"Saan ka galing?"
"Ay kalabaw!" Napatingin ako sa nag salita si insan. Nasa may sala sya naka upo. Grabe di ko sya napansin jan ah nakapatay kase yung ilaw.
"A-ah tinignan ko lang yung garden sa labas" Nakayukong pag dadahilan ko.
"Kailan gabi na, So may store na pala sa garden natin" tumayo sya at kumuha na tubig sa ref. Nagulat ako sa baso na pabalibag nyan binaba, saka nya ako tinignan ng masama.
"Sinabihan na kitang huwag kang lalabas ng dis oras pano kung may nangyari sayo ah" Maotoridad nyan sabi.
"Tsk kaya ko naman sila ihh" bulong ko sa sarili.
" Ano yang pinamili mo?" Tanong nya sakin. Lumapit sya at binuksan ang switch ng ilaw sa may gilid ko
"C-chutchirya at chuckie" napayuko ako sa reaksyon nya. Kinuha nya ang chukie na binili ko."Bawal sayo to" Saad nya sabay ngisi.
"Akin yan" Paiyak kong wika. Sabay hablot sa chuckie. Ngunit sa kasamaang palad lumipad ito.Sabay kaming pumatong sa mesa at tumalon para maabot ang chukie, pero naunahan nya akong kunin. Ngisi ngisi sya humarap sakin.
"Go to your room now" Maotoridad nyan sabi.
"Yung chuckie ko" nag mamaka-awang saad ko.
"Now!" Pag uulit nya sabay nya
binuksan ang chuckie. Tibay ng lungs ininom pa talaga sa harap ko kainis ka talaga angelic. Wala na akong magawa kundi pumunta nalang sa kwarto ko dala ang mga chutchirya ko.Pwede naman ako sa chuckie. Favorite nya lang kase yon ang sabihen nya kamo. Labag man sa kalooban may chutchirya pa naman ako ihh.
Paubos na ang mga chutchirya ko buti nalang natapos ko na tong mukbang hystt makatulog nalang nga.
~RING RING RING RING RING ~
Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko, pagtingin ko sa orasan 11:30 am na.
"Sheteng kalabaw 30 mins nalang late na ko" napabaligwas ako ng bangon at dali daling naligo. Pag tapos ko mag bihis kinuha ko na ang bag ko at dali dali bumaba.
"Oh Diane breakfast first" sigaw sakin ni insan nang makarating ako sa sala pinag sisilbihan sya ng mga maid namin.
"No need im late sa cafeteria nalang ako kakain" Saad ko dali dali akong pumunta sa kotse ko.
" Wheres my key ughh" Hinahanap ko sa bag ang susi ng aking red BMW.
"Got ya" sumakay na ako sa kotse ko.
Habang nag dri drive ako nag fo-foundation narin ako at liptint ok na. Hindi ako masyadong nag mamake up kase maganda naman na ako.Paparatingin nako sa SHINHWA INTERNATIONAL OF COLLEGUES
Nang biglang sa gilid ko may bumusina, napatingin ako dito it's Yuen Favioz my Boybest/Classmate."Diane race tayo " sigaw nya sakin
" Hinahamon mo ko ah sige" sabi ko sa kanya sabay ngiti. Binilisan ko ang pag papatakbo ng kotse ko. Ako ang naunang makapunta sa school namen hinintay ko sya sa may parking lot ng school."Ang bagal mo kanina pa ko dito" pang aasar ko sa kanya. Lumapit sya sakin saka ako inakbayan.
"Binagalan ko kase may parak akong nakita" saad nya sakin, Sabay kaming pumunta sa classroom namin. Pag dating namin saktong kakadating lang ng teacher namin si maam Cane"May i help you maam beautiful" sabi nitong si yuen. Alam ko namang nang bobola lang to para makatakas sa pag ka late namin. Maganda naman si maam Cane di lang marunong mag ayos.
"Nako mr. Favio nang bola kapa alam ko namang late lang kayo sige dalhin mo tong lesson plan ko at nang may pakinabang ka" saad ni maam Cane
"Ok maam" nakangiting pilit nitong tukmol na to. Pumunta na kami sa upuan namin katapat kong upuan si Yuen tapos sitmate ko naman si Mae at isang bakanteng upuan sa tabi ko sa may bandang dulo kami nakaupo.
"Diane sige na sama ako sa sleep over nyo" pag pipilit nitong si yuen.
"Hindi nga pwede kaming dalawa lang ni diane ang pwede kase girl lang ang pwede girl kaba?" saad ni Mae. Alam ko naman na si angelic lang ang habol nitong si yuen dahil matagal na syang may gusto dito."Ih gusto ko kaseng makita si angelic my labss" pag pupumilit pa nito.
"Bawal nga sabi sa susunod nalang siguro" saad ko dito. Ewan ko ba ano nagustuhan nya dun sa bruhang yun, Actually maganda naman talaga si angelic yung itsura nya pang angel pero yung attitude nya pang angel na di nakapasok sa langit kaya nag rebelde.
"Sabi mo yan ah basta ikwento mo sakin kung ano ginagawa ni my labbs dun" saad nya sakin. At nag pa cute pa ang kigwa muka namang aso.
"Oo na oo na ang kulit mong tukmol ka" sabi ko dito sabay irap dumako ang mata ko sa teacher naming nag susulat sa board. Napatingin ako sa pinto ng bumukas ito isang babaeng maganda ang niluwa nito.
"Im sorry miss im late" Saad nito
"Youre the new transferi right pls introduce your self " binaba ni maam ang book nya at tinignan ito."Im Maxinne heminjez" saad ng bagong dating na ang pangalan ay maxinne.
" Yun lang baka may idadag dag kapa?" tanong ni maam.
" Wala na po miss " sagot naman nito." Ok go to your sit now sa tabi ni levierre" nagulat ako sa sinabi ni maam bakit sa upuan pa ng bag ko sya uupo epal naman.
Lumakad na sya papunta sa direksyon namin. Wala akong nagawa kundi kuhain ang bag ko sa bakanteng silya. Naupo na sya rito at hinarap ako.
"So you are levierre?" tanong nitong si maxinne.
" So what" sagot ko dito
" Lousei Diane Levierre" nagulat ako sa sinabi nito." How did you know my name?" nagugulat na tanong ko dito ngumisi lang sya sakin sabay tingin sa board. May kakaiba sa babaeng to paano nya nalaman ang name ko at kompleto pa talaga ah.
Napatingin ako sa kanya pero sa board parin ang tingin nya.Nagulat ako nang bahid ng dugo akong makita sa pisngi nya di ko na to pinansin at pinag patuloy ko nalang ang pakikinig kay maam Cane .
-END OF CHAPTER TWO-
YOU ARE READING
Love In The Dark
ActionGangs are enemies but, what if long lost the princess of the other gang join in your organization will you accept her. What would you choose between love or revenge