Natawa lamang siya at nagabot ng 500.

"Kelan bayad?" alam kong pabiro lamang iyon kaya't sinakyan ko na rin ang biro niya.

"Ilang ballpen na nga ulit yung hiniram mo pero di na bumalik?" pagbibiro ko.

Napakamot lang siya sa batok at inosenteng tinawanan ako. Pumasok na kami sa elevetor at pumanhik sa 5th floor.

Agad kaming naglakad na papuntang kanya kanya naming upuan, nasa pangatlo kase akong row pang apat naman siya, sa likod ko.

Pagkaupo namin ay sakto namang nag bell, agad niyang niyang binuksan ang bag ko at kinuha ang assignment filler ko. Taka akong napatitig sa kanya, halimbawang inosente niya naman akong tinignan.

"Ms.Javinez!" nagchecheck pala ng attendance si Mrs. Mitra. Tamad kung inangat ang kamay ko at humarap na sa kanya.

"First day na first day daldalan agad!?" pagpuna niya.

'First day na first day highblood agad' wari ko sa isip ko.

Pero pinili ko nalang hindi siya sagutin. Tinatamad ako.

"Ano bang pinagkwekwentuhan niyo dyan at di makahintay hanggang break?!" pagusisa niya.

Agad akong tumayo, sinadya kung iharang ang sarili ko sa parte kung saan makikita niya si Demetri na ginagawa palang ang essay na every first day of school ay kailangang ipasa.

Ganoon kase dito sa Pikston university, iisa lang din naman ang magiging adviser at class niyo lagi. Example boung elementary days ko iisang section lang, magbabago lang pag nag highschool ka na, then for four whole years as junior high same class and adviser, and so on.

I never utter an apology easily, I also don't give explanation even if someone misunderstood me, I also rarely acknowledge someone, but when I do... I mean it... I really mean it.

"Go to disciplinary office and get an offence slip." pagutos niya pero di ako kumilos, at hinarap ang mga mata niya.

"Article III section 14 paragraph 1 of the Philippine Constitution "No person shall be held to answer for criminal offense without due process of law." wari ko

"Aba't may pa consti-constitution ka pang nalalaman ah, tinatanong lang naman kita kung anong topic niyo ni Mr. Uzi."

"I have the right to remain silent, Article III section 12 paragraph 1." sabi ko habang inalis na ang tingin sa kanya at tumingin na ng diretso sa harapan.

"Aba't..." akma niya akong babatuhin ng remote controller ng board pero agad akong nagsalita.

"Article III section 12 paragraph 2. No torture, force, violence, threat and intimidation" binaba naman niya agad ang controller at napamaang nalang.

"Take your seat, mahirap talagang manita ng matalino" pagreklamo niya pa.

Uupo na sana ako ng biglang naramdaman kung nag vibrate ang phone ko.

"May I go out?" pagpapaalam ko, she just wave her hand in response.

Agad akong lumabas ng room at dumiretso sa isang lumang garden sa likod ng school kung saan ako lang ang nakakapasok.

"Who the fuck are you?" mahina kong tanong.

"The most beautiful and sexiest demon you've ever known" malanding sagot nito.

Aqua...

Agad kong pinatay ang tawag. Bumalik na siya. Agad akong napahawak sa sentido ko at dahan dahan ko itong minasahe.

Habang naglalakad sa hallway ay napapaisip talaga ako kung anong dapat kung gawin at mga susunod pang plano.

"Booo!" nagulat ako ng bigla akong gulatin mula sa likod ni Demetri.

Gulat at pagtataka ang rumihestro sa mukha ko dahil di ko naramdaman ang yapak niya. Sadya bang nagingat lang siya o talagang lutang lang ako masyado sa mga isipin ko.

Agad ko rin namang binalik ang expression ko sa pagiging normal.

"Wow... gulat na gulat ako" sarcastic kong sabi.

Nagtatampo naman siyang nag cross arms

"Ayaw ayusin eh, magulat ka. From the top" tinulak niya ako dahan dahan paatras at nagtago siya sa gilid.

Nagkunwari naman akong walang kaalam alam at gulat na gulat nung lumabas siya. Tuwang tuwa naman siya ng makita ang gusto niyang reaksyon ko.

Sa una ay peke ang tawa ko pero tuluyan na rin akong natawa nang tumawa siya.

Sabay na kaming bumalik sa room at nagpatuloy ang klase. Ilang subjects pa ang rumaan na tinulugan niya lang, batugan.

* * *

"Woi" mahinang pagtapik ko pa sa kanya. Break na.

"Mamaya na mommy..." pagod na tugon niya. Natawa naman ako dahil sa rinig kong pagaakala niya kung sino ako.

Di ko na siya ginalaw pa at lumabas at pumuntang hallway kung saan nakalagay ang locker niya.

Ganito niya ako lubos na pinagkakatiwalaan. Pati cellphone password, fb password, twitter, gmail ,locker at kung ano ano pa halos alam ko.

Hindi dahil target ko siya, kundi dahil lantaran niya talaga yung pinapaalam saakin.

Halimbawang hindi man lang niya hiningi o sinubukang alamin yung akin. Hindi rin siya nagtatanong.

Pagkabukas ko ng locker niya ay kinuha ko na ang kumot na nasa pinakailalim na drawer at isasara ko na sana ulit ng napansin ko ang isang photo album.

Kukuhain ko sana para tignan kaso naramdamdaman kung may mga paparaang estudyante kaya't di ko nalang kinuha at agad ko nang sinara ang locker ni Demetri.

Pagbalik ko sa room ay wala na siya sa room. Dalawa ang daan mula sa room hindi ko siya nakasalubong ibig sabihin sa kabilang hagdan siya dumaan. Naghagdan siya dahil sa daan kung saan ako nangaling lang may elevator.

Di ko nalang pinansin at pagkatapos ay umalis na ako at pumunta ulit sa restricted garden.

Pinagpag ko ang bench na nasa palibot ng lumang sirang fountain na tinubuan nalang ng halaman. Dun ako humiga at inunan ang kumot na dala ko para matulog.

Pero hindi pwedeng hindi muna mag imagine bago matulog. Kaya napaisip ako ng mga bagay na alam kong imposible.

Tulad nalang ng pagiisip ng positibo kung sakaling di ko magawa ang pinaguutos ngayon ni mistress.

My male friend since highschool till today will be my fianceé tommorow and damn ugh..

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 08 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Azure SkyWhere stories live. Discover now