"𝑻𝒐 𝒍𝒐𝒗𝒆 𝒊𝒔 𝒕𝒐 𝒓𝒆𝒄𝒆𝒊𝒗𝒆 𝒂 𝒈𝒍𝒊𝒎𝒑𝒔𝒆 𝒐𝒇 𝒉𝒆𝒂𝒗𝒆𝒏."
-𝐼𝐾𝑂𝑁 (𝐴𝑝𝑜𝑙𝑜𝑔𝑦 𝑀𝑢𝑠𝑖𝑐 𝑉𝑖𝑑𝑒𝑜)***
𝐴𝑛𝑔 𝑆𝑖𝑚𝑢𝑙𝑎
-"Babalik na dito ang Papa n'yo."
Ang mga salitang iyon ni Mama ay para bang naging isang mahika na bigla na lamang inutusan ang mga kamay ko na tumigil sa ginagawang pagsusulat. Ilang segundo akong nakatitig sa mga letrang nakabalandra sa aking harapan bago ko marahang ibinaba ang ballpen sa mesa.
Nagtaas ako ng tingin sa aking ina na waring kanina pang inaabangan na mapadpad sa kanya ang aking paningin. Ang mga ngiti sa labi niya ay hindi ko magawang suklian ng katulad na reaksyon dahil sa isang emosyon na matagal ng nakatago sa kaloob-looban ko. Emosyong muling nabubuhay dahil sa sinabi niya.
"Bakit, Mama?"
I don't want to sound rude but it is just that I am having a hard time accepting what she've said. Na para bang sinabihan ako ng isang biro na hindi naman nakakatawa.
Kumunot ang noo niya at saka ako mariing tinitigan.
"Anong bakit, Khiran? This is your father's house, too. He should be here. He belongs he-----"
"Hindi, Mama!" halos isigaw ko iyon sa harap niya. Kinagat ko ang labi ko dahil sa nakitang reaksyon kay Mama. Umiling ako at tumayo. "You're doing it wrong, Ma. We've been through hell because of what he did and he's coming back now? "
"Tumigil ka, Khiran!" may bahid ng galit na sagot ni Mama sa akin. "He's still your father so don't say any words against him. I know where you are coming from but it's been a month......"
"Sa tingin nyo ganoon kadali lamang tanggapin ang ginawa niya?" malamig na tanong ko sa kanya. Suminghap ako at naramdaman ang bikil na unti-unting nagpapasakit sa aking lalamunan. "You know how miserable I was, Ma! Alam nyo yun at kitang-kita nyo yun! May ginawa ba kayo? All you did was shedding tears infront of me. You didn't even say sorry. Ang ginawa nyo lang ay ang pilitin akong intindihan ang lalaking iyon sa ginawa niya!"
Unti-unting nagpatakan ang luha sa pisnge ni Mama hanggang sa marinig ko ang hikbing kumakawala sa bibig niya. I love her and I am willing to do everything for her. Kaya nga mas pinili kong sarilinin noon ang sakit dahil mahal ko siya. But I've been suffering a lot. Unti-unti na akong nakakatakbo papalayo pero hindi ko magawang makarating sa paroroonan ko dahil hinihigit ako pabalik. Pabalik sa miserableng buhay na tinakasan ko.
Seeing her at this kind of state is the last thing I want to witness. I turned my back at her like how I wanted to turn my back at this cruel world. Hindi ko alam kung may ginawa ba akong masama sa aking nakaraang buhay para maging ganito ang buhay ko sa ngayon. I know that I am already being hated by my own self because of my selflessness. Nagagawa kong saktan ang sarili ko para lamang sa kapakanan ng iba. My love is genuine but a destroyer, too.
"A-ate.. "
Nang marinig ko ang tinig na iyon ay may parte sa pagkatao ko na nagsisilbing buo pa rin. Na dahil sa kanya ay kinakaya ko pa rin ang lahat.
Marahas kong pinahid ang mga luhang gustong kumawala sa mga mata ko at saka tiningnan si Kia na malungkot ang mga matang nakatingin sa amin. Her eyes were full of sadness and she seems confused, too.
"Anong nangyayari, Ate?" kalmadong tanong niya at hinarap si Mama na pinipigilan ang sarili na gumawa ng ingay dahil sa pag-iyak. "Mama."
She didn't answer my sister instead she averted her gaze at me, begging for something. Kumuyom ang kamao ko at nag-iwas ng tingin. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
YOU ARE READING
Safe Escape ( La Casuel Series )
Tiểu Thuyết ChungFirst installment of 𝐋𝐚 𝐂𝐚𝐬𝐮𝐞𝐥 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 - I was once touched by the devil that made me stucked in hell. -𝐊𝐡𝐢𝐫𝐚𝐧 𝐌𝐞𝐥𝐟𝐨𝐫𝐢