Lumipas ang buwan at taon lalong tumatagal ang relasyon nilang dalawa. Magsisimula narin silang mag plano para sa kinabukasan nila.
Ngayon nga ay graduation na nila si Elon ay gragaduate ng engineering habang sya naman ay mass communications
Busing busy ang lahat kasi excited na sila
"love, ano sa tingin mo gwapong gwapo naba?" tanong ni Elon sa kanya
Tiningnan nya ito mula ulo hanggang paa nakasuot ito nang long sleeve na kulay light blue tapos naka pants ito na black, na pinarisan ng black na sapatos, naka push up din ang style ng buhok nito
"wow, pormal na pormal ha! Saan po ang punta natin engineer?" tanong nya
"hindi pa ako was engineer love kailangan pa ng bord exam " kumento nito sa sinabi nya
"hahaha kahit na noh gragaduate ka parin ng engineering pareho lang yun "
Tinawan lang sya nito at tiningnan ang ayos ko
"ang ganda talaga ng girlfriend ko " saad nito
Nakasuot ako ng kulay light blue na dress na katerno ng kanya. At syempre sino paba ang nag suggest ng idea edi sya! Pinarisan ko lang din ito ng white heels na two inches lang naman ang taas.
"hoy kayong dalawa tumigil na kayo sa pag lalandian at malalate na tayo " sigaw ni zora mula sa labas
Ewan ko pero palagi na syang ganyan simula nung naging kami ni Elon palaging galit sa mundo tapos ang bitter bitter.
Tumawa nalang kaming dalawa ni elon.
Kunuha ko nalang ang bag ko at sabay sabay na kaming pumunta sa schoolMass communication din ang kinuha ni Zira habang tourism naman ang kay Zora kasi gusto nyang mag flight attendant
Pagdating namin sa University ay marami na ang nagpipicture kasama ang mga magulang nila tapos yung iba nagiiyakan kahit hindi pa nagsisimula ang ceremony ang iba naman ay binabati ang isa't isa.
Hanggang sa nagsimula ang ceremony mas rumarami ang nag iiyakan
"Mendoza,Zamala S. Com laude "
Tumayo na ako at naglakad papuntang stage. Kasunod ko lang si mama na umiiyak. Bakit? Dahil ito ang simula ng pagtupad ko ng aking mga pangarap ang maging fashion designer.
Tinanggap ko ang diploma at kinamayan ang dapat kamayan,isinabit din ni mama ang aking natanggap na mga medalya at sabay na humaral sa madla at ngumiti.
Pagkatapos ng seremonya ay nagkayayaan na kaming nagkaibigan para sa isang celebration kasama namin si elon.
Madaling lumipas ang mga araw ay malapit na ang pasukan at kailangan ng magdesesyon kung saang paaralan papasok
Kaya kinausap ko si elon sa aking plano
"love... Anong kukuhanin mong kurso?" tanong ni zamala kay elon habang nakaunan sya sa mga binti nito
"hmm. Im thinking of getting engineering " saad ni elon
"ehh ikaw?"tumingin si Zamala sa kasintahan
"balak ko sanang ipursue ang pagiging fashion designer at may nag offer sa akin ng scholarship sa london mas maganda kasi kapag doon ka naka graduate" Napatiim bagang si Elon
" At tinaggap mo ang scholarship ng hindi ako sinasabihan?"
"Love hindi naman sa ganun balak ko naman sanang sabihin sayo eh"
"Ahh ganun balak mung sabihin kapag tinanggap muna or aalis kana hah! Wala naba talaga akong hakaga sayo!!??"
Napatayo si Zamala sa pagkakahiga dahil sa tinuran ng kasintahan
"Elon hindi naman sa ganun, tinaggap ko oo! Pero hindi pa naman na aaprove yun ng school sa London eh kailangan ko pa naman mag take ng exam eh!" pumait naman ang expresyon ng mukha nito
"so buo na nga ang plano mo na umalis"
"Ayaw mo akong umalis?" mahinang tanong ni zam
"Oo zam! Oo, ayaw kitang umalis ilang milya ang layo mo at hindi kita makikita o mayayakap pag namimiss kita mahirap yun sobra" nakita nyang nananalaytay ang sakit sa itsura nito
"Lon, pangarap ko yun at tsaka magtetext at tawagan naman tayo araw araw eh" pagpapaliwanag nya
"hindi kita maintindihan zam marami namang paraan para dyan sa pangarap mo yung hindi mo na kailangan lumayo pa"
Napaisip naman si Zam sa tingin nya ay masyado syang selfish na iiwan nya ang lalaking ito dahil lang sa pangarap nya
"Zam please handa kitang suportahan sa pangarap mo wag kalang lumayo "
Pagsusumamo nito. Nasaktan naman si Zamala sa nakita papaano sya naging ganito ka selfish at sinaktan ang lalaking mahal nya.
"Sige. I'll stay for you " pinal nyang sabi na ikinangiti naman ni Elon at niyakap sya
"I love you so much Zam " ngumiti nalamang si Zamala
"I love you too, Elon "
BINABASA MO ANG
Dating Tayo
Short StoryZamala and Elon -a short story of based on real life experience - Don't plagiarized ©all right reserved Date started: November 13, 2019 Date finished :November 16,2019