Stunned.
As she opened the purple door
I almost lay myself on the floor
Gosh! Eveything inside this room was colored by puple
"Paki sarado ng bibig mo.." utos nya ng mapansing naka nga-nga ako
Natatawang itinikom ko na lang ang aking bibig
Isinarado na ni Ginang Nervana ang pintuan...
Kita ko sa gilid ng aking mata ang seryusong paninitig nya
"Ba-bakit po?!" naiilang kong tanong sakanya dahil di padin nya tinatangal ang paningin nya saakin
"Paborito mo din pala ang lila?" tanong nya
Nginitian ko muna sya
"Sobra!" Abot labing ngiti kong sagot ko sakanya
"Kaya ba ayaw mong ipabago yang buhok mo dahil sa paboritong kulay mo ito? O yan ba ang natural na kulay ng buhok mo ? Konti lang ang alam kong impormasyon sainyong mga tao, kaya pasensya ka na kung pati ang kulay ng buhok mo nais kong alamin ...
Wala sa sariling hinawakan ko ang puple kong buhok
"Hindi po lila ang kulay ng buhok... ipinakulay ko lang po ito . Itim po talaga ang tunay na kulay ng buhok ko"..
"Kayo talagang mga kabataan Oo ! kung ano anong ka werduhang pinag gagagawa nyo sa sarili nyo!.. iiling iling na anya sakin
"Nga pala! Ginang Nervana, anong ginagawa natin sa kwartong to? Akala ko ba nais nyong ipabago ang ayus at kulay ng buhok ko? Wag nyo sabihing kayu ang gugupit sa buhok ko???"...
medyo kinabahan ako sa idea na sya yung mangingialam sa buhok ... as if papayag ako sa gusto nilang mangyari
Like heck ! Anong problema ni Froy sa buhok ko at kailangan nya pa talagang utusan si Ginang Nervana?
Huminga ng malalim si Ginang Nervana bago seryusong tumingin saking gawi
"Kung napapansin mo lila ang kulay ng silid na ito....
Napa tigil sya sa pag sasalita saglit at biglang nag bago ang expression ng mukha nya . Biglang naging malungkot ito
Nanatiling tahimik lang ako at nag hintay sa susunod nya pang sasabihin
"Kwarto ito ng Mahal na Reyna.." mapaklang anya
"Ah oo nga pala ! Nabanggit po sakin ng hari, na lila din ang paboritong kulay ng mahal na Reyna.
Ginang Nervana! Nasan po ba ang Reyna? At anong ginagawa natin sa kwarto nya? Anong koneksyon ng buhok ko dito sa kwarto ?"Naguguluhan na talaga ako e!
"Matagal nang wala ang Mahal na Reyna." Deretsang sagot nya
For a minute natahimik kaming dalawa
"Masyadong mahaba ang kwento kung sasabihin ko pa saiyo. Alam kong bago ka lang dito at kailangan mong malaman ang mga bagay bagay saaming mundo, Ngunit hindi pa ako handa para ikwento sayu ang lahat. Moon , nais ng prisepe na ipa iba ang kulay ng buhok mo , ay dahil sa naalala nya ang Reyna sa kulay ng buhok mo. Pag iinitan ka lang nya lalo , kapag mag matigas ka pa. Paki usap pumayag ka na sa gusto nyang mangyari. Sa katunayan bawal dito sa palasyo ang mag suot o mag dala ng kahit anong bagay na kulay lila"... paliwanag nya
"Pe-pero bakit?"...
"Ayan ka na naman moon ! Paulit ulit? Sabi ko, matagal nang wala ang Reyna! At ang lilang kulay ay nag mimistulang simbolo nya. Kapag nakaka kita ng lilang kulay ang mga Prinsipe o kahit na ang hari at maging kami, ay hindi namin maiwasang maalala sya. Kaya kung iyong mapapansin, walang kulay lila sa palasyo, maliban na lang sa kwartong Ito."
YOU ARE READING
Stuck in LYCANTHROPE world
Fantasía"I Have fallen not into grace. But into a dark pit, where names are Forgotten and the whispers from the past, haunt the bones beneath my flesh" ..