Chapter 3: When I see U

12.1K 216 30
                                    

"Bakit kaylangan mo pang lumipat ng school eh malapit ng magtapos ang klase." Tanung sa akin ni Sandra, siya ang matalik kong kaibgan. Anak sya ng yaya kong si nanay Meding. 2nd year highschool na rin syang tulad ko.

"Ayoko na kasing bumalik ng Japan. Buti nga pumayag si Daddy na dito ko na sa Pilipinas ituloy ang pag-aaral ko, eh."

Sabagay. Mahirap mag-aral sa ibang bansa. Oo nga pala, Kumusta ang party kagabi. Bongga siguro yung 16th birthday ni Monique noh?!"

Biglang pumasok sa isip ko ang alaala ng lalaking nakausap ko kagabi. "May nakilala ako sa party. Theo ang pangalan niya."

"Theo?" Ulit ni Sandra sa pangalang binanggit. "Sinung Theo? Imposible namang si Theo na anak ni Mayor Fuentes."

Tumingin lang ako kay Sandra. Biglang lumaki ang mata nya sa pagkabigla ng titigan ako.

"Don't tell' yung anak ni mayor ang nakilala mo?"

"Oo, sya ang nakilala ko kagabi?"

"Bakit ka nakipagusap sa kanya? Alam mu naman na matalik na kalaban ng pamilya mu ang mga Fuentes. Naku! Kapag nalaman 'to nang daddy mo, baka sa Japan na naman ang bagsak mo." Nag-aalalang paalala nya sa akin.

"Saglit lang kaming nag-usap, umalis na rin ako kaagad."

"Mabuti naman. Pero, ang gwapo nya no?!"

"Ha? Ah,eh..."

"Naku, nahiya ka pa sa akin. Gwapo naman talaga sya, kaya okay lang na magwapuhan ka. Pero, bawal kang magkagusto sa kanya."

"Alam ko, di mo na kailangang ipaalala pa. Atsaka, hindi na kami nun magkikita."

"Anung hindi? Eh, sa papasukan mung skul, dun din sya nag-aaral. Schoolmate kaya natin sya. Kaya, ikaw, huwag na huwag ka ng makikipag-usap sa kanya. Lalo na at baka marami pang makakita, malalagot tayong dalawa."

"Oo na po. Kahit kausapin nya pa ako hinding hindi ako sasagot. Kahit mapanis ang laway ko." Napahagikgik si Sandra sa sagot ko.

Dito ka lang mo na, ha? Hintayin mo ako. May kukunin lang ako sa locker ko."

"Okay. Bilisan mu ha."

"Oo." Sabay takbo ni Sandra pabalik ng building.

Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng school. Mapuno ang paaralan kaya presko at napakasarap ng pakiramdam kapag umiihip ang hangin.

Ang tagal naman ni Sandra.

Limang minuto na ata ang lumilipas. Nangangawit na ako sa pagkakatayo kaya nagdesisyon akong maghanap nang mauupuan. Tatawagan ko na lang sya kung saan ako nakapwesto.

Lumiko ako sa gilid ng building para maghanap nang may marinig akong tila nag-uusap.

"Bakit di mo na ako tinatawagan? Pati text ko di mo na nirereplyan. Tapatin mo nga ako, ayaw mo na ba sa akin" narinig kong sabi ng boses ng isang babae. Dahil nacurious ako kung sino yun, mas lumapit ako at nagtago sa gilid.

"Alam mo namang sa simula pa lang diba? Sinabi ko na sa'yo na hindi ako nakikipagrelasyon." Narinig kung sabi ng isang baritonong boses ng isang lalaki.

"Pero, Theo, mahal kita."

Theo! Hindi kaya sya at ang lalaki kagabi ay iisa?

Para makasiguro ay sinilip ko ang dalawang nag-uusap. Kita ko na nakayakap sa beywang ng lalaki ang babae. Wari'y pinipigil sa pagtangkang pag-alis. At ang lalaki, itinaas ko ang paningin ko upang masilayan ang mukha ng lalaki.

Napasinghap ako ng makita ang mukha ng lalaki. Si Theo! Sya nga ang lalaking nakausap ko kagabi! Pero teka, bakit parang nakatingin din sya sa akin?

Shit! Nakatingin nga sya sa akin! Alam nya na nakikinig ako sa usapan nilang dalawa.

Napansin siguro nung babae ang pagtingin sa akin ni Theo dahil umangat ang tingin nya sa akin. Halatang nagulat sya ng makita ako. Sino ba naman kasing tao ang gugustuhing may makasaksi ng pagmamakaawa nila sa isang lalaki.

Bumitaw ang babae sa pagkakayakap at sya ang unang nagsalita sa aming tatlo.

"Who are you? Anung ginagawa mu dito?" Mataray nyang tanung sa akin.

Nakatingin lang sa akin si Theo. Para bang kinakabisa ang itsura ng mukha ko. Nawala na ang pagkagulat sa mukha nya ng makita ako kanina. At naaasiwa ako sa gawi ng pagkakatitig nya sa akin.

"P-pasensya na, di ko sinasadyang marinig ang pinag-uusapan nyo. Sige, aalis na ako." Paalam ko saba'y talikod.

"Sandali lang!" Pigil sakin ni Theo ng tumalikod ako.

Lumingon ako bago nagsalita. "Bakit?"

"Masaya akong makita kang muli, Althea." Nakangiti sya ng sinabi iyon.

Bakit ganun? Ang sarap sa pakiramdan ng sabihin nya sakin yun. At ng pagbanggit nya sa pangalan ko, para bang ang sarap pakinggan.

"Althea!" Tawag sakin ni Sandra. Lumapit sya sa akin bago nagsalita. "Ano bang ginagawa mo dito? At saka, sinung kausap mo dyan?" Sabay tingin sya sa gawi nina Theo. "Shit! Althea, bakit ka nakikipag-usap sa kanya? Umalis na tayo"

Hinablot ni Sandra ang braso ko at kinaladkad palayo. Gusto ko syang lingunin, gusto kong muli makita ang mukha nya, pero di ko ginawa. Ito ang dapat, walang dahilan para kausapin ko pa sya. Pero bakit ganito? Bakit hindi sang-ayon ang puso ko?!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 04, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Millionaire's Club: TheoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon