Chapter 1: The Host

5 2 0
                                    

Host

Today the School teachers was so busy, they were busy preparing something in the gym. Pati mga School officers halos hindi na rin magkanda uga-ga sa pagkuha ng nga gamit.

"Angela pasok daw lahat sa room" Kyle said. Nasa hallway kasi ako ng building namin.

"Oh okay" I said. Pumasok na ko sa loob ng room at naupo sa sarili kong upuan malapit sa pinto.

Naisipan kong ilabas ang cellphone ko at manood muna sa YouTube. Mukang wala namang klase dahil may ginagawa sila.

Isang oras nakong nag cecellphone at wala paring sinasabi na pwede na kaming umuwi, usually kase pag maraming ginawa ang mga teacher o dikaya may emergency meeting pinapauwi na agad kami, kaya lang ngayon ay wala parin.

Tumayo ako para pumunta sa class president namin na kasalukuyang natutulog ngayon.

Bahagya kong inalog ang balikat niya, agad naman siyang nag angat ng ulo at inayos ang specs niya.

"Wala pa bang sinasabi?" I asked Justin, kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa niya at nag tingin kung may announcement.

"Meron" Sabi niya at tinago muli sa bulsa ang cellphone. Tinagilid ko ang ulo ko para ipahiwatig sakanya na nagaantay ako ng kasunod na sabihin niya.

"What?" sabi niya ng nakita niyang hindi parin ako umaalis sa gilid ng table niya.

"Anong sabi?" tanong ko. Pinasok ko sa bulsa ng palda ko ang dalawa kong kamay tsaka naupo ng Bahagya sa lamesa niya.

Nakatingin lang siya sakin. Bakit hindi niya masabi eh simpleng 'walang uuwi' lang naman o Di kaya ay 'pwede nang umuwi' ang sagot.

"Wag lang daw lumabas ng room." Bumuntong hininga siya at hinawi na ang pwet kong nakaupo sa table niya. Umalis ako sa pagkakaupo ko at agad naman siyang dumukdok ulit don

Weirdo.

Bumalik nako sa upuan ko at pabagsak na naupo. Sobrang bored ko na dito at may trabaho pa ko mamaya.

Kinuha ko ulit ang cellphone ko at nakitang may text ang kapatid ko.

Fatima: Ate aalis kami nila nanay, nasa kabilang bahay yung susi kunin mo nalang.

Ako: ge

Binalik ko na sa bulsa ko ang cellphone ko at yumuko nalang sa lamesa ko. Ayos narin to para hindi ako antukin mamaya sa trabaho.

Hindi ko namalayang nakatulog pala ako at na gising nalang ng maramdaman kong mag isa nalang ako sa room.

Nag-inat muna ako ng leeg bago Tumayo at ayusin ang nga gamit ko. Inikot ko ang paningin ko para tignan kung ako nalang ba ang natitira.

Hmm... Ako na nga lang.

Lumabas na ko ng room at nilakad ang daan patungo sa fire exit para hindi ako makita sa cctv baka kasi maoffice ako bukas dahil anong oras nako nakauwi.

Patapak na ko sa mismong hagdan ng fire exit ng marinig ko ang speaker ng gym. May program ba? Bakit hindi nila ako ginising? O Baka mga teacher nalang yon?

Nagmadali akong bumaba ng hagdan at gumawa iyon ng malakas na tunog dahil bakal ang hagdan at may kaunting takong ang sapatos ko.

Nang makababa na ko sa first floor nag ingat na ko ng takbo dahil madulas. Habang tumatakbo nakita kong nakabukas ang pintuan ng computer lab. Tumigil ako para silipin kung may tao ba sa loob.

Hinawakan ko ang door knob at namalayan ko nalang na nahatak na ko papasok.

"What the heck!" sigaw ko. Muntik na Kong masubsob sa sahig dahil sa lakas ng pagkakahila niya sakin.

Nag angat ako ng tingin para makita kung sino yung gagong nanghila. Si Justin.

"Bakit?" tanong ko pero pinatahimik niya lang ako.

Naupo siya sa monoblock at sinenyasan niya naman akong umupo sa harap niya.

"Bakit hindi ka nagsasalita?" Tanong ko nang maupo na ko.

Huminga siya ng malalim at napahilot sa sentido. Lumapit siya sakin at hinawakan ang muka ko.

"Don't come out, they will make you the host" Justin whispered. Binitawan niya ang muka ko at sinandal sa balikat ko ang ulo niya. Ramdam ko ang bigat niya dahil sa ginawa niya.

Ano bang nangyayari? Anong host? Bakit hindi ako lalabas? Ang gulo pero mukang kaylangan kong makinig sakanya.

"Ano bang nangyayari?" Hinawakan ko ang balikat niya at bahagya siyang tinulak para tignan sa muka. Muka siyang stress at ngayon ko lang nakita ang ganitong side niya. Lagi lang kasi siyang kalmado at nakayuko lang sa lamesa niya.

"The principal's out there... And she said that we will play a mafia game, do you know that game?" Umayos na siya sa pagkakaupo niya. Uminom siya ng tubig bago magpatuloy sa sasabihin.

"There are 5 roles in that game; the spy, police, doctor, civilian and most importantly the mafia. Basically if you become the host, it's you who will pick the players. Kung sino ang magiging mafia, doctor, spy, at police. The rest na hindi mapipili ang magiging civilian. So if ever na ikaw nga ang magiging host chose wisely" He explained. Tinawanan ko siya. He's funny. Why would that happen? Seriously he's gone crazy mad.

"Don't laugh I'm serious." tumayo siya at sumilip sa pinto.

"Do you do drugs?" I asked him seriously. Because if not I would fucking freak out right now.

"Do I look like I'm using drugs?" he shot back. "Get out now." Nangunot ang noo ko. Kanina lang ay ayaw niya kong palabasin, ngayon naman at pinapalabas na niya ko.

"Seriously what's wrong with you Justin" I asked sounding so worried. It's not a genuine question, it's a confirmation.

"Ask the principal that, not me" He coldly said and forced me to get up by pulling my arms. I ouched but he just ignored it and continue on dragging me out.

"Go there and confirm it" He said before shuttung the door.

Napailing nalang ako at nakatanaw na naglalakad papuntang gym. Nakatayo sa harap ang principal at mukang nagsasalita siya tungkol sa kung saan. Binilisan ko ng konti ang lakad ko.

Nang makarating na ako sa hagdan paakyat ng mismong gym ay bigla nalang natahimik ang lahat. Nawala ang mga bulungan at pati narin ang principal na kanina lang ay nagsasalita natahimik.

Lalo akong nagtaka ng sundan nilang lahat ang kilos ko na para bang isa akong importanteng bisita. Hinanap ng mata ko ang hilera ng mga kaklase ko, nakita kong malapit sila sa stage kaya naman medyo Binilisan ko pa ng lakad para mawala na ang tingin nila sakin.

Pero kahit na nakaupo na ako sa pwesto namin ay hindi parin nawala ang tingin nila kaya naman nag tanong ako sa katabi ko kung anong angyayare, nagkibit balikat lang siya at Tumingin na uli sa principal.

Naging signal iyon upang ibalik ng lahat ang tingin nila sa harap kung saan nandoon ang principal na nakatingin parin sakin na may ngisi sa labi.

Another weirdo.

"So as I was saying... We're gonna play. And it needs a host. I already think of someone that fits that role...its Ms. Angela Fernandes" pumalakpak ang principal at mga teacher. I involuntarily stood up. Everything that Justin said slowly started to sink in me.

This is ridiculous.

This is not real right?

I mean why the heck will play?

Is this a part of the School program?

It's too late to even protest... The last thing I knew was that I was already standing in front of everyone with a mic on my hand.

Let's Play A Mafia GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon