"ang pagsisi"

949 19 7
                                    

Mag dadalawang taon ng mag kasintahan si girl at boy.sa umpisa ay masaya si girl sa piling ni boy.dahil may araw talagang lumalabas sila para mag date, lahat ng gusto ni girl ay sinusunod ni boy dahil mahal din naman sya nito. ka 9th monthsarry palang nila kahapon  pero napapansin ni girl na nag iiba ang pakikipag tungo ni boy simula ng nakaraang mga linggo. dahil malimit nya nalang kasing yayain si girl na lumabas at kong hindi pa mamimilit si girl ay wala itong balak, at dahil nga nasa ibang bansa ang magulang ni boy Ay may mga araw at gabe na natutulog si girl sa bahay ni boy minsan nga ay doon na naglalagi ito,  ng minsang gabi ay napuyat si girl sa paghihintay sa kay boy  madaling araw na itong dumating at lasing pa.

Girl: lasing ka nanamang lalaki ka gabi gabi ka nalang ba mag lalasing?
Boy: bat gi-sing-ka-pa?
Girl: natural hinihintay kita palagi naman akong nag hihintay dba.
Boy: sino ba-ng nag sabi-na hintayin mo ako ha.
Girl: kahit mag dadakdak pa ako dito bukas ay hindi mo rin maalala ang mga ito kaya tara na at matulog na tayo.

Kinabukasan kahit puyat si girl ay maaga itong gumigising para maihanda ang babaunin ni boy para sa trabaho,.

[Hapagkainan]
Girl: maaga kabang uuwi mamaya babe,?
Boy: wag mo na akong hintayin mapupuyat kalang dahil maraming trabaho ang tambak samin kaya kailangang tapusin(habang umiinom ng kape)
Girl:  hihintayin kita para mapagsilbihan kita pag uwi mo at sana babe wag ka ng umuwing lasing dahil baka mapano kapa sa daan.(habang naka hawak sa kaliwang kamay ni boy)
Boy: (binagsak ang tasa) girl friend palang kita kaya wag kang umasta na parang asawa ko na(kinuha ang bag at lumabas ng bahay)

Natulala si girl dahil hindi nya akalain na masasabi iyon ng boyfriend nya sa kanya, ilang minuto din ang tumagal bago bumalik sa diwa nya at sa pag tayo nya ay sabay sapag bagsak ng namumuong mga luha nito.

[Girl ]
Huhuhu anong nangyari sa kanya hindi sya ang taong minahal ko ng ilang buwan,hindi sya ang taong nag patibok ng puso ko, ang taong mahal ko na akala ko sya ang mag papasaya sakin ay sya pa palang taong mananakit sa puso kong kahit minsan ay hindi pa nasaktan ng ganito huhuhu(habang nakaluhod at nakayuko at ang dalawang kamay ay nasa muka nito)

Buong araw na nasa kwarto lang si girl at kahit sapag kain ay hindi nya na maalala, naka tulala lang ito at nakatingin sa litrato/album nila ng mga monthsarry nila, hindi maiwasan ni girl na hindi mapaluha sa tuwing na alala nya ang nangyari kanina , at dahil sa kakaiyak ay nakatulog ito sa kwarto.
5:30pm ng magising si girl at sa pagtayo nito ilang hakbang palang ang nagawa ay napahawak ito sa pinto ng kwarto

[Girl]
Aray.. ganon naba ka bilis ang oras para magutom ako at mahilo ng ganito, mabuti pay kumain na ako at para makapag handa ng makakain para sa mahal ko (habang naka ngiti)

6:20pm ng matapos mag luto at maglinis ng kunting kalat si girl pag katapos maihanda ni girl ang mga niluto sa hapagkainan ay bumalik na ito sa kwarto upang maligo.

Nang makatapos maligo ay dumirityo na agad si girl sa sofa at nanuod ng tv para hindi mabagot sa kakahintay, maya maya naman tingin ng tingin ng orasan si girl (time-7:45pm)

[Girl]
Malapit na ang 8:00 labasan nya na bat kaya nagalit sya kanina hehe siguro gutom lang sya kanina kaya napagsabihan nya ako ng ganon haha sino ba naman kasing hindi magugutom ee lasing sya kagabi tapos kape lang ang laman ng tyan tapos ako naman napaka Oa ee umiyak agad haha.

[Fast forward]
9:58pm
(Tok tok tok) napagising naman agad si girl sa pagkakatulog sa sofa ng marinig nyang may kumatok agad agad nya namang binuksan ito.

Girl: hi babe good evening (sabay lapit para ikiss si boy pero tuloy tuloy lang si boy sapag lakad) ammhh babe kain kana muna nag luto ako ng paburito mong adobo na may itlog(naka ngiti)
Boy: busog ako kumain na kami ng tropa sa labas kaya ikaw nalang ang kumain, cge na antok na ako pakipatay nalang ang mga ilaw.

Sad Short Story {one-shot}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon