Halos sampung minuto na din kaming nakatayo dito sa pantry sa tagal mamili ng pagkain ni Claire. "O sige na nga, yung hungarian sausage with butter bread nalang po tsaka lemon juice" sa wakas at nakapili na din ang bruha. Ako na medyo nag si sink in pa din sa utak ang mga nangyari kanina, mas pinili ko nalang bumili ng iced coffee. Pang pa kalma ng umiikot na sikmura.
Nang ma serve na ang food ni Claire ay agad kaming nagtungo sa bakanteng lamesa sa may bandang dulo. "Sure ka bang di ka kakain?" -pagtatanong nito. "Hindi na, nawalan na ko ng gana" sabay iling.
Ewan ko ba, kung bakit maraming tao ang di nakaka alam ng word na "humanity"
"Mr. Gray Samaniego have no Idea about what is "humanity"" -sambit nito habang pinapipira-piraso ang sausage. "Teka nga Claire, ano ba kasing meron sa Gray na yon at nag pa transfer ka pa ng building para lang sa walang pusong yon" -seryoso kong tanong habang nakakunot ang nuo.
"Eh..., matagal ko na kasing iniistalk yun simula nung matino pa sya" medyo nagdalawang isip ako sa sinabi nyang yon. "So matino sya dati bago sya naging demonyo ngayon?" Napatigil ito sa pagnguya at uminom ng juice.
"Ganto kasi yan" -pansamantla nyang itinabi ang kanyang pagkain. "Mag ka klase kami nung highschool sa may St. Chamuel. Sa maniwala ka o sa hindi, si Gray na ata ang pinaka mabait at matulungin na mayamang studyante. Hindi yun gawain ng isang mayaman sa totoo lang pero nakita naming lahat yun at ako ang living witness. Syempre ako nagkekwento nito sayo pero tatlo talaga kaming nakapasok dito sa Enders. Yung isa si Skyler nasa building 1 tsaka busy sa sports nya. Kaming dalawa ni Skyler ang madalas nyang makasama. Lagi nya kami tinutulungan sa reportings at researches. Dahil don, aaminin ko na medyo nahuhulog yung loob ko sa kanya. Sino ba namang di ma iinlove sa isang mayaman, mabait at campus heartrob na yun. Halos lahat na ata ng kabutihang loob, sinalo nya"
"Eh pano naman sya naging ganyan?" -eksena kong tanong.
"Sandale.., di pa ko tapos. Going back, ilang buwan ang nakalipas, nagkaroon ng malaking event ang school. Star and Moon or Mr and Ms sa ibang tawag. Dahil matalino, gwapo at talented si Gray, syempre sya ang itinanghal na Moon at ang nagpabago ng lahat sa buhay nya ay yung tinanghal na Star, Si Armina De Leon. Imbis na lapitan nya ang parents nya at kami na napagod kaka cheer up, sinundan nya yun sa back stage at di namin alam ang nangyari. Dalawang linggo after ng event na yun, hindi na sumama samin si Gray. Although pinapansin nya pa din kami pero wala na yung dating closeness. Hindi na din sya nag ooffer ng tulong and di na din sya nag pi presenta sa mga reporting. Ang dahilan—
"Si Armina" -pag singit kong sagot
"Tumpak! Parati na nyang hinahatid si Armina sa klase kahit ma late sya at palaging nagmamadali pag uwian para lang masundo ito at maihatid sa bahay"
Pansamantala syang napatigil sa pag ke kwento at napadungaw sa malayo. "Ahmm.., Claire okay ka lang ba?" -marahan kong pagtatanong. Nararamdaman ko kasi na parang medyo na apektuhan sya sa kinikwento nya. Dahil medyo nakatulala na sya ay sinubukan kong tapikin ito. "Ay hala baket!?" -gulat na gulat nyang reaksyon. "Okay ka lang ba?" -pagtatanong ko ng pangalawang beses.
"Ay hahaha oo naman..., I'm totally fine, may naalala lang talaga ako" bumalik na sa dati yung aura nya at nagpatuloy sa kinikwento.
