A

3 0 0
                                    


Araw araw ganun ang set up nila ni Elon at hindi ito nagkulang sa pagpapakita at pagpaparamdam sa kanya kung gaano sya kamahal nito.

Ngayon nga ay mag dadalawang taon na sila at kasalukuyan syang naghahanap ng ireregalo kay Elon.

"Zora? Sa tingin mo anong mas magandang ibigay na regalo kay Elon"
Tanong nya sa kaibigan nyang si Zora kaedad lang nya ito kababata rin nya ito. 

"aba malay ko dyan mukha ba akong may boyfriend at ako ang tinatanong mo? Si zira ang tanongin mo " mataray nitong saad habang patuloy na namimili ng porfume na bibilhin

Binalingan naman nya si Zira ang kambal ni Zora

"Ano ba sa tingin mo ang magandang regalo sa lalaking mahal na mahal ka?" tanong nito sa kanya

Napabuntong hininga nalang si zam dahil kanina pa sya nag iisip ng pwedeng iregalo sa kasintahan nya

Patuloy nalang silang nag ikot -ikot  sa mall hanggang sa mahagip ng mata nya ang isang bagay na siguradong maguguston ng kanyang sinisinta

"zira, zora i found something!" sigaw ko

"oh that's gonna be nice. But its kinda expensive " komento ni zira

"okay lang para naman kay elon eh walang mahal o mura pag sya ang nasa usapan " naka ngiting saad ni zam

"oh sya sige na bilhin mo na yan zam baka namuti na ang mata ni Elon kakahanap sayo" inip na sabi ni zora

Nagkatinginan naman kami ni zira at sabay na nagkibit balikat siguro ay pagod na si zora kaya parang wala sa mood.

Kumain muna sila sa isang fast food bago umuwi. Pasakay na sila ng jeep ng tumawag si Elon

"hello love? "

(asan ka? ) saad ni Elon sa kabilang linya

"ahm nasa mall kami, pauwi narin kami nila zira at zora "

(okay...)

"baki--"

(toot toot toot )

Napakunot ang noo ni zam ng oatayan sya ng tawag ni Elon

"zira, zora bilisan na natin kasi parang galit si Elon eh "

Tumango nalang ang dalawa at umalis na sila. Nakaramdam naman ng takot si zam at excitement sa hindi nya malamang dahilan.

Pagkababa nila sa jeep ay walang ilaw ang daang kanilang tinatahak. Nalito naman si zamala dahil may ilaw naman ang kanilang bahay na hindi kalayuan papaanong walang ilaw sa daan.

Tatanongin sana nya ang kambal nyang kaibigan ng paglingon nya ay wala na ang kambal nyang kaibigan.

Nakaramdam naman ng takot si zam.

"Zira!!  Zora!! Wag naman ganito oh" sigaw nya

Patuloy na naglakad si zam ng biglang umilaw ang daan na nilalakaran nya.
Ang mga gilid ng daan ay punong-puno
Ng kandila na nagsisilbing ilaw sa daan patuloy nya namang sinundan ang ilaw nayun hanggang makarating sya sa bakuran nila Napapalibutan ito ng mga rosas, sa gitna naman ay may lamesa at dalawang upuan at sa gilid nun ay ang taong may pakana ng lahat ng iyon si Elon. 

Patuloy syang naglakad sa table at doon nya nakita ng malapitan ang dinner table na ni set ng boyfriend nya.

May scented candles ito sa gitna at may naka handa ng pagkain sa dalawang plato at may wine pa sa gilid.

May cake naman na nakalagay doon na may naka sulat na happy 2nd anniversary. Lumapit si Elon sa kanya at binigyan sya ng kumpol ng rosas

"happy 2nd anniversary love " naka ngiting saad nito

Tuloyan na ngang tumulo ang luhang kanina pa nya pinipigilan

"happy 2nd anniversary " saad nya

Sabay nilang hinipan ang cake at pinaghila sya nito ng upuan para simulan ang dinner nila

"Elon, thank you for everything " naka ngiti nyang saad sabay bigay sa regalo nya.

Tinangggap naman ito ng boyfriend nya at binuksan.

"Isang relo para sayo, kasi palagi kung nakalimutan ang oras pag kasama kita Kaya gusto ko na mag silbing ala-ala ko yan sayo, Na naging parte ka ng mundo ko... Na palagi akong maglalaan ng oras para sayo, na sobrang saya ko na nandyan ka para sa akin. I love you Elon "

"I love you too. Zamala thank you for being the best gift in my life " saad nito

Bigla namang nagkaroon ng music
Kasabay nun ang pag tayo ni Elon

"maari bang isayaw ang pinaka magandang babae sa harapan ko?" sabi nito habang nilalahad ang kanyang kamay na parang prinsepe na inaalok ng sayaw ang isang prinsesa tinanggap ko naman ito

  🎶You're  the one whenever let me sleep
Through my mind and through my soul
You touch my lips

You're the one that i can't wait to see
When you're here by my side,im in ecstacy
Im alone without you
But days are dark without of you

Now  that you came into my life
I feel complete, the flowers bloom
The morning shines and i can see...

Elon is one of those important things that happen to me, hindi ko inakala na yung dati naming pagkakaibigan ay aabot sa pag iibigan.

Marami ang nagsasabi noon na bagay daw kami, na bakit bakit daw hindi nalang namin paabutin sa ganito, na kami daw ang magkaka tuloyan

Your love is like the sun
That lights up the whole world
I feel the warms inside

Your love is like a river
That flows down to my veins
I feel the chill inside... Hmmm

Tinatawanan ko lang yun noon hindi ko akalian na bagiging ganon talaga kami ngayon. Hindi ko lubos maisip na yung mga biro ng mga tao sa amin noon ay magiging totoo

Everytime i hear the music played
Reminds me of the things that were been through
In my mind i cant believe its true
But in my heart, the reality is you...

Im all alone without you
But days are dark without the glimpse of you

Now that you came into my life i feel co complete
The flowers bloom the morning shines
And i can see...

Your love is like the sun
That lights up my whole world
I feel the chill inside..🎶

"I love you, zam. Mahal na mahal kita sobra " ang nga katagang binitawan nito bago ko maramdaman ang labi nya sa labi ko

Ipinikit ko nalang ang mata ko at ninamnam ang bawat sandaling yun

Kasama ang taong pinaka mamahal nya.

************************************
😊






Dating TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon