Chapter 2

49 1 0
                                    

"My gosh, Cassiopeia! Susmariosep kang bata ka! Sumasakit 'yung ulo ko sa'yo, kung hindi mo lang nalalaman! You were trending for three days straight. Hindi mo man lang inisip reputation ng Papa mo? You really dared slap money in the face of that girl?! Ano bang pumasok sa kukote mo?"

Ma had a business trip for four days straight sa Cebu kaya ngayon niya lang ako nagawang sermonan. Of course, Pa got no time to even to talk to me about it, or maybe he hasn't heard of the news yet. Sana h'wag niya ng mabalitaan. Sana maglaho na lang.

"Ma, nagyayaman-yamanan siya," I answered with a whiny voice.

"So sinampal mo siya ng pera kasi tingin mo ikaw 'yung tunay na mayaman?"

I groaned. "I didn't say that."

"Hindi mo nga sinabi, pero sa ginawa mo, para mo na ring sinigaw 'yon," she paused to caress her forehead in distress. Sobrang visible ng frustration sa mukha niya. "Alam mo baka isipin ng mga tao kurakot 'yung Papa mo—"

"You got business—"

"Sumasagot ka pa. Patapusin mo muna kaya ako?" singhal niya kaya naman napatigil na lang ako't yumuko. "I kept on telling you to be a good person. Palagi kong sinasabi sa'yo, 'yang mga ginagawa mo pwede nilang i-affiliate sa Papa mo. Everything you do, it will reflect the way the people think how we raise you," sabi niya habang diretsong nakatingin sa'kin.

Hindi ko naman siya magawang titigan pabalik kasi nalulusaw na ako sa mga tingin niya. She was just angry. I understand. Dapat talaga hindi ko hinayaang 'yung sarili kong madala sa inis.

"'Yung issue mong 'yan, maglalaho lang for a while, kapag may ginawa kang hindi maganda, they could bring it up again."

"Sorry na, 'Ma."

Napahawak na lang ulit siya sa noo niya sabay buntong hininga. "I'll think of a way to fix your mess. Right now, dito ka na muna sa bahay, h'wag kang aalis. Don't let yourself be seen walking out of the subdivision. 'Yang mga social media accounts, 'wag na 'wag mong irereactivate 'yan without my consent."

She then walked out. I was left standing frozen in my spot. Naramdaman ko na lang 'yung pagyakap sa'kin ni Yaya. "Bakit kasi sinampal mo ng pera 'yung babae? Masama 'yon. Hindi mo dapat pinagyayabang 'yang perang nangaling lang naman sa hirap ng mga magulang mo."

"Ya, feeling mayaman kasi," I reasoned out. I still remember how that girl humiliated me. Sinusubukan ko naman siyang kausapin ng matino.

"Kahit na. Sa ginawa mo, parang pinagkalandakan mo lang na masama kang tao."

After our short comforting moment, I head back to my room with a solo pack ice cream para hindi naman ako masiyadong manlumo. My phone is pretty useless now that my accounts were deactivated. Ayoko naman gumawa ng dummy sa Twitter kasi baka kung ano pang makita  kong tweets tungkol sa'kin.

Although, I think people can't just straight up take a video at my face kaya rumor lang na ako 'yon. Still, how come this spread nationwide?

I almost died in boredom when suddenly I received a text from Ma.

Mama:
          Gumayak ka. Idadala na muna kita kila Tito Andro mo.

Mula sa pagkakahiga, napa-Indian seat na lang ako upon reading her text. I'll be out of the house. Finally! This past few days has been so dull and boring. Hindi man lang ako binibisita ni Viva, tapos si Portia nasa ibang bansa pa rin. 

Iilan lang ang pinack kong gamit ko kasi may mga gamit naman 'yung pinsan ko, si Jolly, do'n, na kasiya sa'kin since magkaedad lang naman kami. I miss that girl. Dapat pala pinili ko na lang magbakasyon sa kanila. Hindi sana ako mapapagalitan agad ni Mama noong nakita niya 'yung 89 ko, hindi sana ako pupuntang mall, at wala sana akong makakabangaan.

Don't Get Caught (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon