16

61 2 4
                                    

16

Tanya's POV

Ganun parin ang sistema namin ni vhong, napansin ko na din na ang tagal narin pala talaga simula nung niligawan nya ako

Ganun pa din sya walang nag babago sweet parin sya sakin at super caring nya

Habang tumatagal mas nagiging malalamin na yung relasyon kung anong meron kami ngayon

Parang hindi ko na ata kaya pag hindi ko sya nakikita, ang lalim na ng pinag samahan namin hulog na hulog nako talaga sa kanya

Nung isang gabi ko pa pinag iisipan kung eto na ba talaga yung tamang oras para ibigay sa kanya yung "Oo" ko na alam ko namang matagal na nyang hinihintay

Ayaw ko naman ipag kait sa kanya yon kasi alam ko naman deserve nya at alam kong magiging masaya din ako sa kanya

Ngayon iniisip ko na talaga na eto na yung tamang oras para sagutin ko sya

Sasabihin ko na na kanya yung totoo kong nararamdaman sasagutin ko na talaga sya

Tamang tama susunduin nya ko ngayon ayaw nya kasi na nag tataxi ako kasi baka hindi daw safe o kaya naman pag nag gagrab ako ayaw nya din kaya naman sya na ang nag hahatid sakin at sumusundo

Natapos ang mga iniisip ko ng biglang may kumatok dito sa office namin may meeting kasi kani ngayon e

Oh diba may meeting kami pero ang iniisip ko si vhong idle HAHAHAH

Nag tinginan naman yung mga kasama ko sa creatives pati narin si maam charo at si direk don ng biglang lumitaw si vhong sa pintuan dahil nga kasalukuyan kami nag mimeeting

"Ahhm. Hello po naistorbo ko po ata kayo", sabi ni vhong sa lahat

Nag tinginan naman lahat sila kay vhong, wala pa kasi na kakaalam na nanliligaw si vhong sakin ang mga nakakaalam lang ay ang family at friends lang pero dito sa ABS walang may alam

Ako narin naman kasi ang may gusto ng ganun e dahil syempre para may privacy naman kami diba? Pwede naman siguro yon kahit di ko pa sya boyfriend

"Hindi naman vhong, may kaylangan ka?", tanong naman ni maam charo

Tiningnan ko si vhong parang kinakabahan sya tinatanong kasi sya ng boss e HAHAHAHA

"Ahm, ano po kasi maam, andito po ako para sunduin sana si tanya", sabi ni vhong

Napatingin naman sila sakin na nag aabang ng isasagot ko sa sinabi ni vhong

Shocks. Bakit kinakabahan ako?

"Teka lang po maam kausapin ko lang po si vhong", sabi ko sa kanila lahat

"Okay sige, after nyo mag usap ni vhong mag uusap din tayo lahat", sabi ni maam charo

So ayon sa sinabi ni maam nayon kinabahan din ako baka kung ano itanong nun sakin na di naman related sa meeting namin HAHAHA

Nilapitan ko si vhong sa may pintuan ng office namin

"Vhong bakit ka andito?", tanong ko sa kanya

"Diba sabi ko sayo hahatid kita sa bahay nyo, nakalimutan mo na ba?", tanong nya sakin

Mukang pagod nato siguro dahil nakikita ko sa muka nya pipikit pikit na kasi sya e

"Pagod kana e uwi kana kaya, tingnan mo itchura mo antok kana", sabi ko naman

"Okay lang ako ano kaba, di paba kayo tapos?", tanong nya sakin

"Hindi pa e, baka mamaya maya pa uwi kana matulog kana anong oras narin oh", sabi ko

PagtinginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon