MR. MAYABANG

131 4 0
                                    

*Sniff, sniff*

Ang bango, sinusundan ko ang amoy ng pabangong naaamoy ko. Ang bang, kanino bang pabango ito? Shit, ang hirap makipagsiksikan kapag napakaraming tao sa simbahan. Ayun naamoy ko nanaman.

Sinusundan kita ng sinusundan hanggang sa tumigil ka dahilan upang mabunggo ang ulo ko sa likod mo.

"Can you please stop following me? Tss. Dog woman."

Grabe? Ang yabang mo pala. Hinintay ko talagang matapos ang misa para harangin ka. Nakakaasar dahil nagmukha lamang akong tanga.

"Hoy miss, sino kaya ang unang nangaamoy amoy jan na akala mo eh aso?"

"Tse. Nakakainis ka."

Yan na lang ang nasabi ko at tuluyang umalis. Nandito na ako sa kama ko at di ko pa rin mapigilang mainis. Ay teka? May isang bagay akong hindi dala kanina sa pag uwi ko.

Tae, yung Panyo ko. Waaaah! Nakakaasar, naarbor ko lang yun sa bestfriend ko e. Lagot ako neto.

"Oh? Charm? Bat mukha kang zombie?" Tinanong ako ng bestfriend ko. Nginitian ko lang siya. "May bago raw lilipat sa section natin. New student."

Nagtaka ako kung sino. Nasa classroom na kami at dumating ang guro namin at sinabi na ang detalye tungkol sa bago naming kaklase, nagulat ako ng ikaw ang makita ko.

Halata rin sa mukha mong gulat ka. Tae, ang malas ko naman atang bata? Naglakad ka upang umupo ng nakangisi, umupo ka sa tabi ko hindi kita pinansin.

Yung tabi ko lang pala ang bakante ang upuan. -,-

"Ang cute nung panyo mo. Color Pink."

Nagulat ako. Nasayo pala ang panyo ko? Kinukuha ko pabalik pero ayaw mong ibalik. Naiinis na nga ako, araw araw tayong nagaaway dahil sa kayabangan mo.

Isang araw sinigaw mo pa yung insidente na nangyare sa simbaha. So ano? Kelangan ibroadcast? Nakakainis ka.

Matapos ang dalawang linggong pangungulit ko sayo upang ibalik mo ang panyo ko e, wala akong napala. Kaya naisip ko na lamang na hayaan na lang iyon.

"Oh? Bat di ka na namamansin?"

Tanong mo sa akin. Hindi pa rin kita kinibo, lumipas ang ilang linggo at tila hindi mo na rin ako kinukulit di tulad nung mga nakaraan na hindi kita pinapansin e kinukulit mo ako.

Nakakamiss ka rin pala, ay tae. Ano ba tong iniisip ko? Hindi erase erase. Iniling iling ko pa ang ulo ko.

"Namiss mo na ako noh? Pansinin mo na kaya ako?"

Tinignan lamang kita ng seryoso, at ang ganda ng mata mo. Ang tangos ng ilong mo, ang puti mo. Nakakainlove ka, nagulat ako dahil sa utak ko eh pinupuri kita na dapat e kainisan kita.

"Charm, sabay tayo maglunch gusto mo?:) My treat."

Napangiti ako at imbes na tumanggi at mainis dahil kinukulit mo ako eh napa-oo ako at mistulang ang puso ko e parang isang palakang tumatalon talon. Ano bang meron? Siguro wala lang to.

Nagusap tayo habang sabay kumain at eto, gumawa ka ng isang kasunduan. Magiging katulong mo ako sa loob ng isang daang araw at matapos iyon, ibabalik mo ang panyo ko. Sinabi mo ring ang unang mainlove talo na sa larong ito.

Natawa ako dahip parang isang ordinaryong kwento lamang ito na ginagawa sa wattpad. Um-oo ako, alam ko namang hindi ako magkakagusto sa isang lalakeng ubod ng yabang na tulad mo.

Nagumpisa na ang pagiging katulong ko saiyo sa school, kaso parang mali ang pagtrato mo. Katulong diba? Pero bakit? Bakit ang sweet mo? Ganito ka ba sa mga katulong niyo sa bahay niyo? Ah alam ko na! Gumagawa ka ng mga bagay na pwedeng magpahulog sa akin sa iyo.

Mr. MAYABANG (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon