1700458-N

24 1 0
                                    

1700458-NNi Gf Wp

"Jog! Jog! Jog!" sigaw ni Sir, ang trainer dito sa Kampo. Habang nagj-jog ako ay napatingin ako sa babaeng katabi ko. Kahit na kalbo ito ay napakaganda pa rin. Hindi ko akalaing ang katulad niya ay pipiliing pagsilbihan ang bansang kanyang kinalakihan.

"Ortega! Focus!" sigaw ni Sir sa tenga ko kaya napaharap ako sa harap at itinuloy ang pag-jog.

Noong umalis si Sir at sa iba nagfocus ay tinanong ko ang babae, "Anong pangalan mo?" habang hinihingal kaka-jog.

"1700458-N, Sir." sagot niya.

"Ha?" napa-ha ako dahil hindi ko naintindihan. Narinig ko namang natawa siya.

"Joverez, Sir." aniya habang nakatingin pa rin sa harap.

"STOP!" sigaw ni Sir sa harap kaya napatayo kami ng tuwid. "Napaka-ingay mo sa pila, Ortega!"

"Sorry, Sir!"

"Huminga sa ilong, ilabas sa bibig!" ginawa naming lahat ang sinabi niya hanggang sa mabawi namin ang aming hininga.

"Group 1, Camp 1! Go!" aniya kaya't napatakbo kami sa Camp 1, swerte dahil kasama ko si Joverez.

"Bumaba kayo ng patalikod, hawakan itong lubid. Bilisan mo! Ang bagal!" sigaw ni Ma'am sa akin. Kaya't ginawa ko iyon, ligtas at mabilis.

Pinanood ko siyang bumaba ng hill na iyon, "ORTEGA! ANONG GINAGAWA MO!?" sigaw muli ni Sir sa akin mula sa aking likuran.

"Sorry, Sir!" nakalimutan ko at may obstacle pa palang kasunod pagkatapos no'n.

"Akyat! Magtulungan kayo! Alalayan bawat isa!" kailangan ay masanay sa sigaw dahil ito ay ginagawa nila araw araw.

"Pumunta na kayo roon, nakahanda na ang mga pagkain! Limang minuto!"

Naupo na kami sa aming designated seats at nagsimulang kumain. Nakatapat ko si Joverez. Deretso ang tingin, sunod sunod ang pagsubo at pag kain. Ayusin ang pag-nguya dahil kapag hindi, mabibilaukan ka.

"Tapos na ang limang minuto! Sabay-sabay na ibaba ang ulo!" ibinaba namin ang ulo namin at nanalangin.

"Louder!" ani Sir, alas kuwatro ng umaga, narito kami at tumatakbo habang kumakanta. Parte ito ng routine kada umaga. Alas tres ay gigising, magwawarm-up, pagkatapos ay tatakbo hanggang alas-siete ng umaga.

Gugulong sa ilalim ng mga barb-wires, aakyat sa lubid, tatalon pababa. Tatakbo pababa sa mga kahoy, gugulong. Isang buong araw na pagod at walang pahinga.

Puso at determinasyon, pananampalataya at dedikasyon. Wala ka no'n? Maaari ka nang mamaalam sa lahat ng nandito.

Dadaan ka sa butas ng karayom sa anim na buwang pag-eensayo para maging sundalo.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon