/FEAR 14-PSYCHIC/

108 98 37
                                    

F

Nakatira ako malapit sa Subway Station at kadalasan ay doon ako sumasakay kapag papasok at pauwi ng trabaho. Less hassle na rin sa pamasahe dahil nilalakad ko na lang talaga ito since malapit lang ito sa apartment kung saan ako nakatira.

Isang araw habang naghihintay ako ng tren na darating, napansin ko ang isang pulubi na matanda roon na nakapwesto sa sulok ng istatsyon.

Mukhang may tama ito dahil napansin kong may binubulong ito sa sarili ng kung ano habang may hawak-hawak na isang piraso ng plastic cup at nanghihingi ng pera sa mga taong dumaraan.

Since malapit lang din ako kung saan nakatayo ang pulubing lalaki ay naririnig ko ang sinasabi nito.

May dumaan na matabang babae at narinig kong sinabi niya na, "baboy".

Wow. Nasabi ko sa sarili. Ang pulubing iyon ay nanglalait at nang-iisulto ng mga tao at ngayon nag-e-expect pa siya na bibigyan siya ng mga ito ng pera?

Matapos no'n ah may dumaan namang isang matangkad na lalaki na businessman ay narinig kong binulong niya na, "tao".

Tao? Wala namang mali sa sinabi niya dahil isa talaga siyang tao.

Hindi ko na narinig pa ang mga sumunod pa niyang sinabi dahil sa pagdating ng tren.

Kinabukasan, maaga akong dumating sa station at doon namataan ko ulit siya na nakapwesto sa sulok habang may hawak-hawak na plastic cup.

Napagdesisyunan ko na habang matagal-tagal pa ang pagdating ng tren ay tumayo ako malapit kung saan nakatayo ang pulubi para pakinggan muli ang kakaiba nitong mga sinasabi.

Maya-maya may isang payat na lalaki at mukhang pagod na pagod ang dumaan sa harapan niya at narinig kong sinabi niya na, "baka".

Baka? Ang nasabi ko sa sarili ko. Masyadong payat ang lalaki para maging baka. Mas mukha siyang manok o tandang para sa akin.

Ipinilig ko ang ulo ko dahil sa naisip. Mukhang nahahawa na ako sa pulubing iyon.

Pagkalipas muli ng ilang segundo, may isang lalaki na malaman ang dumaan ulit sa harapan niya at naring kong sinabi niya na, "patatas".

Patatas? In-e-expect ko pa naman na kapag mataba ang dadaan ay tatawagin niya itong 'baboy'.

Maya-maya ay dumating na ang tren dahilan para hindi ko na siya makita pa pero hanggang sa trabaho ay hindi ko maiwasan ang pulubi sa istasyon dahil sa mga sinasabi at inaakto niya.

Naisip ko na may posibilidad na may psychic ability siya. Pero ano naman ang kaya niyang gawin eh puro panlalait naman ang pinagsasabi niya.

Sa bawat paglipas ng araw ay inoobserbahan ko ang pulubing iyon at naisip na tama nga ang hinala ko dahil naririnig ko siya na sinabi niyang, 'sibuyas', 'kuneho', 'kamatis' at 'kambing'.

Isang araw, hindi na ko nakatiis na pakinggan na lang siya na magsalit ng gano'n araw-araw kaya tumaas ang kuryosidad ko at napagpasyahang tanungin siya tungkol sa mga sinasabi niya.

Habang naglalakad ako papalapit sa kaniya ay tinitigan niya ako at sinabing, "tinapay".

Hindi ko pinansin iyon at sa halip ay kumuha ako ng barya sa bulsa at inilagay ito sa hawak niyang cup saka siya tinanong kung mayroon ba siyang isang psychic ability.

Matagal bago sumagot ang lalaki at maya-maya ay ngumiti ito at sumagot.

"Oo. Mayroon akong kakayahang gano'n. Isa itong abilidad na nadiskubre ko taon na ang lumipas. Pero hindi ito ang inaakala mo. Hindi ito ang pagsasabi ng hinaharap o pagbabasa ng isip ng tao." mahabang paliwanang niya.

Napatango-tango ako sa sinabi niya dahil naiintindihan ko ito ng malinaw. "So, anong kakayahan mo?" sabik na tanong ko rito. Gusto ko ng malaman kung anong kaya niyang gawin at kung bakit niya sinasabi ang mga kakaibang salita na ibinubulong niya sa tuwing may daraan.

"Ang abilidad ko ay ang malaman kung ano ang huling kinain ng isang tao." sagot niya.

Hindi ko inaasahan ang magiging sagot niya kaya napasampal na lang ako sa aking noo at 'saka mahinang natawa dahil sa napagtanto. Kaya naman pala. Narinig ko na sinabi niyang 'tinapay' kanina habang papalapit ako.

Tinapay kasi ang huli kong kinain kanina bago umalis. Nginitian ko ito at 'saka umalis. Namangha ako sa nalaman sa lalaki dahil ngayon lang ako nakarinig o nakakita na may gano'ng klase ng abilidad.

Ang malaman kung ano ang huli mong kinain.

Pero nalaman mo ba kung ano ang kakaiba sa storyang ito?

p.s. if you already know the answer please don't spoil so that the other guess it :P

Deep Dark FearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon