Simula

80.8K 1.2K 37
                                    

"I'm pregnant." kumunot ang noo nito habang nakatitig sa mga mata kong may tumutulong luha habang nakatitig sa kanya ng diretso. Napalunok ako ng hindi man lang ito nagsalita at nanatiling nakakunot ang noo.

"You're.What?" tanong nito pagkalipas ng ilang sandaling katahimikan at tumawa ng pagak. Tinabi niya ang laptop papunta sa gilid nito at hinarap ako. Pinasadahan niya ang buong mukha ko na para bang isang bagay sa auction sale. Sinalubong ko ang titig nito with the same intensity.

Pinasadahan ko ang mukha niya. Mula sa makapal na kilay nito, mahahabang pilik mata, kulay abong mata na ngayon parang may bahid na pula dahil sa galit, matangos na ilong, mapulang labi, nag iigting mga panga at makinis na balat. Mukha pa lang yan, ulam na. Tapos sa sexy'ng adam's apple nito na gumagalaw, oh kay sarap pagmasdan.

"I'm pregnant and you are the father." mas lalong lumakas ang tawa nito dahilan upang makuha namin ang atensyon ng ibang costumer dito sa loob ng restaurant.

"Are you playing games with me woman? How can I be a father of that child when I don't even know you?" mahina ngunit may diin nitong bulong sa tenga ko. Parang gusto kong tumakbo palayo at wag nang lumingon pa, pinagsisisihan ko na ang ginawang pagsasang-ayon sa walang kwentang larong ito.

Pero wala eh nandito na ako at wala nang atrasan ito. Once a deal is always a deal.

Kung alam ko lang na hindi pala ganito kadaling mag arte sa harap ng taong ito sana di ko nalang tinanggap. Sana pala ay yung pagsasayaw na lang sa stage ng bar ni Ashton ang ginawa ko. Madali pa.

I gathered all my knowledge in acting skills to make this play even more effective and believable. "Ganyan ka ba talaga? Pagkatapos mo akong buntisin di mo na ako kilalanin? How dare you? You ruined my life. You jerk." hagulhol ko habang dinuduro duro siya, para mas lalong kapanipaniwala ang acting ko. Siguro kung andito lang mga pinsan ko baka binigyan na nila ako ng award. Best actress goes to Elish Alejandria Montez.

Napansin kong nagbago ang itsura nito, mula sa confused ay napalitan ng awa. That's it. Just say yes and this game is over. I smiled inside.

"And do you expect me to believe that? How can you be so sure of that, that's mine?" aniya with unbelievable look he give me. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Dahilan para maconscious ako sa itsura ko.

"Do you have any proof that will prove to me that you're not lying?" dugtong pa nito.

Bigla akong naalarma. Damn. Anong proof ang ipapakita ko? Saan ako hahanap ng katibayan na may nangyari sa amin? Kainis naman kasi yung mga pinsan kong yun. Mag isip ka babae. Mag isip ka.

"B-Bakit hindi mo nalang sabihin sa aking di mo ako kayang panagutan? Okay lang. Hindi naman ako maghahabol eh. Gusto ko lang namang ipaalam na magiging ama ng anak kong nabuo siya." yumuko ako at parang gusto kong palakpakan ang sarili ko sa ideyang pumasok sa utak ko. Oh well, I'm smart and I know it.

"What do you mean?" biglang utas nito kaya napaangat ako ng tingin sa kanya. Kung titingnan ang galing talaga pumili ng mga pinsan ko. Sa lahat ba naman na pedeng mabiktima namin ay isang drop dead serious gorgeous ang napili.

"Ipapalaglag ko nalang ang bata tutal hindi naman siya kilalanin ng ama niya. Marami pa akong pangarap sa buhay, kahit masakit at kasalanan kailangan kong gawin. Isa pa itatakwil ako ng magulang ko dahil sa nangyari sa akin. Paano na kami ng anak ko kung sakali." malungkot kong pahayag sa kanya. Tiningnan ko ang pagkadisgusto sa kanyang mukha.

"Don't. What do you want me to do? Just don't abort the innocent child?" mahinahong tanong nito.

"Nothing." sagot ko. Parang gusto kong magpagulong gulong sa pagtawa ng makita ko ang pag asim ng mukha nito at gulong-gulo. Hindi ko alam kung anong pinasok kong laro pero nag eenjoy ako. Playing people's emotions.

"WHAT? ARE YOU OUT OF YOUR FREAKING MIND? YOU WANT MY CHILD TO GROW UP LIKE A BASTARD. NO." biglang sigaw nito dahilan ng pagtalon ng pwet ko. Kung makasigaw naman ang taong ito akala mo naman ay mag isa lang siya sa lugar na ito.

"I will take the responsibility. I will marry you if that's the only way to solve the problem." pakiramdam ko ay halos lahat ng dugo ko ay bumaba sa talampakan ko when I heard the word marry.

"No need. I mean, hindi mo ako kailangang pakasalan. Sapat na sa akin na malamang may kilalaning ama ang anak ko."naaalarma kong tugon sa kanya. Halos manginig ako sa pwesto ko.

My God. Hindi ko alam na aabot sa ganito ang lahat. Wala sa usapan namin ang pakasalan ako ng taong ito. Ni hindi ko nga kilala ang pangalan nito. Damn.

"Are you out of your mind? I won't let that happened. I won't let my kid grow up without a complete family. Whether you like it or not. You're going to marry me." matigas na singhal nito.

Nanlaki ang mga mata ko. Napalunok pa  ako ng sampung beses ata. Hindi makapaniwala sa nangyayari. Plan fail...

Kung magpapakasal ako mawawala ang lahat sa akin. Ang kalayaan ko. Oh no, my precious freedom.. . This is not happening.

Anong ginawa ko? My dad would be glad when his unica hija is getting married but my boyfriend would kill me if it happen.

Gulong gulo na ang isip ko. Ano ba naman kasing katangahan itong pinasok ko. You're literally dead Alejandria.

This is just a game but why did it happened? I am not going to marry a stranger. I am not going to marry for a game. Dang it!

Parang gusto kong bawiin ang lahat ng sinabi ko pero  nawalan ako ng tinig. Hindi ko na mahanap ang boses ko.. I can't speak and I can't even move. This is insane. This is crazy.

This is freaking Crazyyyy..

Unwanted ProposalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon