RESPETO

275 2 1
                                    


Ang sakit isipin na iba
na ang mundo mas dumarami
ang masama sa mabuting
tao, hindi ko alam
nawawalan na sila ng respeto
sa mga babaeng sinasabi nilang
nais nilang pakasalan at
alagaan pero bakit ganito?
Mas dumami ang babaeng
hinalay at pinabayaan
na parang tutang niligaw
sa kanto.
Nakakainis lang, hindi ko
nilalahat wala akong
binanggit na pangalan, mga
mangilan ngilang kalalakihang
akala mo walang ina't kapatid
kung mangbaboy ng
babae akala mo kriminal na
nanahimik sa tabi-tabi.
Wag sana mawala ang
salitang respeto sa mga babaeng handang makipagdigmaan
para tratuhin sila ng tama at
totoo. Kahit ano pang
estado niya sa mundo
Birhen man o hindi
Maganda man o mabait
Ina man o estudyante
Kapatid man o paslit
Lahat ng babae ay dapat
IRESPETO, hindi hinahalay
hindi binabastos, hindi
ipinaparamdam na sila ay
maruming tao sapagkat
katulad ko na isang babae
matapang at totoo
kaya kong magkipagdigma
para sa kailangan kong respeto.

#Rape is rape
#GirlsIsTheVictim
#DontBlameThem

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 11, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

P O E MTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon