#awkward

1 0 0
                                    

One year later

[ Unknown Number calling...]

Sino naman kaya ito?

Hello?

Hello! Alex? Si Jackie toh, kakadating ko lang dito sa airport. sorry huh? hindi na kita nasabihan..kita tayo tomorrow? Magpapahinga lang ako pagdating ko sa bahay para may energy ako tapos bukas kwentuhan tayo huh? Puntahan kita namiss kasi kita eh.

I miss you too. Sige tawagan mo na lang ako bukas kung tuloy baka kasi namiss ka ng gf mo ng sobra hindi ka paalisin. :) Welcome back to the Philippines!!!

Basta magkita tayo huh? Isasama ko na lang si Natz. Ipagluto mo ako huh?

okay!:) See yah then.

Hi! Alex it's nice to see you in the flesh again. By the way this is Nathalia Simon my gf. Alam ko nagkita na kayo dati pero gusto ko mas magkakilala pa kayo ng personal.

Inasahan na ni Alex ang pagdating ni Jackie kasama ang gf nito pero hindi nya maipaliwanag ang nararamdaman ng makita nya ang mga itong magkasama. Tila may kirot sa puso nya pero nagawa nyang pawiin ito at batiin ang dalawa ng may ngiti sa mukha.

Hello Nathalia, we meet again.

Bati ni Alex sa kaharap.

Natz na lang hindi na ako sanay na tinatawag ako gamit ang buo kong pangalan e. Kamusta ka?

I'm fine. Pasok kayo?

"Ngayong nakabalik na ako lagi na tayo magkakasama dahil kayo ang dalawa sa pinakamahalagang tao sa buhay ko ngayon. Sabay yakap sa kanila."si Jackie

Madrama ka pa din.

Ipaghahain ko lang kayo sandali huh? Dyan muna kayo sa sala. Jack ikaw na muna bahala sa kanya. Feel at home Natz.

Thanks. Need help or anything?

Nope. Kayang kaya ko na yun. Salamat.

Habang kumakain patuloy ang kwento ni Jackie tungkol sa naging trabaho nya sa abroad habang si Alex at Natz ay aliw na aliw sa pakikinig.

Paminsan minsan ay sinusulyapan ni Alex si Jackie na para bang pinag-aaralan niya ang bawat kilos at galaw nito.

Hey! you two wazzup?..magkwento naman kayo ang tagal ko nawala tapos mananahimik lang kayo jan?

"We have so much time for stories. Let's just enjoy the food first." si Alex.

Siguro naman now that you're back madami na tayo panahon para magbonding at mag-usap? Not unless may balak ka umalis ulit??

"Nope. Not this year." jackie chuckled

Anyways, Natz di ba before I come back we had a plan for an out of town? Bakit hindi natin iset yun para next week ituloy na natin. Sama ka samin Alex huh?

Uhm, kayo na lang muna siguro guys. I know namiss nyo ung isa't isa kaya ienjoy nyo ung time nyo together. Kwentuhan nyo na lang ako pagbalik nyo.

"Tama si Alex babe let's enjoy our time alone tapos magset na lang ulit tayo next time para makasama na natin si Alex." Si Natz.

You sure? You know I missed you kaya gusto din kita makasama.

yup! I am sure Jackie Marie Cepeda. May next time pa naman.

Buo talaga? Oh sige. I hope that this will be the last time na tatanggihan mo ako. Dahil sa susunod kakaladkarin na kita pag umayaw ka pa Ms. Alexandra Mondragon.

Haha ang harsh. Don't worry next time sasama na talaga ako.Hahanap muna ako ng kadate ko para naman hindi ako magmukhang 3rd wheel sa inyo diba Natz.

Yup! I think that's a good idea. And she chuckled.

Bigla namang nawala ang ngiti sa mukha ni Jackie ng marinig ang sinabi ni Alex. Na napansin naman nito kaya tumayo ito at nagpaalam na magliligpit ng pinagkainan upang umiwas sa tensyon sa paligid.

"Hey babe! What's wrong bakit natahimik ka yata bigla? Are you alright?"

Ah yeah babe I am good. Napagod lang siguro ako. Kanina pa kasi puro ako na lang ang nagkukwento sa inyo.

Sandali lang lalabas muna ako para maibaba ko sa kotse yung mga pasalubong ko kay Alex at sa family nya.

Tulungan na kita babe?

No, thanks babe kaya ko na yun.Dito ka na lang sandali lang naman ako. Tulungan mo na lang si Alex magligpit ng mga pinagkainan natin.

Okay. Let me know if you need help.

Alright!!

Habang tahimik na naghuhugas ng pinagkainan si Alex sa kusina sumunod sa kanya si Natz para tumulong.

Can I offer you a hand?

No thanks Natz, kaya ko na baka madumihan lang yung damit mo.

nah, I insist. At nagsimula na syang umabot ng pinggan para punasan.

Ilang sandali lang ng muling magsalita si Nathalia.

Uhm, Alex pwede ba ako magtanong?

Oo naman. Ano ba yun? At saglit syang huminto sa ginagawa para tingnan ang kausap.

Gaano mo kakilala si Jackie?

Nagtatakang humarap si Alex sa kausap.

Schoolmate ko lang si Jackie sa college at hindi naman kami malapit sa isa't isa kaya wala ako masyado alam sa buhay nya. Pero nung nasa ibang bansa sya lagi na kami nagkakausap, siguro kasi naiinip sya doon. Ikaw nga lagi nya ikinukwento sakin eh. Mahal na mahal ka nga nya.

Ah talaga? Isang maikli at makahulugang sagot mula kay Natz.

Pagkatapos ay itinuloy na nila ang ginagawa.

Alam mo Alex lagi ka din nababanggit ni Jackie sakin. Madalas pa nga nya ako ikumpara sayo lalo na pag nag-aaway kami. Ang bait mo daw kasi lagi ka daw nag-aadvice sa kanya.

Hindi sumagot si Alex, tanging ngiti lang ang ibinigay nito sa kausap.

Matapos ang ilang minuto ay bumalik na si Alex at Natz sa sala para samahan sa panunood ng t.v si Jackie. Ngunit hindi pa sila nakakaupo ay nag-aya na itong umalis.

Babe let's go home. Medyo may jetlag pa yata ako gusto ko na magpahinga.

Alex inilagay ko na nga pala sa kwarto mo yung mga pasalubong ko, ikaw na lang magbigay sa family mo nung para sa kanila huh?

O sige salamat.

"Alex thank you huh? Ang sarap mo magluto. Kwentuhan pa tayo next time huh? Nag-enjoy ako."si Natz

Ah sige. Enjoy kayo sa out of town nyo huh? Wag mo kalimutan magkweto pagbalik nyo.

Sure. Sige alis na kami huh?

Ingat kayo.

Pagkaalis ng kotseng sinasakyan nila Jackie ay saka lamang napaisip si Alex kung bakit biglang nagbago ang mood nito at nag-ayang umuwi?

RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon