Hindi ako naniniwala na posible magwork ang long distance relationship until someone came into my life unexpectedly.
She's just a schoolmate that I used to know because of my friends when they introduced her to me during college. I was just a freshmen student then while she was already in a junior class. She's a classy and smart person who works hard for a high grades while I was just a simple student.
After a few years we finally graduated at nakaroon kami ng kanya kanyang goals sa buhay at naging busy kami sa pagfulfill ng mga yon at hindi kami nagkaroon ng chance para maging close sa isa't isa.
Hanggang sa isang araw habang binabasa ko ang mga messages sa chat box ko nakita ko na nagmessage sya saying "hi! kamusta?" and I chat back " okay naman, ikaw?"
At doon nagsimula ang lahat.
That time she was taken while I was having a trouble with my bf. She's working in California that time and out of boredom maybe kaya napadalas ang pag-uusap namin sa fb, hanggang sa skype at kahit malayo sya nagagawa nyang tumawag sa phone ko 2-3 times a day basta hindi xa busy. Unemployed pa kasi ako nuon kaya I have all the time for her.
We talked about her problems with her gf most of the time at kadalasan nagtatanong xa kung ano ba ang dapat nyang gawin para magkaayos sila. There are times pa nga na gusto na nyang bitawan ung gf nya dahil parang xa na lang daw ang nagmamahal at marami na nagsasabi sa kanya na may lalaki na daw na dinedate ito sa pinas pero pinipigil ko xa at lagi kong sinasabi na ayusin nila ang problema kahit na ako mismo ay may sarili ding problema.
After a few months nagbreak nga kami ng bf ko ng hindi nya alam at isa pa xa sa reason kung bakit. Nawalan na kasi ako ng gana sa relasyon namin dahil mas masaya na ako sa atensyon na nakukuha ko kay Jackie.
Pero nung mga time na yun hindi ko napapansin na nafall na pala aq sa kanya. Naramdaman ko na lang na nasasaktan ako kapag nagtatanong xa about sa gf nya at nagseselos ako pag sweet silang dalawa.
Wala akong ginawa kundi ang hintayin ang mga messages nya at ang tawag nya kahit late night na. Sa kanya na yata umikot ang mundo ko kahit milya milya pa ang layo namin sa isa't isa.
Ilang buwan din na nanatili kami sa ganong sitwasyon at habang mas tumatagal mas nararamdaman ko ang paglalim ng feelings ko para sa kanya.
Sa araw-araw na nagkakausap kami at nagkikita thru skype napansin ko rin ang pagbabago sa kanya. Naging sweet at maalalahanin xa, madalang na din namin napag-uusapan ang mga bagay na tungkol sa relasyon nila ng gf nya. Mas binibigyan nya na ng pansin ang mga bagay na tungkol sa akin at sa pamilya ko.
Hanggang sa umabot kami sa punto na inamin nya na gusto na nya ako at tinanong nya kung kaya ko daw ba xa mahalin kung iiwanan nya ang gf nya.
At that point gusto ko na din sabihin kung ano ung feelings ko for her pero mas pinili ko na manahimik..inisip ko kasi yung pwede mangyari at kung ano ang mararamdaman ng gf nya pag nangyari yon. Kaya sinabi ko na hindi ko kaya at ayoko din makasakit ng iba.
Kahit na ganon walang nagbago sa pagtingin namin sa isa't isa. Sweet pa din kami. Hindi lang nabigyan ng label ang relasyon namin pero alam namin na higit pa sa magkaibigan ang tingin namin sa isa't isa. Alam namin na may mali dahil may gf xa pero dahil sa masaya kami sa kung ano ang meron kami pinili namin iset aside na lang yon. At patuloy naming ginawang inspirasyon ang isa't isa.
------------+-------------+----------------
hello everyone please read my story and kindly leave your comments or suggestions if you have any..I am just a beginner that's why i really do appreciate any advice you can give..thanks :))