Chapter 6 - He's Back

1 1 0
                                    

Chapter 6 – He’s Back

 

Nicole’s POV

“Iam really bored!!”. Ayoko talaga ng SUNDAY bukod kasi sa may pasok na kinabukasan e napakboring pa. lahat na ata ng pwedeng gawin dito sa bahay eh nai-try ko na, hindi ko naman maaya ang barkada kasi karaniwan naman eh, Family day  kapag Sunday at ayoko naman silang itext at ang mangabala dahil lang sa naboboring ako. Wala akong kasama dito sa bahay lahat naman kasi sila may kanya kanyang lakad.

Naisip ko nalang lumabas ng bahay at maglakad lakad.

“Pwede kaya akong Dumalaw sa Mama ni Halimaw?. Sabagay lagi naman yung wala dun, Naku Bahala na nga si Batman basta pupunta ako wala naming masama dun.”

Ng makadating ako sa Ospital

 Tok tok (Binuksan ko ang pinto, Sumilip ako habang nakangiti)

 

“Oh Ija napadalaw ka? Naku ano pang ginagawa mo dyan tuloy ka!”

“Hi po? Kamusta napo kayo?”

“Eto ok naman ako, salamat at napadalaw ka!” Ang ganda talaga lalo na kapag nakangiti hindi nakakasawang tingnan, hawig sila ng mata ni Laurence. Hindi ko talaga maisio na Mama to ni Laurence, Si Laurence na Bugnutin.

“wala naman po kasi akong ginagawa sa bahay kaya naisipan ko nalang po na dumalaw dito.” Lingon sa kaliwa, kanan, likod. “nasan kaya wala si Halimaw?”

“Kanina pa nga akong walang kasama dito eh.”

“Ah, nasan po bas i Laurence?”

“Kanina pa yun hindi Umuuwi, bakit may usapan ba kayo?”Iba talaga yung Halimaw nay un nakukuha nyan iwan yung Mama nang walang nagbabantay.

“Ah wala po?” pagtanggi ko

“Naku baka may usapan kayo ng Laurence ko ha, nahihiya ka lang”

“ay wala po talaga, kayo po talaga ang sadya ko dito”

 

Sa sobrang pagkaaliw ko sa Mama ni Laurence hindi ko napansin ang Oras

 

“Ay Tita uuwi na po ako, mejo ginabi na po pala ako. Thank you po nagenjoy po ako next time po ulit!!” habang nagwawave ako kay Tita

Biglang bumukas ang pinto, Mukang kilala ko na kung sino ang nagbukas. Teka! San ba ako pedeng magtago?!

 

“Oh ija anong nangyayari sayo?”

“Naghahanap po ako ng tataguan! Baka sungitan po kasi ako ng anak nyo! :P” Ok na naman kami ni Laurence kaso natatakot pa din ako sa kanya

“Anong meron bakit ang ingay” patay na! wala akong makitang tataguan

Wala na akong nagawa, Binigyan ko nalang ng sweet smile ang Halimaw na nasa harapan ko ngayon!

“Naku anak may bisita tayo! Kanina ka pa inaantay nyang kaibigan mo. Bakit ba napaka tagal mo?, san kaba galing?”

“Bakit ka nandito?” grabe na naman tong Lalaking to, galit agad?

“Ah dumaan lang ako saglit may dinaanan kasi ako malapit dito.” Pag sisimungaling ko sa kanya

“Ah ok. Ma oh Kain na tayo”

“Ano kabang bata ka, Yayain mo naman yang kaibigan mo, naku Ija dito kana kumain. Kanina ka pa dito, panigurado gutom ka na din ”

“OK lang po ako sa bahay nalang po ako kakain”

“Naku wag na matigas ang ulo, kumain ka na dito”

“Arte” Makasabi naman ng Maarte tong masungit na to

Dahil hindi naman talaga ako maarte, naupo nalang ako at nakisabay sa pagkain. Pagkatapos ko kumain nagpahinga lang ako ng konti nagpaalam narin ako uwumi.

 

“Tita salamat po sa pagkain pati narin po sa kwento nag enjoy po talaga ako!! Sa uulitin po ulit.”

“Sa Wakas naka ramdam din!”

“Laurence, anak ihatid mo na yang kaibigan mo at gabi na!”

“Kaya na nya ang sarili nya Ma. Natutong syang pumunta dito matuto syang umuwi!”

“Sige po Tita, Salamat po!”

Lumabas na ako ng Room ni Tita. Napaka sungit naman talaga nun  hindi naman sya ang pinuntahan ko dun eh. Pero nagulat ako ng sumunod sya sakin.

 

“OK lang ako kahit hindi mo na ako ihatid, kaya ko ang sarili ko.”

“Wag ka ngang masyadong assuming hindi kita ihahatid, bibili ako ng gamut ni Mama.” Pahiya lang ako ng Konti

“Ah Sorry naman”

“Naguusap na din naman tayo may gusto akong sabihin sayo”

“Ano naman yun?”

“Pwede bang wag ka ng pumunta para dumalaw kay Mama, Oo magkaibigan na tayo pero hindi naman ibig sabihin nun na porket magkaibigan na tayon eh kailangan mo na ding kaibigan ang Mama ko. Don’t even act like you care Nicole, we just met and one more thing Hindi ako nakikiusap sayo, I command you” ang sakit nya magsalita

Nagulat ako sa sinabi nya, kala ko ok na kami kala ko okay na lahat, nakapagopen up na sya sakin kala ko yun na ang umpisa ng magandang pakikitungo nya sakin bakit isang  araw bigla nalang syang  dumating sa dating sya.

“Bakit? May nasabi o nagawa ba akong hindi maganda?.” Hindi ko na talaga sya maintindihan

“Bakit kailangan paba kita bigyan ng Sampong  rason para sundin mo ako?. You know everything that I’ve said I all mean it.”

“Hindi na kita maintindihan, bakit ka ba talaga nagkakaganyan?. Okay ka naman nung isang - ”

Hindi pa natatapos yung sinasabi ko pero tinalukuran nya ko.

That guy!!  He has a lot of Surprises. There maybe a lot of reasons why I met that guy, Oh help me Lord, ang hirap nitong pinasukan ko!!.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 12, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You Stole My Heart (Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon