Chapter 14

50 0 0
                                    

"Ano bang iniisip mo?!"

"Madami!"

"Bakit kasama do'n ang pagsali sa sorority?"

"Choice ko naman 'yon, kuya."

"Bakit? Isang matinong dahilan!"

Natulala na lang ako. I don't even know if my 'reasons' would be acceptable to him.

"Kita mo, wala kang masabi. Kasi kahit ano pa man mga dahilan mo, hindi mo masasabing valid 'yan!" singhal niya. Papalakas nang papalakas 'yung boses niya kaya nac-conscious ako na baka may makarinig na sa'min.

"Reason mo ba valid?" I asked back.

Kita ko sa peripheral ko ang pagkunot niya sa noo niya. Hindi ko siya nililingon at diretso lang ang tingin ko sa windshield. Bumuntong hininga na lang siya saka umiling-iling bago niya paandarin 'tong sasakyan. Nakarating kami sa bahay na hindi kami nag-iimikan.

"Panik na muna po ako," paalam ko saka dumiretso sa kwarto.

The whole weekend, we didn't bother talk about it. Actually, halos hindi nga kami nagkibuan buong weekend. I just acted as if I wasn't in the mood and tired. Hinayaan lang nila ako. I don't know if kuya haven't told Jolly or she's just acting clueless. Pero okay na rin na h'wag munang mapag-usapan.

Pagkapasok ko sa classroom, deretso lang akong naupo without looking at anybody.

"Casey," I heard Richard call me pero hindi ka na lang siya pinansin. I was certain he contacted kuya kaya ako nasundan no'n. Hindi ko naman siya masisi since the thought of joining a sorority is alarming despite the good things soros have said to have been done.

"Casey," he called me again.

"Hmm. Maayos naman uwi mo noong Saturday? Nakauwi na rin naman din agad ako," I just said para tantanan na niya ako, because there's no way I'd let her call me thrice.

It wasn't that long when our teacher arrived and began discussing. After her discussion, we got an activity kaya naman focus kaming lahat at tahimik kami until the next teacher arrived kasi may mga hindi pa tapos. Discussion lang din naman 'tong next subject and a short quiz and I'm finally free to go.

I wore my bag and quickly get out of the room when the teacher dismissed us. I was thinking of going to the canteen since that's where I usually wait for Jolly and kuya Alex, but I was thinking of going home alone. Kasi sayang lang oras na itatambay ko ulit ako for an hour and a half.

In the middle of deciding, nagpunta na muna ako sa may CR. I was checking myself on the mirror when my attention was suddenly averted to someone. Pumasok si Melanie saka niya sinarado't nilock 'yung pinto.

Napapaisip na lang ako kung may tracker ba ako sa babaeng 'to.

"Bakit ka nandito?" tanong ko habang pinanlalakihan siya ng mata.

"Sa tono mo, parang ayaw mong nandito ako," sabi niya na kinairap ko. "Sa'yo lang ba 'tong CR?"

"Hindi, pero this—" I stopped and raised a brow. "Etong CR na 'to, masiyado atang malayo sa building niyo."

"Muntik nanamang lumabas pagiging conyo mo. H'wag ka na kasing magpangap."

I rolled my eyes. I swear, kung pwede lang! Pero hindi ako mapalagay lalo na kapag malapit ako sa babaeng 'to, feeling ko meron siyang masamang binabalak. Ayaw ba akong tantanan. Hindi naman na siya grade seven na mahilig makipagrambulan. No offense to grade sevens na nananahimik.

"Sure naman akong sinugod mo lang ako. Kaya ano? Bakit ka nandito?"

"Ikaw? Bakit ka lumitaw noong Sabado?"

Don't Get Caught (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon