"Ang tahimik mo jan Tris?" Sabi ni Isay.
"Ano bang iniisip mo jan?" Sabi naman ni Jenny.
"Ang lalim niyan ah? May #Hugot ba yan?" Sabi ni Ella. Napatawa naman kaming lahat.
"Hans, Kent and Jeff, paano kayo nainlove sa mga bruhang 'to? Kaloka! Gayuma ba?" Hahaha. Hindi na talaga ako nagsawang kulitin sila. Ehhh naiinggit nga talaga kasi ako.
"Naku boys. Wag niyong sagutin. Umaalingasaw ang bitterness niya, from head to foot." Inirapan ko si Jenny.
"Palibhasa may mga fiance na kayo. Tsss"
"Tigilan mo nga yan Beatrice. Darating naman yung para sayo eh! Konting push lang!" Sana nga tama si Isay.
"Oo kapag 45 na ako saka ko siya mahahanap. Pssh! Kayong lahat except kay Isay at Jeff, sa botique kayo pumili ng damit for wedding niyo. Hmmmp!" Eh kasi mayaman nga si Jeff, kumuha ba naman ng international designer para sa gown ni Isay. Tsss. Dream ko pa namang idesign ang mga gowns nila.
"Nagtampo ka naman Beatrice. It was my Mom not us, okay?"
"Tssee! Nagtatampo pa rin ako sa inyo!" Masyado na ata akong nagpapaka immature. 27 na nga ba ako? Haha
"Sorry for being late guys!"
Napalingon kaming lahat sa pinanggalingan ng boses. Dumating siya!! Himala!!
"Guys, check niyo yung eyes ni Tris. Heart shaped na. Hahaha" langya talaga tong si Ella. Tsss..
Pero, di nga dumating siya? "Paolo!?"
Niyakap niya ako "Good evening Bey!" Mmmm. Ang bango niya talaga! Nakakaadik! Hahaha
"Hey!" Kumaway siya kina Hans.
"Long time no see Pao. Buhay ka pa pala?" I glared at Jenny.
"Yeap! Kababalik ko lang from London. Ahmmm. Pwede ko bang hiramin sandali si Beatrice?" Para namang owner ko sila. Hahaha
Ngumiti ng nakakaloko si Isay "Kahit pa iuwi niyo pa sa bahay niyo at hindi naibalik, okay lang Pao!" Sinamaan ko na ng tingin si Isay. Errrr!
"Thanks!" Hinila niya na ako papuntang terrace.
Curious kayo sa kanya? Siya si Paolo Sanchez. Ang tanging taong nagseenzoned, friendzoned at sisterzoned sa akin. Haay!
Siya lang kasi ang lalaking close friend namin nung college. Matagal na akong may gusto jan, alam naman niya yun. Kaso kapatid lang.daw ang turing niya sa akin. Saket noh?
"I have something to tell you.." lagi nalang niya akong pinapakaba. Di kaya ikakasal na din siya? Oh nossss!!
"A-ano yun Pao.."
"She's married.." at umiyak siya. Ngayon comfortzoned na. Argh! Kainis ka talaga Paolo!!
Ako lang naman ang pinakaclose ni Pao sa aming apat. Ako yung laging anjan in good or bad times. Masyado kong tinotorture ang sarili ko.
"Shhh.. andito lang ako Pao..." double meaning yan.. sana this time ako naman ang mapansin niya.. haaay!
Niyakap niya ako "Thank you so much Bey. I couldn't last a day without you.."
Bumilis ang heartbeat ko. Ansabe niya? He couldn't.... waaaaa!! Kinikilig ako sobra!!
Hindi ako nagsalita at baka masira pa ang moment namin. Hahaha sheeet!!
Kung ang mga friends ko puro nasa past nila ang mga naging love of their life nila. Ako naman mukhang nasa present! Eiiiih! The idea makes me squeel!! Hihihi
Magkakaroon na rin ba akong ng K? KA-IBIGAN!??? Waaaa!! Abangan....
BINABASA MO ANG
Kaklase, Kapitbahay, Kalaro (Christmas Special Triple Shot)
Historia CortaKwento ito ng tatlong babae na natagpuan ang kanilang The ONE during Christmas :)