Ladies and gentlemen, welcome to Napoleon Domestic Airport. Local time is 1:00 P.M. and the temperature is 88°.
I’d like to thank you for joining us on this trip and we are looking forward to seeing you on board again in the near future. Have a nice day!”
"Welcome me, Napoleon! Alfami Coast, here I come!" Sigaw niya pagkalabas ng airport.
"Ang aliwalas naman ng panahon." Huminga siya ng malalim at saka suminghap ng hangin. "What a beautiful day...totoo nga yung sa mga palabas, ang romantic nga ng ambiance dito hehe."
Paglabas palang ng airport ay ramdam na ramdam na niya ang romantic ambiance ng Alfami Coast na sobrang dinadagsa ng mga turista; mga magpapamilya, mga lovers at lalong-lalo na ang gaya niyang hopeless romantic.
Nang medyo maka-get over na siya sa pagme-mesmerize sa buong lugar ay nagsimula na siya sa kaniyang hopeless journey.
Dala-dala ang isang maliit na maleta na puro painted ng bulaklak ng iba't ibang roses and sunflower ay naglakad siya at pumara ng taxi.
"To Lidomare port po." Sabi niya pagkapasok na pagkapasok niya ng taxi.
"Turista po ba kayo ma'am?" Usesa ng driver.
Pang-open ng topic upang hindi sila mabagot sa isang oras na byahe.
"Opo manong."
"Parang galing ka pa po kayo sa malayo e haha."
"Tama po kayo...matagal ko na po talagang gustong magbakasyon sa Alfami, ngayon lang natupad haha."
"Balita ko nga na maganda daw talaga ang islang yun, may nag-shooting pa nga daw na mga artista dun nung mga nakaraang taon e."
"Tama po kayo manong."
Updated siya, ha.
Pagkatapos ng chikahan nila ni manong at wala na silang magpag-usapan ay isinuot nalang niya ang head phone at nakinig sa paborito niyang kanta.
"Thank you manong." Magalang na sabi niya pagkakuha ng driver ng maleta niya sa trunk ng taxi.
Sumabay siya sa agos ng mga tao patungo sa may port.
Doon ay mas lalong naramdaman niya ang napaka-romantic vibe ng Alfami Coast, mula sa pastel-colored na mga bench at sa mga malalapit na mga bahay hanggang sa mga taong hindi magkamayaw sa pagkuha ng mga sarili nilang larawan.
This was build by magic!
Hindi maikakali ang excitement sa mukha niya. Hindi na siya makapag-hintay na sumakay sa barko at ng makarating na sa Alfami.
Thank you talaga tita for this trip! Ito ang pinaka-most and super special birthday gift! Sana pagpalain ka ng maraming anak soon haha!
Inilagay niya ang mga siko niya sa barrier ng dock at parang batang pinagmasdan ang horizon. She's drooling over the place.
*CLICK!
"SHITT!"
Napatingin siya sa taong nasa tabi niya na siyang nagmura. Tinaasan niya ito ng kaliwang kilay.
Pakiramdam niya kasi siya ang kinunan nito ng larawan.
"Bakit?" Pagmamaang-maagan nito.
Inismiran niya ito saka tinanggal ang head phone.
"May kailangan ka, miss?"
"Kailangan ko pa bang tumawag ng pulis para i-delete mo yan?"
"H-ha? Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhan na tanong ng lalaki.
BINABASA MO ANG
Poputchik And The Alfami Coast
RomanceEveryday is always a perfect chance for love, wether to fall in love or to be love. Regardless of the time, the place and whoever the person is, if it's love, then it's love. *** Their path crossed as it is what their fate plans. They meet in the mo...