Life without love

1 0 0
                                    

Gusto kong bumalik sa mga panahon na ako lang yung may gusto.
Yung mga panahon na ako lang yung nakatitig sayo
Mga panahon na hindi mo alam yung totoong ako at ang tunay na nararamdaman ko.
Gusto kong bumalik sa panahon na alam ko na hindi at walang pag asang magiging rao

Pero nalaman ko, sinabi mo na gusto mo din ako
Pero parang ayaw mo, bakit sa ano bang rason na hindi mo ko kayang panindigan
Naging masaya ako sa nalaman ko.
Na sa tagal ng panahon na akala ko ako lang yung naliliyo pag ibig ko sayo.
Heto, nakikiusap ako na nasa totohanin na to

Nakipagkita ako sayo, kinikilig ako at masaya ako
Na kahit itoy patago, at walang malapit sa atin ang nakakalam na ganito yong sitwasyon na gusto mo, pinatos ko.
Kahit alam kong pagkatapos nito, iiyak ako.

Tama nga, nag sine tayo, bumili pagkain, nagsama tayo buong magdamag
Magkayakap, at sinasaulo ang bawat ganap, bawat sigundo sa mundong tayo lang ang nakakaalam at tayoy parang naka droga na walang pakialam sa umaga
Pero pagkatapos nun, wala. Nakakaiyak

Umuwi ako na unti unting nawawala yung ngiti kong nalasap sa katiting na oras na binigay mo.
Umuwi akong nananakit ang dibdib at pinapaniwala ang sarili na sana ay hindi ako nagkamali sa pagpili sayo.
Na sana, hindi ko pagsisihan ang ginawa ko, na pinaubaya ko sayo ang puso ko, na hinayang kita na durugin mo ito ng pinong pino
Ang sakit pala, ang sakit salit pala.

Gusto kong saktan yung sarili ko at ipaalala na hindi magiging akin ka.
Gusto kong sabihin sa sarili ko na tanga ka talaga ay pinagbigyan mo siya.
Gustong kunin yung puso ko na alam kong tumitibok ng dahil sayo at ilagay sa isang box, nakatago para hindi mo na masasaktan ng pabuo.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Anong solusyon ang iisipin ko para patawid ang sakit na nararamdaman ko.
Na unti unting himihiwa at naghihiwalay sa pagtanto ko.

Tama na, ayoko na, tapusin ko na ang kahibangan ko. Kahibangan ko sayo na ako yung palaging talo. Na kahit kailan hindi ako mananalo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 10, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PASTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon