/FEAR 24-MESSAGE/

112 85 45
                                    

M

Kanina pa ako nakadilat. Ilang oras na akong nakahiga sa kama ng hindi man lang makagalaw at wala man lang magawa.

Kanina pa nakatayo ang aking mga magulang sa paanan ng kama ko pero ayoko silang tingnan. Pinipigilan kong ring sumigaw sa tuwing naaninag ko sila.

Muli, sa isa pang pagkakataon ay lakas loob ko silang tiningnan. Mataman nila akong tinititigan at marahang nakabukas ang kanilang bibig.

Pakiramdam ko ay naninigas ang buo kong katawan dahil sa takot. Hindi ko alam kung tulog pa ba ako o nananaginip lang ako. Wala man lang akong mahingan ng tulong at mukhang wala ring makakaligtas sa'kin sa nangyayari.

Kanina pa ako nag-iisip ng paraan kung papaano ako makakatakas dahil kung mananatili pa ako rito ay mamamatay ako.

Hinihintay lang nila akong magising at pagkatapos ay hindi ko na alam ang gagawin nila 'pag nangyari 'yun.

Bago lumipas ang oras kanina ay namataan ko muna ang orasan sa tabi ng kama ko.

12:07

Maya-maya ay may narinig akong sigawan na nagmumula sa hallway ng aming bahay. Tumayo ako mula sa kinahihigaan ko para tingnan kung anong nangyayari sa baba.

Pagkatapos kong sumilip sa siwang ng hagdan, napansin ko ang iilang dugo na nagkalat sa carpet sa sahig. Dahil sa gulat at takot ay kaagad akong bumalik sa kwarto at nagtalukbong ng kumot at doon nagtago.

Sinubukan kong matulog pero at paulit-ulit na sinasabi sa sarili na isa lang 'yong masamang bangungot.

Maya-maya ay narinig ko ang paglangitngit ng pinto ng kwarto ko. Walang ingay kong inangat ng bahagya ang kumot para tingnan kung anong nangyayari.

Mayroon akong nakikita na sinuman na may hinihila na dalawang bagay papasok sa loob ng aking kwarto.

Kung anuman 'yon ay masasabi kong hindi ito tao kundi iaang nilalang na hindi ko matukoy base sa itsura nito.

Isa itong payat na nilalang at walang siyang buhok sa katawan. Wala rin itong mga mata at wala itong nililikhang anumang ingay simula ng pumasok ito rito sa loob.

Nang masanay ang mga mata ko sa dilim ay doon ko nakita kung anong hinihila niya. Ang walang buhay na katawan ng aking mga magulang.

Ipinwesto niya ang aking tatay sa paanan ng aking kama at ihinilig niya ang ulo paharap sa'kin. Samantalang nilagay niya ang aking nanay sa upuan at ipinaupo roon 'saka inihilig din ang ulo sa aking direksiyon.

Pinipigilan kong umiyak dahil sa tindi ng takot na aking nararamdaman. Hindi ako makapag-isip ng maayos dahil aa aking nasaksihan.

Pagkatapos niya ay dumipa siya ng iilang tumutulong dugo sa sahig at nagsimulang magsulat sa dingding.

Umabante ito papunta sa dingding at kitang-kita ko na may isinulat siyang kung ano roon pero hindi ko ito masyadong mabasa dahil madilim.

Matagal ng nakatayo ang nilalang sa madilim na bahagi ng kwarto sa nakalipas na oras, naghihintay ng pagkakataon.

Nagsimulang lumiwanag ng bahagya ang paligid dahil aa maliwanag na sinag ng buwan sa labas at doon, kitang-kita ko na kung ano ang nakasulat.

At kailangan ko itong makita bago ako mamatay.

"Alam kong gising ka..."

Napabalikwas ako ng bangon at hingal na hingal na umupo sa aking kama.

Napatingin ako sa paligid para tingnan kung totoo ba ang nangyari kanina pero laking pasasalamat ko nang hindi ko nakita ang katawan ng aking mga magulang. sa aking paanan.

Wala sa sarili akong tumingin sa orasan at tinamaan ako ng kaba ng makita ko ang oras.

12:06

Deep Dark FearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon