Chapter 1

47 1 0
                                    

Hello po! First time ko pong magsulat ng story. Hahaha! Wala kasi akong magawa kaya pagpasensyahan niyo po. Bored lang po talaga kaya naisipan kong magsulat. Hahaha. Sana po magustuhan niyo. ~ Lovehoneyjoy26


**

"Ikaw bata ka! Wala ka nalang ibang ginagawa kundi pasakitin ang ulo ko! Bakit hindi ka na lang gumaya sa ate mo?" galit na galit na sigaw ng mama ko.

Tinalikuran ko nalang siya at pumasok na sa kwarto ko, saka ako nag'me-make face habang siya ay galit na galit na sumisigaw sa labas.

Ako nga pala si Fareize Villanueva. 18 years young. MAGANDA.

Nagtataka siguro kayo kung anong kinagagalit ng mama ko no? Well, may sinuntok lang naman akong babae kanina sa school cafeteria. Oo, bitch ang sinuntok ko, Low-Class bitch. Hindi naman talaga ako nananakit eh kahit pa anu-ano pang sinasabi niya tungkol sa akin na bitch, whore, slut daw ako! Eh masisisi ko bang sikat ako at maganda kaya yung mga lalaki ang lumalapit sa kin. Like duh! Insecure lang siya. Palibhasa kasi, kailangan niya pang ilabas ang cleavage niya para may lumapit sa kanya. Hahaha. How pathetic!

So eto na, kaya ko siya sinuntok kasi nga sinabihan niya ako na slut, whore at marami pa. Ako naman, tinawanan ko lang. Kasi naman, parang sarili ata niya ang denidescribe niya. Sa galit niya, tinapon niya ang juice at pagkain niya sa akin. Aba hindi ko pinalampas yun no? Kaya naman, sinuntok ko yung walang hiyang babae na yun. Hah! Anong akala niya!

Kaya naman eto ako pinapagalitan ng nanay ko kasi kagagaling lang niya sa school kasi pinatawag siya ng principal namin. At suspended ako ng 2 araw.

Haaaay! Sarap naman ng buhay suspended!

Sayang nga eh! Sana nung Monday pa ako nanuntok para 1 week akong suspended. Kaso, Wednesday na ngayon. Kaya naman 2 days suspended nalang! Okay na yan, may Sabado at Linggo pa naman eh. :)

Haaay, ano kayang pwede kong gawin ngayon? Hmmmm....

Ting! May bright idea akong naisip! Haha :D

Kinuha ko yung cellphone ko at hinanap ang number ng tatawagan ko...

Bruha_Althea

Tinawagan ko ang bruha kong bestfriend. Naka-ilang ring na pero hindi sumagot ang ka ilang linya.

Aba! Busy ang babaeta! At kailan pa naging busy sa pag'aaral yun?

Tinext ko nalang siya..

Hoy! Babae ba't di ka sumasagot? Puntahan mo ko sa bahay. Asap


Hmmm, makatulog nga! Nakakabadtrip si mama kanina. Ang ingay!


Nagising nalang ako sa tunog ng cellphone ko.

So it's gonna be forever

Or it's gonna go down in flames?

You can tell me when it's over

If the high was worth the pain

Got a long list of ex lovers

They'll tell you I'm insane

Cause you know I love the players

And you love the game


Urgh! Kainis! Sino ba tong bwesit na to na tumawag sakin? -,-

Pagtingin ko sa screen si Thea ang tumawag. Sinagot ko agad ito.

"Oh bruu! Asan kana? Kanina pa kita hinihitay ah?"

"At kanina pa ako tumatawag! Bakit mo ba ako pinapunta dyan?"

"Duh! Tatakas na muna ako. You know na what happened kanina. Sumakit ulo ko, ang ingay ni mama!"

"Eh ikaw naman kasi, nanuntok ka! Kawawa naman si Kyla, lalong pumangit! Hahahaha"

"Bagay sa kanya yun no? Hahaha. By the way, ako nalang pupunta sayo. Nasan ka ngayon?"

"O sge. Sunduin mo ko sa gate ng school."

"Okay. Bye!"


Nandito na ako sa gate ng school naghihintay ni Kyla nang may nakabunggo sakin.

"Hala! Sorry Miss. Sorry talaga, nagmamadali kasi ako eh. Sorry."

"Di mo ba ako nakita? Duh! Ang kapal kaya ng salamin mo, hindi ba dapat kitang kita mo ako na nakatayo dito?!"

"Sorry po talaga Miss. Pasensya na talaga."

At pagkatapos niyang sabihin yun, nagmamadali na siyang umalis.

"Letcheeeng Nerd!"

**

Hi! Nagustuhan niyo ba ang first chapter ng Not Like In The Movies? Sana nagustuhan niyo po.

Sa mga marunong gumawa ng cover dyan, sana may mag'magandang loob na gawan to ng cover. Parang ang pangit kasi ng gawa ko. Hahaha to be honest yan! Haha. Sa photogrid ko lang kasi yan ginawa yan. Naka'mobile lang kase ako. Please po? ^^

Not Like In The MoviesWhere stories live. Discover now