10 year later

434 18 19
                                    

P.s. Medyo mahaba po to at nakakatamad basahin. Di rin ako sure kung worth it . Walang shhelf confidence here, hehe ::)
-

---------------------------

                                  LORELEI

"Hi, Lori how's the  event? Hindi mo man lang ako ininvite!" Jamie bursted.

 We are currently on a group video call kaya kitang-kita ko ang pag arko ng perpektong kilay niya. She is in a no doubt expensive suite, wearing  a white robe embroidered with pink sakura. Her hair no longer in a braid, and her newly Japanese-style bangs that reached her brows covered her forehead. She looks completely different now.

"How should I invite you kung may Japan trip ka for one month? I don't want to disrupt you. Dapat di malihis ang attention mo." Sinandal ko muna ang phone ko sa flower vase ng mesang inuukupa ko. Nakaligtaan kong dalhin ang laptop.

"Kahit na! Anniversary yun ng pagka founded ng school ni Loki dear! Kaya dapat lang na nandun ako for that very event! " She look funny and cute at the same time, pano ba kasi para siyang batang nagmamaktol. 

Yes, at sa mismong QED University pa ang pinagdausan ng event. This is supposedly a first since we privately celebrate our previous anniversaries at a place we prefer, but the three did not make it.

Alistair coughed at Jamies remarks. Oopss.

"Aray, Jamie dear, so iiwan mo ang trip natin para kay Loki? I felt betrayed." Alistair joked. Hindi kasi tumugma sa mukha niya ang mga sinasabi niya, ang ganda pa rin kasi ng ngiti nito kabit nakakaselos ang mga sinasabi ni Jamie. May pa hawak ng dibdib effect pa siyang nalalaman.

The two of them are dating for 4 years already. Anniversary nila last last  weeks ago kaya to celebrate it, pinapili ni Alistair si Jamie ng lugar na gusto niyang puntahan. Pinili ni Jamie ang lugar na may Snow at may maraming Sakura at dapat malapit lang sa Pilipinas para pareho pa rin raw sila ni Loki ng malalanghap na hangin, which is nakakakaselos btw kung ako si Alistair, pero we know Jamie, she's still the same her 10 years ago, kaya sa Japan ang destinasyon nila for 1 month. Sana Hols. 

"Wag mo nga akong ma Jamie-dear jan hon, ang ibig kong sabihin ay tayong apat dapat present sa araw na yon! At hindi mo man lang pinaalala sakin. Hmpph. "

"Aray hon, so mas importante nga ang anniversary na yun kesa sa anniversary natin. " Mobile phone lang din ang ginagamit ni Al, as what his background shows, nakasakay siya sa escalator at maraming tao sa likod pero steady ang kuha ng video niya. As expected from someone who's a veteran in Media Arts.

"Hello, bukas ang uwi natin sa Pinas kaya may pag asa pa sana tayong makahabol, don't be jealous hon, one month na kaya  tayo dito. Asan ka ba ha? Kanina pa kita iniintay dito sa suite. Bukas na ang uwi natin sa Pinas."

Talagang hindi magseselos si Alistair, eto ang first time na hindi sila naka attend sa event dahil sa trip nila, at tingnan mo nga naman, sa sobrang wili ni Jamie, nakalimutan na niya ang isa din sa mahalagang event para saming apat. Inlove na inlove. Sana Hols again.

"No flirting infront of me please."

 Hindi ko namalayang sumali na pala si Loki sa video call. Bihis na bihis siya. Naks

"Loki dear! I miss you! Ang gwapo mo sana ngayon pero bakit di mo kami ininvite!"

Ouch, kay Loki may I miss you, sakin wala. Kaibigan ko ba talaga to?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 24, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Project Loki: Rios X MendezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon