TAPOS na ang fashion show pero hindi pa rin nakakabalik si Brandy. Nang hindi na mapakali si Shaniah ay nagpasya siyang sadyain na sa palikuran si Brandy, ngunit natagpuan niya ito sa pasilyo na may kahalikang babae.
Mabilis na dumalantay ang bayolenteng init sa mga ugat niya patungo sa ulo niya. Tinitigan niya’ng maagi ang kaganapan habang papalapit siya sa mga ito. Napansin niya ang marahas na pagtulak ni Brandy sa babae, dahilan upang maghiwalay ang mga ito. Hindi na niya alam kung ano ang iisipin niya. Pakiramdam niya’y dumilim ang paningin niya, nanginginig ang mga laman niya sa galit.
“Martin!” sigaw niya.
Nagkasabay pang tumingin ang dalawa sa kanya. Hindi niya inintindi ang reaksiyon ng lalaki, nakatuon lamang ang paningin niya sa babae na sa mga sandaling iyon ay gusto niyang saktan. Hindi na niya namamalayan ang ginagawa niya. Natagpuan na lamang niya ang kanyang sarili na hila-hila ang mahabang buhok ng babae. Naramdaman niya ang hapdi ng palad niya buhat sa kakasampal sa mukha ni Stela. Maging ang mga salitang lumalabas sa bibig niya ay hindi na niya naririnig.
“Ang kapal ng mukha mo! Wala akong pakialam kung sino ka sa buhay ni Brandy. Gusto kong itatak mo sa isip mo na akin siya!” mga katagang nanulas sa bibig niya.
“Bastard! Mang-aagaw!” narinig niyang sabi ni Stela at bigla na lamang tumama ang palad nito sa pisngi niya.
“Tama na!” narinig niyang sigaw ni Brandy.
Lalo lamang siyang nanggalaiti. Akmang hahablutin niyang muli ang buhok ni Stela ngunit naramdaman niya ang mga braso ni Brandy sa baywang niya. Mamaya’y hindi na nakalapat sa sahig ang mga paa niya. Wala siyang ibang nakikita kundi sahig. Nang mahimasmasan ay saka lamang niya namalayan na buhat-buhat siya ni Brandy palabas ng studio.
Isinakay siya nito sa kotse sa tabi ng driver seat. Pagkuwa’y nag-apura din itong sumakay at agad na nagmaniobra. Wala itong imik habang nagmamaneho. Noon lamang niya naramdaman ang pagod, hapdi ng pisngi niya at ang magulo niyang buhok. Hindi niya akalain na mawawala siya sa katinuan.
“I’m sorry,” sa wakas ay sabi ni Brandy.
Bumuntong-hininga siya. “Magpaliwanag ka sa akin,” aniya.
“Hindi ko iyon ginusto. Pinilit kong iwasan si Stela.”
“Naiwasan mo ba?!” marahas niyang tanong sabay harap dito.
“Umiwas ako, Shan!” giit nito, “bigla ka na lang sumugod ilang segundo lang ang nakalipas at hindi ko inaasahan ang ginawang iyon ni Stela,” paliwanag nito.
“Nanilim na ang paningin ko, Martin, nilamon na ako ng galit. Kahit sino naman sigurong babae, handang pumatay alang-alang sa lalaking mahal niya. Hindi ko ikakahiya ang ginawa ko, Martin. Mahal kita kaya ko nagawa iyon! Naramdaman mo ba iyon?!” Hindi niya napigil ang paglandas ng kanyang mga luha.
“Oo naman, Shan!” asik nito. Bigla na lamang nito inihinto ang sasakyan sa tabi ng kalsada. Bumaling ito ng upo sa tabi niya. Sinuklay nito ng daliri ang magulo niyang buhok.
“I’m sorry. Ito ang iniiwasan kong mangyari. Puputulin ko na ang lahat na nag-uugnay sa amin ni Stela. Ipapasa ko na sa iba ang project ko sa bahay niya,” anito.
“Huwag mong sabihin sa akin ‘yan, Martin.”
“Okay. Trust me, I will never hurt you. Last na ito.” Hinaplos nito ang pisngi niya, pinahiran nito ang luha niya.
“Nasaktan ako, Martin, physically, imotionally. Hindi ko inaasahan na ganito ako magalit pagdating sa lalaki. Hindi pa ba ako baliw sa iyo?” nakangiting sabi niya.
Ngumisi si Brandy. “Dahil sa ginawa mo, lalo lang kitang minahal. Ibang klase ka palang magalit. Akala ko hindi ka marunong magselos,” anito.
Kinurot niya ang tagiliran nito. Hindi naman nito iyon ininda.
BINABASA MO ANG
Bartenders Series 4 Brandy (Completed) Revised
RomanceFilipino-Spanish na matagal nang nanirahan sa pilipinas kasama ang ama niya at ang step mother and sister. Kilala siyang babaero, pero isa siyang binatang matindi magselos kapag may natitipuhan siya na mayroon siyang kaagaw. Pilyo at mahilig magliwa...