Nang dahil sa iyo natuto akong umibig muli. Nang dahil sa iyo naging makulay ang aking madilim na mundo. Nang dahil din sa iyo nagkaroon ako ng pag-asa sa buhay. Ikaw ang aking kalakasan at kahinaan.Na sa tuwing palubog ang araw at pasikat ang buwan, ikaw pa rin ang nasa puso't isipan at alam ko na hangang huli hindi mo ako papabayaan.
Sa bawat pighati o problema mang dumating, itoy iyong malalagpasan kung kayo'y nagmamahalan, nagtutulungan at aalagaan ang isa't isa.
Lahat naman siguro tayo nagmahal na, simula sa umibig, nasaktan, umibig muli.
Nasaktan ka? Natural lang yan hayop nga nasasaktan tao pa kaya. Umibig, pag-ibig na hindi mo alam kung kailan darating at kailan din mawawala. Kailan magsisimula at kailan din magwawakas.
"Cedric, samahan mo naman ako sa mall, gusto kong makasayaw sa maraming tao, maipapakita ko na kasing galing din kitang sumayaw" pakiusap ni Cindy.
Sa sobrang mahal ni Cedric si Cindy ay sinamahan niya ito sa mall. Napakasaya niya, para bang walang ka problema, nag-eenjoy at halos nanalo sa lotto sa sobrang saya.
Ngayon ko lang kasi nakita si Cindy na ganyan kasaya. Isa raw sa pangarap niya iyon, kaya ibinigay ko ito sa kanya. Hanggang sa nakita ko na lang siyang bumagsak.
Marami ang nagulat sa nangyari isa na ako ron. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Natataranta ako. Ang tibok ng puso ko ay mabilis pa sa ambulansya. Dali-dali namin siyang isinugod sa hospital.
"Doc, kumusta na po siya?" nag-aalala kong tanong.
"Iho, wag kang mabibigla sa sasabihin ko, may cancer sa utak ang kasama mo ngayon. Bihira na lang ang nakaka-survive sa ganiyang sakit. Ang mabuting sagot na lang ngayon ay dasal. May nakitang bukol sa utak niya. Habang lumalaki siya palaki rin ng palaki ang bukol na nasa utak niya. Madalas ba siyang mahilo? Mapagod? Yun ang sintomas kung bakit niya nararamdaman ang pagsakit ng ulo at paghina ng katawan"
"Doc, wala na bang ibang paraan para gumaling siya?" Nanginginig kong tanong habang tumutulo ang luha sa aking mga mata.
"Meron naman, kaso there's a possibility talagang hindi na gumaling. I'm sorry iho, maiwan muna kita".
Hindi ko alam ang gagawin ko ng nalaman ko ang sitwasyon ni Cindy. Para bang gumuho ang aking mundo, nagdilim ang aking maliwanag na buhay.
Sa loob ng silid ni Cindy habang nakahiga siya sa puting kutchon, hawak ko ang kaniyang kamay at umiiyak lamang ako. Mayamaya lamang ay napansin kong gumalaw ang kaniyang daliri at tuluyan na niyang nabuksan ang kaniyang mga mata.
"Oy! Wag ka nang umiyak diyan, hindi bagay sa iyo ang umiiyak, papangit ka niyan" tatawa-tawa niyang sinabi sa akin.
"Magtapat ka nga sakin! Matagal na ba na may sakit ka? Bakit inilihim mo ito sakin? Bakit!"
Galit na galit ako sa kaniya ngunit pinipigilan ko lamang ang aking nararamdaman.Ang inisip ko na lamang ay ang maging maayos ang kalagayan niya.
"Teka, teka! Mag-eexplain ako. Oo matagal na akong may cancer. Nang nalaman ko iyon, gumuho ang mundo ko. Gabi-gabi akong umiiyak, at naisipan ko ring magpakamatay. Kaso sabi ko sa sarili ko, "Kung magpapakamatay ba ako, magiging masaya ako? Kung gabi-gabi ba akong umiiyak maiibsan ba nito ang problemang pinapasan ko? Diba hindi naman? Tsaka sabi rin nila bawal daw akong kumilos nang kumilos at magpakapagod. Ayaw kasi kitang nakikitang nag-aalala kaya sinikreto ko nalang lahat ng iyon" namumugto ang kaniyang mata habang nagsasalita.
"Bakit hindi mo sinabi kaagad sa akin ito? Edi sana hindi na kita pinasayaw at hinayaan nalang kitang magpahinga sa inyo. Hindi ka sana ngayon narito. Kasalanan ko ang lahat ng ito, kasalanan ko!" Tumayo ako't sinuntok ang pader.
"Wag mong sisihin ang sarili mo. Kaya nga hindi ko sinabi sa iyo dahil alam kong pagbabawalan mo akong sumayaw. Sa totoo lang sobrang napasaya mo ako dahil pinayagan mo ako. Natupad ang isa sa pangarap ko na makasayaw sa maraming tao" Tumayo siya't niyakap niya ako.
"Maraming salamat dahil natupad iyon. Hanggang sa huling araw ko sa mundong ito, hindi ko malilimutan ang saya, at pagmamahal na binigay mo sa akin" nanatili lamang siyang nakayakap.
"MARAMING SALAMAT!" sabay tulo ng luha.
Mayamaya lang ay nagbitaw siya ng salita
"MARAMING SALAMAT DAHIL NAKILALA KITA. MARAMING SALAMAT DAHIL ARAW-ARAW MO AKONG PINAPASAYA. MARAMING SALAMAT DIN DAHIL MINAHAL, INARUGA MO AKO NG BUONG PUSO. MARAMING MARAMING SALAMAT" .....
YOU ARE READING
Love Moves
RomanceNaniniwala ka bang may DESTINY? Pagtatagpuin kayo ng tadhana hanggang sa maramdaman ang tunay na pagmamahal. Pagmamahal na susubok sa inyong dalawa. Pag-ibig na hindi mo alam kung kailan magsisimula at kailan din magwawakas. In every relationship t...