When I woke up wala na sya sa tabi ko. Siguro nahimasmasan na yun. Masaya ko kahit ganon. Kasi he owned me last night. God knows how I miss doing that with him. Ginawa ko na lahat ng routines ko and pumunta na kong school. I'm happy. Kaya nga nagulat sila Zi kung bakit parang baliw akong ngiti ng ngiti. Tinatawanan ko lang sila. Ngayon alive na alive ako habang nagli lessons unlike the past few days. Kaya nung uwian excited akong umuwi. Sa sobrang kakamadali to nakalimutan ko nang magpaalam sa dalawang kaibigan ko.
"Hi manang, dinner na po ako"
"Oh tamang tama kakain nadin si Devin, Iha. Umupo kana dun at ikukuha na kitang plato" Napapadalas ata na sumasabay sya sakin sa hapag ah.
Pagpasok ko ng dining nakaupo na don si Vin at busy sa cellphone. Medyo nagulat pa sya pagdating ko pero di nya padin tinigil kaka phone nya. Nagsimula na kaming kumain nang naihanda na lahat ni manang lahat ng kailangan namin. Minsan nahuhuli ko syang nakatingin sakin pero pag sinasalubong ko yon iniiwas nya agad mga mata nya. After I eat, dumiretsyo nako sa kwarto.
Napatingin ako nung bumukas yung pinto, I thought it was manang pero nagulat ako nung si Devin yung pumasok. Hinayaan ko lang sya kahit nakakabigla."I left my watch here" ah kaya naman pala. Kala ko pa naman dito sya ulit matutulog. Pero sinong niloko ko di naman sya lasing.
"Nilagay ko dun sa lagayan ng mga relo mo" ewan ko bat binalikan nya pa yun eh ang dami dami nyang relo. Napatalon ako nung biglang nag ring yung phone ko. Nakita kong natigil sya saglit sa paglalakad papunta sa dresser nya. Nakita ko yung caller, his mom.
"Hello ma, kamusta po? Si daddy po?" Napalingon sya sakin at nakatitig habang pinapakinggan ako.
"Hi Bella, I'm okay. And your dad's okay too. Kayo ni Devin kamusta?" Umasim yung mukha ko. Kelangan ko nanaman mag sinungaling. Hindi kasi alam ng parents nya yung mga nangyayari samin.
"We're okay po. Gusto mo po syang kausapin?"
"Oh he's there? I loudspeaker mo nalang dear para parehas nyo marinig sasabihin ko"
"Opo, okay po wait po, love may sasabihin daw si mommy on phone" ghaaaad. Di ko alam anong reaksyon nang mukha nya sa sinabi ko. Lumapit sya sakin at kinausap yung mommy nya sa phone.
"Hi mom, wassup?"
"Hi anak, I just want to inform the two of you that we need to stay on your house. Tommorow lunch time siguro andyan na kami ng daddy mo" parehas kaming natigilan.
"Okay mommy. For how many days po?" Kahit labag sa kalooban nya kasi magpapanggap kami.
"Just one day is enough, magpapalipas lang kami dyan. Ayoko na kasing mag book ng hotel ang hassle. Tsaka malapit kasi dyan yung pupuntahan naming business meeting"
"Noted mommy, magpapahanda po ako ng lunch bukas" I said.
"Thankyou dear. Take care always you two ha? Bye see you tommorow lunch"
"Bye mom" sabay naming sabi.
"Alis nalang ako bukas, sabihin ko nalang sa parents mo na nagka emergency sa company" I said without looking at him.
YOU ARE READING
A Beautiful Angel
Teen FictionIsang araw dumating nalang ang isang TRAHEDYA. Isang trahedyang makakapagpabago sa buhay nya. Paano nya isisilang ang isang sanggol kung nawawalan na siya ng lakas para lumaban........ LUMABAN, napag isip-isip ni Althea na kailangan nyang lumaban p...