Kath's POV
16th Birthday ko na next next week, November 16, and hindi padin ako excited dahil until now wala parin akong escort -__- Ang hirap ko daw pakisamahan. Nako, Maarte lang talaga sila, psh.
Pauwi na ako ngayon from school, at papunta na ako ng practice for cotillion. Birthday ko nga diba? Favorite apo kasi ako ng grandparents ko, kaya gusto nila bongga yung birthday ko.
Hindi ko alam pero, bigla akong kinabahan. Habang papalapit ako sa place ng pagpapraktisan, sya namang bilis nitong talbog ng puso ko. Ano bang nangyayare? O ano bang mangyayare? Wala naman akong emergency text na natanggap, kaya binalewala ko na lang.
Habang naglalakad ako, may nakabungguan ako.
"Anak ka nga ng nanay mo, oh! Ano ba yan 'di tumitinggin sa daan" maldita kong sabi.
Pagtingin ko sa kanya, napatulala ako. Syems, ang gwapo.
"Sorry... Ah miss?" sabi niya.
Natauhan ako bigla, nakakahiya grabe. Huhu lupaaaaa, kainin mo na ako :( Napansin niya atang sobrang titig ko sa kanya.
Sa sobrang hiya ko, bigla akong tumalikod at binilisan ang lakad. Hindi ko na siya nasagot. Haays!
Lalong nadagdagan yung kaba ko, jusko!
Pagdating ko sa practice place namin, nag-hi lang ako. Then umuwi muna ako para magpalit ng damit. Hindi pa naman kumpleto yung mga sasayaw eh.
Pagdating ko ng kwarto ko, inisip ko yung nangyare kanina.
"Jusko, anong nangyare sayo kathrynnnnn, nakakahiya ka alam mo ba yon? Nakakainis! Nakakainis! Argghhhhh"
Buti na lang soundproof yung kwarto ko, kaya di ako naririnig ng parents ko.
Pagkatapos kong magwala sa room, umalis na din ako. Ayokong magpa-VIP sa kanila.Habang papunta akong practice place, nakasalubong ko si Miles, pinsan kong sobra kong close.
"Hoy te, alam mo na ba?" Excited niyang sabi.
Anong alam ko na? Lalo tuloy akong kinabahan.
"Ano yun? At bakit excited ka?"
"May escort ka na! And guess what? SOBRANG GWAPOO NIYAAAA!" Sinigaw niya pa talaga -__- With matching talon talon. Di nga obvious na gwapo yun. Kilig na kilig tong lokong to.
"Okaay."
Hindi ako interesado, kasi hanggang ngayon iniisip ko padin yung kahihiyang ginawa ko kanina. Ay psh.
"Hey, we're here"
Andito na kami agad? Ang bilis. Hindi ko napansin, nakakainis! Ginugulo ako nung lalaking yun ah.
Binati ko ulit sila, pagdating namin. Tapos nagsimula na agad, kami na lang pala ang kulang. Hinahanap ko yung "Sobrang Gwapo" na sinasabi ng pinsan ko, pero wala akong nakita -__- Niloloko lang ata ako neto.
Sa sobrang curious ko, tinanong ko na.
"Kuya Rye wala parin ba akong escort?" Tanong ko sa D.I namin.
"Ah, meron na. Teka nasan na yun?"
"Papunta na daw" sigaw ni Seth sa likod. Kaibigan niya ata yung magiging escort ko. Anyway, I don't care. Well, okay I am but just a little bit. Isang linggo na rin kasi akong sumasayaw mag-isa. Kung sino pa yung may birthday, siya pa yung walang partner. Ang saya diba -_-
Tumango-tango na lang si Kuya Rye. At continue ulit sa sayaw!
"Look who's here, your escort." Masaya niyang sigaw.
BINABASA MO ANG
I fell in love with my Escort :) (KathNiel One Shot)
DiversosThis is only a one shot story. 50% ng storya ay kwento ng lovelife ko. HAHAHAHAHA so yeah :) I hope you like it :* PS. Hindi ko sure kung kikiligin kayo. Kasi walang kwenta to. PPS. I'm not good at writing. But I hope you'll like it. Enjoy Reading :)