako sa aking mga natatanggap na papuri, nakakapagod din pala minsan.

Tahimik ko lang na tinahak ang hallway. Wala na masyadong tao ang dumadaan kasi lunch time at sobrang late na. Wait, speaking of lunch----

Selena Calling...

Myghaadd! Sa lahat talaga ng malilimutan ko eto pa talaga! Napapikit ako habang sinagot ang tawag.

"h-hello. Bes? hehe" awkward akong tumawa. Nakalimutan kong naghihintay pala siya sa cafeteria. Nagmadali akong lumakad. Patay na naman ako sa bunganga nito. Napatagal pa naman ang pagdedaydream ko.

PsychSeries: THE LIVING DIARYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon