Ilang araw na ang nakalipas mula ng bumalik sa bansa si Jackie. Pero simula ng manggaling sila ni Natz sa bahay ni Alex ay hindi na nito nagawang tawagan ang dalaga. Hindi man nya maamin ay alam nito sa sariling nagselos at nainis sya sa sinabi ni Alex na maghahanap ito ng kadate. At yun din ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi nya magawang kausapin ito.
Itinuloy niya ang bakasyon kasama si Nathalia sa isang isla na madalas puntahan ng mga foreigners at mga turistang tulad nila.
Mula sa hindi kalayuan ay natatanaw na nila ang isang mini-port na pagdadaungan ng lantsang sinasakyan nila patungo sa isla.
At ilang sandali pa ay nakarating na nga sila sa isang kilalang hotel and resort.
Pagbungad pa lang nila sa lobby ng hotel ay may sumalubong na sa kanila na isang hotel boy.
Kinuha nito ang mga bagahe nila at inihatid na sila sa kanilang silid. Bago umalis ang hotel boy ay inabutan ito ni Jackie ng tip na masaya naman nitong tinanggap kasabay ng pasasalamat.
Isang malaking kwarto sa 3rd floor ang tutuluyan nila sa loob ng tatlong araw. Dalawang malaking bed ang nasa loob nito at may malambot na couch, TV at DVD player din. Neutral ang kulay ng buong kwarto may Queen's toilet and bath din ito at may sariling bathtub pa sa loob. Sa bintana ng kwarto ay matatanaw ang ganda ng kapaligiran at malawak na baybayin.
Saglit na nahiga si Jackie sa kama habang si Nathalia naman ay abala at manghang manghang iniikot ang buong kwarto.
Iniisip pa rin nito si Alex nasabi na lang nito sa sarili "Mas masaya sana ang bakasyon kung ikaw ang kasama ko." Sabay hugot ng malalim na paghinga.
Naputol naman ang kanyang pagmumunimuni ng bigla siyang hilahin ni Nathalia para bumangon.
"Ano bang ginagawa mo dyan? Hindi ba dapat nag-iikot na tayo sa buong lugar para masulit ang bakasyon natin? Bumangon kna nga?" Pagpupumilit ni Natz.
"Okay. Babangon na ako pero pwede ba kumain na muna tayo? Ang layo ng binyahe natin at hindi pa tayo kumakain mula ng umalis tayo." pilit ang ngiting sagot ni Jackie.
Napagdesisyunan nilang sa restaurant sa loob ng hotel na lang kumain. Pagdating doon sinalubong naman sila ng isang waiter na nakangiting iginiya sila papasok.
Isang Italian inspired ang istruktura ng kabuoan ng restaurant. At tulad ng inaasahan iba't ibang uri ng pasta and breads ang nakalatag sa mahabang mesa sa gitna ng restaurant. Lahat din ng klase ng sea foods ay mayroon doon upang hindi magsawa ang mga kumakain.
Ilang minuto din ang itinagal nila sa restaurant at talagang naenjoy nila ang pagkain. Pagkatapos nuon ay bumalik muna sila sa kanilang kwarto para magpalit ng damit.
--------+------+------------+------+------
sorry guys for my short update medyo busy na kasi sa pagrereview but i'll try to write my next update after 2-3 days.