CHAPTER 1- FIRST MEETING

5 0 0
                                    

"Dancing is my life" Ito na siguro ang masasabing motto ng mga dancer. Oo, tama ka. Hindi ka rin siguro magiging masaya kung hindi ka sasayaw diba? Nafe-feel kita ganyan din ako e. Hindi ko alam kung bakit nakahiligan kong umindak tuwing may naririnig akong tugtog. Bata pa lang kasi ako hilig ko nang sumayaw. Kinagigiliwan ako ng aking mga magulang pati na rin mga tito, tita, at mga pinsan. Bigay ko'y ligaya at tila nawawala ang kanilang pagod sa tuwing nakikita nila akong sumayaw.

Isang araw may isang babaeng tingin nang tingin sa akin 'di ko naman siya kakilala. Bago siguro siya rito. Balita ko kasi may umupa sa bahay ni Aling Susan kapit-bahay namin dati. Hindi ko alam bakit tingin siya nang tingin. Hanggang sa isang araw lumapit siya sakin.

"Nakabibilib ka naman, ang galing mong sumayaw, samantalang ako pinipilit ko kaso  hindi pa rin ako nasasanay" nakatingin siya sa akin at bigla na lamang nalungkot.

"Ay, hindi naman hilig ko lang sumayaw 'di naman ako magaling e" nahihiya kong sagot.

"Hindi, magaling ka kaya, lagi nga kitang pinagmamasdan e" Hinawakan niya ang aking balikat at bigla niya akong nginitian.

"Ahh, ikaw ba yung babaeng laging nasa bintana na tingin nang tingin sa akin?" tanong ko.

"Hahaha, oo ako nga" tatawa-tawa niyang sagot.

"Ako nga pala si Cindy" bigla niyang Iniabot ang kaniyang kamay sa akin upang makipag-shake hands.

"Ako si Cedric" nakipag-shake hands din ako sa kaniya.

"So friends na tayo?"

"Oo ba, gusto mo turuan kitang sumayaw?"

"Sige, kaso mahirap akong turuan baka magsawa ka"

"Hindi ako pa!"

Simula nang araw na iyon ay naging magkaibigan na kami. Araw-araw kaming nag-eensayo sa pagsadayaw. Walang ibang ginawa kung hindi umindak sa bawat tugtugan.

"Teka, magpahinga muna tayo, parang nahihilo ako" wika ni Cindy habang umupo ito sa gilid.

"Okay ka lang ba Cindy? Namumutla ka, uminom ka muna ng tubig" Dali-dali ko siyang kinuhanan ng tubig.

"Sige una na ako baka hinahanap na ako ni Mommy. Sige bukas na lang ulit" nagmamadali itong umalis.

Pagkauwi ng bahay ni Cindy ay kinausap niya ang kaniyang Mommy.

"Mommy, bakit sa tuwing napapagod ako bigla na lang akong nahihilo? Bakit sumasakit ang aking ulo? At agad akong napapagod? Am I good or not?" nagtatakang tanong nito sa kaniyang Mommy.

"Ahh talaga ba anak? Sige bukas na bukas pupunta tayo ng hospital papacheck-up kita"

Kinabukasan ay pumunta kaagad sila sa hospital upang ipa-check up si Cindy.

"Doc, matanong ko lang po bakit po laging nahihilo ang anak ko, at kaagad napapagod?" pagtatakang tanong ng Mommy ni Cindy.

"Misis pwede ba kitang makausap sa labas" at kaagad silang lumabas upang sabihin ng doctor kung ano ba talaga ang nangyari.

"Misis 'wag ka sanang mabibigla ah, may brain cancer ang anak mo may tumor ang kaniyang utak, at maaari itong humantong sa alam mo na"

"Doc, sabihin niyo nagbibiro lang kayo? Hindi totoo yan doc" Tumulo bigla ang luha ng Mommy ni Cindy sa kaniyang nalaman.

Mayamaya lamang ay pumasok na rin ang Mommy ni Cindy sa room.

"Mommy, ano raw sabi ni Doc?"

Sa sobrang pag-aalala ng kaniyang ina ay isinekreto na lamang niya sa kaniyang sarili ang kalagayan ni Cindy.

"Ahh, anak sabi ni doc sobrang paglalaro lang daw yan, baka nasobrahan ka ng pagod. Wag ka munang magpakapagod simula ngayon. Sa bahay ka na lang at 'wag ka na ring sayaw nang sayaw"

"Bakit po Mommy? Alam mo naman na gustong-gusto kong sumayaw"

"Basta sundin mo nalang ako, maliwanag ba?"

"Opo, sige po"

Kinabukasan ay pinuntahan ako ni Cindy sa aming bahay upang sabihan na hindi na siya maaaring sumayaw pa.

"Pssst, may sasabihin ako sayo" Nilapitan ako ni Cindy.

"Sabi ni Mommy 'wag na muna raw akong magpapagod,  kaya stop muna tayong sumayaw. Kasi raw bawal na akong mapagod sabi rin ng doktor" dagdag pa niya.

"Ahh, ganon ba, sige magpagaling ka ahh, para makapagsayaw na tayo ulit"

"Sige"

Makalipas ang ilang araw ay hindi ko na nakikita si Cindy.

"Bakit kaya hindi na pumupunta si Cindy sa bahay? Siguro pinagbawal na siya ng nanay niya, ay hindi siguro busy lang yon" tanong ko sa aking isip.

Ilang saglit pa ay nakita kong paparating si Cindy papunta sa bahay.

"Oy! Kumusta ka na ilang araw ka ring hindi nagparamdam sakin ah. Ano bang nangyari sayo?" tanong ko sa kaniya.

"Ahmmm may sasabihin pala ako sayo. Cedric, sabi ni Mommy aalis na kami sa isang linggo pupunta na kami sa Canada kukunin na kami ni Daddy don na kami titira" wika niya sa akin habang bakas na bakas sa kaniyang mukha ang lungkot.

"Ahhhh, bakit naman? Hindi ba kayo masaya rito?"

"Masaya pero 'yon ang desisyon ni mommy e wala akong magagawa . Gusto ko man dito kaso......"

Naputol ang aming pag-uusap nang tinawag siya ng kaniyang Mommy.

"Nak, kain na tayo!" Pasigaw na sabi ng Mommy ni Cindy.

"Sige mauna nako, Opo nandiyan na po" kaagad din siyang umalis.

Makalipas ang isang linggo...

"Mommy pwede bang pumunta ako kila Cedric? Saglit lang ako don, magpapaalam lang"

"Sige, anak dalian mo baka ma-late tayo sa flight natin"

"Sige po" 

Dali-dali akong pinuntahan ni Cindy upang magpaalam na aalis na siya.

"Bakit nandito kapa? Diba aalis na kayo?" tanong ko sa kaniya.

"Oo, aalis na kami mayamaya, magpapaalam lang sana ako sayo. Maraming salamat sa kaunting panahon na nakasama kita, naging masaya ako dahil tinuruan mo akong sumayaw. Maraming salamat dahil naging magkaibigan tayo, hanggang sa muli nating pagkikita" sabay yumakap ito nang mahigpit.

"Ahh" mangiyakngiyak kong sagot.

"Maraming salamat din dahil nagkaroon ako ng kaibigan. Naging masaya rin naman ako sa kaunting panahon na magkasama tayo. Sana lagi mong tandaan na kahit saan kaman naroroon lagi mo akong maalala. Yung mga tinuro kong dance move ah, sa susunod nating pagkikita ma-perfect mo na sana yun. Teka, may ibibigay ako sayo" sabay dukot ko sa aking bulsa.

"Para mas maalala mo ako heto oh" Iniabot ko sa kaniya ang isang keychain.

"Ano yan keychain na sapatos?"

"Oo, alam mo ba kung bakit? Diba gusto mong matutong sumayaw? Ganiyan ang mga sapatos ng mga dancer. Ako rin gusto kong magkaganyan sapatos kaso wala pa akong perang pambili. Sana sa tuwing makikita mo yan maalala mo ako"

"Oo naman, maraming salamat ulit, paalam kaibigan" sabay yumakap muli nang mahigpit.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 22, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love MovesWhere stories live. Discover now