twin sister

65 4 0
                                    

Tanaw ko sa malayo ang babaeng binubully ng kanyang mga kaklasi.gusto kong lumapit at pag sisipain ang mga ito pero hindi ko magawa.

"ito lang ba, 150 lang"mataray na saad ng babae habang ang dalawa ay nakahawak sa magkabilaan nitong kamay.

"yan lang ang pera ko roxane"nakayukong sambit ng binubully nilang babae

"Haayyyys nako walang pakinabang"sambit nito habang pinupokpok ng wallet ang ulo.

Ikinuyom Ko ang aking mga kamay at pinilit na pinakalma ang aking sarili.

"dapat pagkita natin ulit malaki na ang mabibigay mo ok"sabi ng mataray na babae habang hawak hawak ang pisnge ng binubully.

"Hali na kayo girls"mauturidad na sambit nito at agad naman itong tinulak ng dalawa dahilan para mapa upo ito sa lupa.

Wala ito sa sariling tumayo at nag punas ng mga luhang pumapatak sa pisnge nito.

Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib dahil sa natunghayan ko.ganito pala ang buhay ng kakambal ko dito sa probinsya samantalang napakaganda ng buhay ko sa maynila.

Nag lakad ito kaya sinundan ko sya.hindi ko alam kong tama ba ang dinadaan nya dahil parang lutang ito at wala sa sarili.

Malayo ang agwat ko sa kanya ng sa ganon ay hindi nya ako makita.mas matanda ako sa kanya ng ilang minuto at mukang hindi nya na ako naalala dahil bata palang kami ay nagkahiwalay na kami dahil sa ibang pamilya ang nag ampon samin.

Hindi alam ng umampon sakin na may kakambal ako. palihim akong pumupunta dito para makita ang kakambal ko pero ito ang natunghayan ko.

Napalaki ang mata ko at napatakbo ng makita kong umakyat ang kakambal ko sa tulay at mukang seryuso sya sa balak nya. Hindi paman ako nakalapit ay tumalon ito. Walang dalawang isip at tumalon din ako para sagipin ang kakambal ko.

Matagal tagal bago ko sya makita sa ilalim ng tubig at wala na itong malay. Agad akong tumawag ng ambulansya at hindi nag tagal ay dumating din agad ito.

Umiiyak akong hawak ang kamay ng kakambal ko at nanalangin sa taas na sana ay maging ok lang ito.

Nang makababa sa ospital ay agad na nilang dinala sa loob ang kakambal ko samantalang ako ay tinawagan si mommy.

Agad naman dumating si mommy sa Sinabi Kong ospital. nang makita ako ay agad akong nilapitan at niyakap. Akala nya ako ang naospital. Inexplain ko ang lahat kay mommy sa loob ng room Kong saan nandon ang kakambal ko.

"OK na sya anak wag kanang mag alala"papalakas ng loob ni mommy sakin.

"Mom diba may bahay tayo malapit dito"tanong Ko Kay mommy

"yes anak malapit sa bahay ampunan kong saan kita nakita"sagot naman ni mommy

"gusto ko po sana na dito na muna para maalagaan ang kapatid ko" paliwanag ko sa kanya

Hinawakan nya ang mga kamay ko ko at mahigpit akong niyakap.

"sure anak walang problema"pang sang ayon ni mommy na kinangiti Ko.

Hindi na tumagal pa si mommy dahil may hinahabol pa itong meeting sa trabaho nya kaya naiwan ako sa kakambal ko. Binayaran nya narin ang mga gastusin sa ospital kaya pag gising ng kakambal ko ay pwede na kaming lumabas.

Kinahapunan nagising aKo sa kamay na humaplos sa ulo ko. nakatulog pala habang binabantayan ang kakambal ko.

Inangat ko ang aking paningin at nakita kong umiiyak ang kakambal kong nakatingin sakin.

"ate"yan lang ang lumabas sa bibig nya at mabilis Ko itong niyakap.

"ate matagal kitang hinintay akala ko hindi na kita makikita pa"hikbi nitong pagsasalita. Hinimas ko naman ang likod nya.all this years akala ko hindi na ako kilala ng kakambal ko pero magkamali pala ako.hinintay nya ako ng mahabang panahon.

Sad Short Story {one-shot}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon