-
Nasa kalagitnaan kami ng aming pagkain ng biglang may iilang estudyanteng babae ang nagsimulang magbulungan. Some were giggling like a crazy gals. Kumunot ang noo ko at saka muling itinuon ang atensyon sa pagkain.
"LCU's Varsity players." bulong ni Ayo habang nakatingin sa entrance ng cafeteria.
Umismid ako at sumimsim sa basong may lamang apple tea. They are the reasons why.
"Hindi ko talaga alam kung anong meron dyan kay Danaira at Zenrix." maya-maya ay sinabi ni Temy at nakita ko kung paano niya siniko si Arion na busy sa pagtitipa sa kanyang cellphone. "Problema mo?" he asked without looking at Temy.
"What's the real score between that two? You should know it."
Temy assumed that he knows, well, I kinda feel the same. Arion is one of the LCU's Varsity player but because he is my bestfriend, hindi siya madalas sumasama sa lunch ng mga players.
Arion shrugged his shoulder, "I don't know. Sa tingin mo ba ay pag-aaksayahan ko ng oras ang dalawang yun?" masungit na aniya habang ang mga mata ay naroon pa rin sa cellphone.
I creased my forehead out of curiosity. Nagpabalik-balik ang tingin ko kay Arion at sa mga daliri niyang busy sa pagtitipa. Sino ba kasing katext nito at hindi manlang magawang pansinin kami?
"Who's that, Arion?" hindi ko na napigilang tanungin siya.
With that, Ayo, Temy and Rave's attention averted to him.
Mabilis na itinago ni Arion ang kanyang cellphone sa bulsa at saka ako binalingan. Kinagat niya ang pang-ibabang labi bago ko nakita ang ngisi doon.
"You're so curious, hime." he teased me and then chuckled after that.
I glared at him. "I am not, Arion Zyle. Nagtatanong lang ako." umirap ako sa kanya.
Umiling si Arion at dinukwang ako upang pisilin ang aking pisnge. Mabilis kong hinampas ang kamay niya.
"Curious ka nga." dagdag pa niya habang nakangiti. "Don't worry, hime. It's nothing."
"Nothing,huh? Baka mamaya 'yang nothing mo maging something na, bro?" nakangising singit ni Rave.
Lalong kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"Babae 'yan,noh? Playboy na'to." paratang ni Ayo at sinapak si Arion.
"Hoy, Rhione!" Arion pointed his index finger to Ayo habang ang babae naman ay natatawa lamang at nagtatago sa gilid ni Temy. "Foul yan ha! Anong playboy ka d'yan?"
Napailing na lamang ako habang tinitingnan si Arion na nakikipagtalo kay Ayo.
My bestfriend is damn good-looking and well, maybe his looks has always been the reason why girls would go crazy over him. Halos lahat naman ng nasa varsity ay may ibubuga ang mga mukha, yun nga lang ay pumapalpak ang iba sa ugali.
Nasa ganoong sitwasyon kami ng biglang mangibabaw ang hiyawan kaya naman napatigil sa pagtatalo ang mga kaibigan ko. Halos mabali ang leeg ni Ayo at Temy sa paglingon para hanapin kung saan nanggaling ang hiyawan and it was from Arion's co-teammates' table.
Napataas ang kaliwang kilay ko ng mapadpad ang tingin ko doon at nadatnan na hinalikan ni Danaira ang pisngi noong lalaking katabi niya.
"Hala?" palatak ni Ayo habang titig na titig sa pwesto nila. "And that's the answer to my question. Sila nga." she concluded.
Ngumuso si Ayo at pinamulahan ng pisnge. Kinurot ni Temy ang pisnge ni Ayo at kinantsawan ito. Ayo is kinda having a crush with Zenrix Eiz kaya ganoon na lamang ang pang-aalaska sa kanya ni Temy.

YOU ARE READING
Safe Escape ( La Casuel Series )
Fiksi UmumFirst installment of 𝐋𝐚 𝐂𝐚𝐬𝐮𝐞𝐥 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 - I was once touched by the devil that made me stucked in hell. -𝐊𝐡𝐢𝐫𝐚𝐧 𝐌𝐞𝐥𝐟𝐨𝐫𝐢