"Ito na nga ang malinaw kong sagot sa paulit ulit mong tanong. Wala kaming alam sa kung pano sya magkaganyan ngayon. Basta may isang pagkakataon na hindi na lang sya pumasok sa loob ng tatlong buwan at pagbalik nya sobrang payat nya na as in at yung paligid ng mata nya nangingitim at ang haba na ng buhok nya. Lahat kami nagulat sa naging itsura nya pagbalik. Ang dahilan?..., hindi namin alam, maski ako hindi ko alam. Wala ring nabanggit ang teacher namin non kundi sinabi lang samin na wag syang agawan ng upuan sa likuran at wag pag tripan lalo na yung mga boys" binalik nya ang pagkain sa tapat nya at nagumpisa muli itong kumain.
"Nakaka curious naman, hindi kaya.., namatayan ng mahal sa buhay or may bagay na nasira, nawala—
"Armina..,"
Napatigil ako sa sinabi nyang yon. "Oo nga pala anong balita don sa Armina?" Ibang level na din yung pagtatanong ko sa sobrang pag ka curious sa buhay ng Gray Samaniego na yan.
"Hindi ako sigurado dito pero maraming lumabas na rumors tungkol dito since kilala sila sa buong school. Ang sabi ng karamihan, nakipag break daw si Gray dahil ayaw ng parents nito kay Armina, ang sabi naman ng iba, si Armina daw yung nakipag break kasi nakahanap daw ito ng mas better kesa kay Gray eh ang nakapag tataka, sa sobrang perfect ng looks ni Gray sa mga panahon na yon, eh masasabi ko na walang mas better sa Gwapong matalino, talented at mayaman pa" at pinagpatuloy nito ang natitirang pagkain.
"Siguro nga sobra syang na apektuhan sa nagyari, maski ako, kung mahal na mahal ko din yung isang tao baka ganon din danasin ko" Sa mga puntong to medyo naliliwanagan nako kung bakit ganon ganon nalang sya umasta dito sa campus.
"And lastly..," napalingon akong muli kay Claire. "Akala ko ba tapos na kwento mo?"
"Wala akong sinabing last na pero last na talaga to"
Napatingin ako sa phone ko at mag iisang oras na din pala kaming nakatambay dito sa pantry. "Claire baka ma late tayo sa next na subject"
"Oo na last na to promise, isang buwan ang makalipas ng pumutok ang isang issue sa buong school. Wala kaming alam kung kanino galing yung issue pero ang sabi...
-Namatay daw si Armina"
Hindi ko alam pero nagtayuan ang balahibo ko sa hukng katawan at bumilis ang pintig ng dib dib ko. "S-sabi ko na nga ba eh, namatayan sya ng mahal sa buhay" inayos ni Claire ang gamit nya upang umalis at bumalik papunta sa classroom. Sumunod nalang din ako sa kanya habang nakalimbag pa din sa isip ko kung ano, pano at bakit namatay yung girlfriend nya"
Pagkalabas ng pantry ay binilisan namin ang lakad upang makapag prepare pa para sa sunod na subject. Pagpasok sa pinaka lobby ng building, makikita ang isang malaking TV screen na nagpapalabas ng mga school announcement.
"Come and join us in our upcoming, COLLEGE WEEK! and yearly Intramurals activity held on 23rd of November up until 29th, 2020"
"Oh Ali, diba magaling ka mag piano? Bat di subukang sumali dyan..," Sa totoo lang wala akong alam kung pano ako natuto ng piano. Ni wala akong interes sa bagay na yon. Nagulat nalang ako isang araw, marunong na ko at pinipindot at bawat key sa piano ng walang daplis. "Ahh..., hindi naman ako magaling pero cge cge, susubukan ko"
"Ayos! Tara na baka mahuli tayo"
BINABASA MO ANG
HIRAYA
RomanceSi Ali fuentes ay isang babae na nakaligtas sa kamatayan matapos ma palitan ang kanyang mahinang puso ngunit ang hindi nya alam ay maraming nakabaong storya ang taong pinaglipatan sya ng puso.