NAGULAT si Shaniah nang makita si Brandy na kasama na ni Jurias. Hindi niya iniisip kanina na makikita niya roon si Brandy. Ang sabi kasi ng isa sa tauhan nito sa construction ay nasa Pampanga ito. Napansin kaagad niya ang pamumula ng mukha nito at pamumungay ng mga mata. Lasing na naman ito.
Umupo ito sa tabi ni Kayt at katapat niya. Si Jurias naman ay sa tabi niya umupo sa gawing kaliwa. Kanina habang wala pa ang mga ito ay madaldal siya kay Kayt, pero ngayon ay tila nagdikit na ang mga labi niya.
Pagdating ng order nilang pagkain ay agad siyang sumubo. Nang kinausap siya ni Kayt ay napatingin siya sa kaharap. Sa halip na si Kayt ang titingnan niya ay napako ang paningin niya kay Brandy na noo'y nakatitig din sa kanya.
Nang ibaling ito ang tingin kay Jurias ay saka pa lamang din niya binawi ang tingin. Napatingin din siya kay Jurias na sinasalin ang ilang hiwa ng karne ng manok sa plato niya saka nito kinukuha ang gulay na asparagus sa plato niya.
Natigilan siya. Bigla na lamang niya naalala noong ginawa iyon sa kanya ni Brandy noong minsan silang kumain sa restaurant ng mga ito.
"Nakalimutan ko na ayaw mo pala ng gulay," sabi sa kanya ni Jurias.
Hindi niya maiwasang huwag sipatin si Brandy. Nakatingin na naman ito sa kanya. Sobrang tahimik nito. Hindi pa niya ito narinig na nagsalita magmula nang umupo ito sa silya nito. Bigla niyang namiss ang pilyong ngiti nito.
"Kailan ka nga pala babalik ng Dubai, Jurias?" mamaya'y tanong ni Kayt kay Jurias.
"First week of September. Depende kung papayag si Shaniah na sumama sa akin at kagatin ang offer ng company namin," tugon naman ni Jurias.
Tumigil sa pagsubo si Shaniah. Kahapon ay binanggit ni Jurias na nangangailangan ng desiger ang kompanyang pinagtatrabahuhan nito sa Dubai. Pagkakataon na sana niya iyon para mas madalas na niyang kasama si Jurias—bagay na matagal na niyang gustong mangyari, ngunit bigla na lamang siyang nag-alinlangan. Hindi man lang siya nakadama ng pananabik nang banggitin iyon ni Jurias.
"Ano, Shan? Grab the opportunity!" kinikilig na sabi ni Kayt. Alam kasi nito na umiibig siya kay Jurias.
Sa halip na sagutin si Kayt ay naituon niya ang tingin kay Brandy. Bigla naman siya nitong nginitian. May kung anong kumislot sa malaking bahagi ng puso niya nang masilayan ang matamis nitong ngiti.
Hindi niya gusto ang naramdaman niyang iyon. Pilit na naman niyang nilalabanan ang damdamin niya ngunit muli, mistula lamang siyang alipin na bigla na lang napapasunod anuman ang ipapahiwatig ng puso niya.
Bakit kailangan kong makadama ng ganito kay Brandy? I don't like him. He's damn flirt and playfull. Gusto lang niya na matulad ako sa ibang babae na basta susunggab sa kapilyuhan niya. Hindi ako mahuhulog sa katulad niya. HINDI! Hindi siya, Shan! wika niya sa kanyang sarili. Ngunit nakadama siya ng guilty habang iniisip ang mga bagay na iyon.
Napakislot siya nang bigla na lamang pahiran ni Jurias ng tissue ang gilid ng bibig niya. "Look at you, para kang bata," ani Jurias matapos nito linisin ang bibig niya na may nagkalat na sarsa ng creamy chiken fillet na ulam niya.
Napansin niya ang biglang pag-ilag ng tingin sa kanila ni Brandy. Mamaya'y bigla na lamang ito tumayo. "Excuse us," anito.
"Uuwi ka na ba, Martin?" apilang tanong ni Jurias kay Brandy.
"May pupuntahan pa kasi ako. Enjoy your dinner, guys," anito pero sa kanya nakatingin. Pagkuwa'y nagmadali na itong umalis.
Hindi napigil ni Shaniah ang sarili na sundan ng tingin si Brandy habang ito'y papaalis. Sa hindi maipaliwanag na kadahilanan ay inalipin siya ng 'di mawaring lungkot. Naghihinayang siya sa sandaling nakasama si Brandy. Pakiramdam niya'y may pumipiga sa puso niya.

BINABASA MO ANG
Bartenders Series 4 Brandy (Completed) Revised
RomanceFilipino-Spanish na matagal nang nanirahan sa pilipinas kasama ang ama niya at ang step mother and sister. Kilala siyang babaero, pero isa siyang binatang matindi magselos kapag may natitipuhan siya na mayroon siyang kaagaw. Pilyo at mahilig magliwa...