7 MARIE

163 0 0
                                    

WALA kaming kibuan ni Mark habang nakahiga na kami ngayon.

Sa pader ako nakaharap ewan ko sakanya kung saan siya nakatingin.

"Kailan ka aalis?" tanong niyang bigla.
"Hindi ko alam." sagot ko

Wala naman talaga akong ideya.

"Huminto na tayo Mark." mahinang sabi ko pero sapat na para marinig niya. "Napagawa mo ng magandang bahay ang pamilya mo ganun din ang gusto ko."

"Kailangan ko ng pera Romana." sabi niya kaya humarap ako sakanya na sobrang lapit lang pala sakin kaya konti nalang ay maghahalikan na kami.

"Humanap tayo ng ibang trabaho."
"Wala akong degree mahihirapan ako."

Hindi ka rin pala naniniwala sa sarili mo eh.

"Basta huminto na tayo Mark." ulit ko.
"Hindi ko agad magagawa Romana."

"Sabi ko may deadline diba? Bakit kailan mo balak umistop dyan?" inis kong tanong.

"Pag may naipon na ako." hangal.

"Sinabi ko na yan hanggang inabot ako ng halos tatlong taon." kibit balikat na sabi ko. "Pero..." may sasabihin pa sana siya pero agad ko siyang hinalikan.

Tumahimik kana please.
Ayoko ng makinig.

"Nakakatawa pag nalaman ng iba na pokpok tayo. Kase unang iisipin nila mayaman na agad tayo kase pokpok eh. Maraming iniiyot kada iyot pera. Kada tamod pera! 'di nila alam napapagod din tayo."

"Nauubusan din tayo ng libog. Nauupos din tayo parang kandilang natutunaw. Napapaso natin ang sarili natin."

"Nasasaktan tayo."

"Pero wala eh. ganun nila tayo nakilala pokpok. Ay ganyan si ano pokpok itong si ganyan paiyutin yan ng tondo kinama na ng lahat yan."

"Hindi ko na naman ginusto yun."

"Hindi ko pinili yung gantong buhay."

Seryosong sabi ko habang siya ay seryosong nakatingin lang sakin hinihintay kung anong susunod kong sasabihin.

"Gusto ko ng bagong buhay sisimulan ko sa bagong pangalan. Tapos aalis na ako sa tondo iiwan ko lahat dito. Yung sakit at pait na dinanas ko hindi ko isasama. Parang pinanganak akong ulit ganu-----"

Hindi ko na naituloy ang sinasabi ko ng sunggabin ako ng halik ni Mark.

"Hmmm..."

"Sabi ko bawal tigasan diba?" natatawang sabi ko.

"Ngayon lang." pakyut na sabi niya kaya tumango ako.

Ngayon ako naman ang humalik sakanya.

Halik ng pagnanasa.

Halik na uhaw at sabik sakanya.

"A-aaaah!" napaungol si Mark ng umibabaw ako sakanya at kiniskis ang sarili sa katawan niya.

Ang sarap.

Hindi ko na talaga maiaalis sa sarili ko ang pagiging ganto.

Isang pokpok.

"Roma." bigkas ni Mark sa pangalan ko.

Tang ina nag enjoy na ako lang hinahayaang gumalaw. Well pwede rin masarap mukha naman siyang yummy.

"Sisingilin kita para dito." biro ko kaya napadilat siya. "Oo na kahit magkano."

"Hindi pero ang gusto ko."

"Tumigil na tayo Mark. 'wag na tayong maging pokpok." bulong ko at sinimulan na siyang romansahin hindi na nga siya nakasagot sa sinabi ko.

"Aaah..."

M A R I E (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon