CHAPTER1"Apo gising! Gumising ka"
Napabalikwas ako ng bangon dahil sa lakas ng pagyugyog sa akin ni Lola. Napahawak ako sa mukha ko, napansin kong basa ang mga pisngi ko. umiyak na naman ba ako?
"Apo buti't gumising ka. Nanaginip ka na naman ba?" Bakas sa mukha ni Lola ang pag aalala.
"O-opo"
"Jusko, halos atakihin ako sa puso. Wala pa man din dine ang iyong Lolo, kung kayat labis ang pag aalala ko sa iyo. Gayong hindi ko alam ang gagawin." Kita ko ang tumatagaktak na pawis na tumutulo sa sentido ni Lola.
"P-patawad ho La. Masyado ko yata kayong napag alala"
"Ano ka ba apo. Natural lamang na mag alala ako. Apo kita."
"K-kahit hindi niyo ho ako tunay na apo?"
Totoo yon hindi ako Tunay na Apo ni Lola Carmen sapagkat nadampot lamang daw nila ako sa labasan ng aming baryo. Nasa may kakahuyan daw ako sa kagubatan sa gilid nang kalsada nang makita ako nila Lola Carmen at Lolo Luciano. Nakarinig daw kasi sila ng iyak ng sanggol habang sila'y na ngangaso kaya agad daw nila itong pinuntahan.
Natagpuan nila akong nakahiga sa loob ng basket sa tabi ng puno ng Accacia. Nalaman rin daw nila ang aking ngalan sa pamamagitan ng burda sa ibaba ng aking baru-baruan. Clea . Hanggang ngayon nasa akin parin ang damit kong iyon ng ako'y sanggol pa.
"Apo kahit sino ka pa. At kahit hindi man kita kadugo, ay patuloy ka naming mamahalin ng iyong Lolo. Naiintindihan mo ba?"
Tumango ako bilang sagot kay lola at niyakap naman niya ako ng mahigpit.
Naisip ko ang tungkol sa aking napanaginipan. Hindi ko alam kung bakit araw araw akong binabagabag ng aking panagaginip na iisa lamang ang pinangyarihan.Nakikita ko ang kastilyo sa kabilang bayan ang tinatawag nilang Vaxious Kingdom. Nakikita ko sa panaginip ko ang isang sanggol na palihim na dinadakip nang isang hindi ko kilalang tao sapagkat ito'y balot ng isang itim na salakot at itim rin na kapa na may tabon sa ulo. At nag papakita rin ang isang napaka gandang babae na nilalaro ang kamay ng kaniyang anak na nasa loob ng kuna. Sumasagi rin ang napaka- gandang palasyo at ang tronong napaliligiran ng kawal na balot na balot ng ginto. At ang inang tumatangis, habang nakaluhod sa harap ng kabaong at inaalo ito ng kaniyang asawa.
Iyon ang lagi kong napanaginipan.
***
Kinabukasan ay nagising ako ng dahil sa sinag ng araw na tumama sa aking mukha na galing sa butas butas naming ding-ding.
Tumingin ako sa oras namin na halos hindi na gumagalaw.
Sa tantya kong ito mga nasa bandang alas-syete na. Pero ang orasan namin ay nanatiling nakatutol sa Alas-dose. Buong taon yatang Alas-dose ang oras namin.
Bumangon ako at nag inat.
"Kay gandang umaga! Lo! La!"
Naghilamos muna ako at nagmumog atsaka hinanap si Lola. Nakita ko siyang nag luluto at si Lolo naman ay nagsisibak ng kahoy panggatong. Tumingin ako sa niluluto ni Lola ang paburito ko!
"Wow!"
"Oh hija. Hinanda ko ang paburito mong sinangag na kanin at asin"
"Salamat La. Nako mapaparami yata ang kain ko ngayon!"
"Talaga naman Clea"
"Hehehe" sabi ko at bahagyang kinakamot pa ang aking batok.
"Oh siya nga pala, andoon ang listahan sa ibabaw ng lamesa yun ang ipapamalengke mo sa bayan. Yan ang gawain mo ngayon sa bahay ni Mareng Ising. Atsaka bago ka tumuloy ay maligo ka muna, ang baho mo Clea!"
BINABASA MO ANG
The Lost Princess ( The Missing Heir )
De TodoPrincess Clea Vinettili must known as Clea Zapanta a long lost Princess of Vaxious Kingdom.