00

1 1 0
                                    

"Metis babalik pa ba kayo?"

"Oo naman no ano kaba, mag babakasyon lang naman ako kina La Ceye eh" sabi ko sabay swing ng malakas

"Pshhh 2 weeks lang naman sina Tita Sa at Tito Aca sa Japan eh pwede ka naman muna sa Bahay" sagot niya sakin habang naka simangot

Huminto ako sa pag swing sa may likod ng bahay namin at Tumayo sa gilid niya habang siya ay nakaupo parin sa Swing "Bestfriend mula naman ng mga baby pa tayo eh mag kasama na tayo diba? Eh si La Ceye minsan lang at na mimiss na din daw kase ako ni La Ceye eh".

Yumuko lang siya at maya maya ay tumayo " Basta pag uwi mo ako parin Bestfriend mo ha" tinaas niya ang kanyang  hinliliit "Mag pinky Promise ka Metis"

Tinaas ko rin ang aking hinliliit at ipinalibot iyon sa kanyang daliri " oo naman no wala ng makakapalit sayo HAHAHA wag ka mag alala pag uwi ko may pasalubong ka saking maraming Chocolate"

"Hmm sige na nga, pero payakap muna ako" ibinuka niya ang kanyang mga braso para yakapin ako at ako naman ay yinakip siya ng mahigpit

Metis! Metis!

"Tara na tinatawag na tayo ni Mommy" kumawala na ako sa aking pag kakayakap sa aking matalik na kaibigan at mag kahawak kamay kaming tumakbo pabalik sa bahay, Pag dating namin ay malapit ng matapos ilagay ni Daddy Aca at Manong Bert ang mga bagahe nila Mommy at ang aking bag.

"Oh Metis mag paalam kana kina Tita Liza at Tito Tom mo" sabi ni Mommy at lumapit agad ako sa kanila

"Tita,Tito babye po muna hah papasalubungan ko po kayo ng maraming Chocolates pag uwi ko po" tumawa sila sa aking sinabi at sila'y niyakap ko.

"Mag ingat ka iha ha ipakamusta mo na lang kami kay La Ceye at sa susunod ay kami naman ang dadalaw sa kaniya" sabi ni Tita Liza.

"Mag pakabait ka kay La Ceye Metis hah" sabi naman ni Tito Tom habang ginugulo ang buhok

" Opo Tita,Tito salamat po" ngumiti na lamang sakin sina Tita at ako naman ay nilapitan ang ang Matalik na kaibigan.

" Oyy wag kana mag tampo hah babalik din ako agad para may kalaro kana ulit,wag mo ko pag papalit sa mga ibang bata dito sa atin hah kung hindi, hindi na talaga tayo bati at mag tatampo ako sayo sige ka" sabi ko sa kanya at niyakap ulit siya ng mahigpit.

Kahit ako ay nalulungkot din dahil ito ang unang beses na mag kakalayo kami ng halos na dalawang linggo minsan kase ay araw o oras lamang.

"Hmpp di ko naman yun gagawin eh basta mag ingat ka dun hah at yung Chocolates hehe" kumawala na siya sa yakap at ngumiti kami sa isat isa.

"Metis nakapag paalam kana ba? Sumakay kana sa loob ng Van at susunod na rin kami ng Daddy mo"

"Opo Mommy" kinawayan ko ang aking kaibigan at pumasok na sa Loob ng Van, doon ako sa pinaka likod muna umupo para makita ko pa siya, nag kakawayan pa kami hanggang sina Mommy ay pumasok na sa Van.

Habang umuusad na ang sasakyan papaalis ay nakatayo parin sina Tito, Tita at ang aking kaibigan sa gilid ng kalsada at kami ay nag kakawayan parin ng ang aking kaibigan. 

Habang papalayo na kami ay nakikita ko parin naman sila at unang pumasok ng kabahayan si Tito at bigla nalang hinila ni Tita ang aking kaibigan.

Akoy nagulat at nag alala balak ko na sanang sabihin kina Mommy at Daddy ngunit pareho silang may kausap sa Telepono at si Manong Bert naman ay tutok sa pag mamaneho.

Muli akong tumingin sa likod upang tiyakin kung tama nga ba ang nakita ko, Wala na dun ang kaibigan ko.

Hecate.........

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 09, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SECRETSWhere stories live. Discover now