Kabanata 1

21 2 3
                                        


"Mga anak? Luna, Dewel! bumaba na kayo riyan! kakain na tayo!" sigaw ni mama galing sa hagdan.

"Hayyy, Nakakapagod!" sabi ko, papahigang nakadapa sa aking kama.

Sa sobrang dami ng dala namen, inabot kami ng anim na oras para mag ayos ng mga gamit. Idagdag mo pa tong napakadami kong damit, Kailangan ko pang ayusin toh sa Cabinet, kailan kaya ako matatapos dito? hays. Kinuha ko ang cellphone ko sa mesa sa tabi ng kama ko at tinignan kung anong oras na.

Alas otso ng gabi na pala.

Tumayo na ako para makapag palit ng damit, sobrang baho at lagkit ko na! Kumuha ako ng pares ng pajama sa Maleta at dumeretso na sa banyo, maliligo na lang ako bago bumaba. Ilang minuto ang nakalipas tapos na akong maligo, Pagkatapos kong maligo nag bihis na ako at lumabas ng banyo. Pinupunasan ko ang aking buhok sa harap ng salamin, tinignan ko ang aking sarili. Ang suot kong pares ng pajama ay kulay asul at may Unicorn na design. Muka akong bata. d-_-b.

Nagmumuni muni pa ako ng may biglang kumatok sa pintuan ng aking kwarto at hindi lang basta katok, PARA PANG GUSTONG SIRAIN ANG PINTUAN SA SOBRANG LAKAS NG PAGKAKAKATOK!

"Luna! ano ba! ang tagal mo naman! tawag na tayo ni mama! bilisan mo nagugutom na ako!" sigaw ng bwiset kong kuya.

Nilapag ko muna ang aking tuwalya sa upuan sa harap ng salamin, Wala ng suklay suklay! Pumunta na ako sa pintuan at pinihit ang doorknob at binuksan.

"Baka gusto mo pang laksan? hindi pa sira oh?" Tanong ko sa kanya na nakaturo sa pintuan habang nakatingin ng masama sa kanya.

"Tss bilisan mo gutom na ako" saad niya saken at dali daling tumakbo papuntang hagdan. Pagkatapak niya sa ikatlong hakbang ng hagdan dumulas ang kanyang kaliwang paa, kaya ang ending? hulog ang lolo niyong patay gutom.

pfft tanga. HAHAHAHAHAHA

Pagkatapos kong isara ang pintuan naglakad na ako papuntang hagdan at tinignan si kuya. Ayun siya, inaangat ang sarili habang hinahawakan ang kanyang puwitan at hindi maipinta ang itsura sa sakit na iniinda.

pffft sino ba naman kasing tangang tatakbo sa hagdan eh alam namang kaka floor wax lang niyan kanina, engot talaga.

Humakbang na ako pababa ng hagdan, di na siya tinignan kasi baka mag amok nanaman at nilagpasan si kuya, Kaya niya na yon. Dumeretso na ako sa hapag kainan at naupo sa isang silya sa harap ng mesa.

"Ang kuya mo? nasan na?" Tanong ni mama habang naglalagay ng mga plato sa mesa.

"Ayun, nirarayuma sa pwet" sagot ko

"Anong nirarayuma sa pwet? may ganun ba? ha!?" biglang sagot ni kuya na di ko inaasahan, at mas hindi ko inaasahan ang pagbatok saken na ginawa niya!

"Aray! papansin ka nanaman ha!" sigaw ko sa kanya habang hinihimas ang aking batok at masama ang tingin sa kanya.

"Aray! papansin ka nanaman ha!" pang aasar niyang sabi habang papunta sa kanyang uupuan.

epal..

"Tumigil na kayong dalawa, nasa harap na kayo ng hapag kainan." sabi ni mama habang umuupo sa kanyang upuan."Magdasal na tayo."dagdag ni mama.

It's Always Been You Where stories live. Discover now