kapalaran ng batang ina

258 8 0
                                    

"Kapalaran ng batang ina"

Nakangiti akong pumapasok sa pintuan ng bahay namin nakita ko si mama na nag hahanda ng tanghalian at si ate naman nasa sofa at nanunuod ng tv.

Lumapit ako kay mama at hinalikan ito sa pisnge at ganon din ang ginawa ko sa ate.

"bat ngiting ngiti kang bata ka" tanong ni ate

"kasi si jake Nililigawan ako" sagot ko ng di naalis ang ngiti sa labi.

Nakita ko naman ang paglaki ng mata ni ate tiningnan ko naman si mama at nakatingin lang ito kay ate

"Hindi!  Tigil tigilan mo ako sa ligaw ligaw nayan napakabata mo pa para dyan." sabi ni ate na paiyak na alam ko na galit ito. bigla naman syang pumasok sa kwarto nya at sinundan ni mama at dahil malapit ang kwarto ni ate sa sofa ay rinig na rinig ko ang sagutan nila.

"mama napakabata pa nya para sa mga ligaw ligaw nayan nakita mo naman ang ngiti nya dba yan din ang ngiti Ko non"

"wag ka ngang Oa na bata ka sabi nya nililigawan palang sya pwede namang pagsabihan natin yan kaya punasan mo yang luha mo at sa hapag na natin pag usapan yan" rinig kong sabi ni mama kaya tumayo ako at tumakbo sa hapagkainan at umupo maya maya pa bumukas ang pintuan ng kwarto ni ate at lumabas silang dalawa. Kumuha ako ng kanin at ulam ganon din ang ginawa nila tahimik lang kaming kumakain ng basagin ni mama ang katahimikan.

"cyrel napakabata mo pa para sa mga bagay na sinasabi mong panliligaw ni jake, unahin mo yang pag aaral mo at maintindihan mo rin kami ng ate mo sa pag daan ng araw" sabi ni mama Tama naman kasi sila Napakabata Ko pa para sa mga bagay nayon 15 palang ako kaya naintindihan ko sila.
"opo"maikli Kong sagot tiningnan ko si ate at kumakain lang ito.
-
-
-
Matapos ang pangyayaring yon ay di ko pinatuloy ang panliligaw ni jake naintindihan naman nito kaya itinuon ko nalang sapag aaral ang isip ko hanggang sa nasungkit Ko ang top 1 sa klase na kinatuwa ko ng sobra dahil sa alam ko ay magiging proud sila ni mama at ate sa akin.
Pagkatapos ng klasi ay agad akong umuwi ang laki ng ngiti Ko at di ko maalis mabuti nalang at sinunod ko ang payo nila mama at ate kasi kong hindi ay hindi ako magiging top1 dahil panigurado ay puro si jake ang nasaisip ko non.

Mabilis akong pumasok sa bahay at nilapag ang bag ko sa sofa at hinanap ko si mama at ate una Kong nakita si mama na nag lalaba niyakap ko ito at Sinabi ang balita tuwang tuwa si mama sa balitang sinabi ko kaya nag hugas ito at niyakap din ako. Sabay kaming pumuntang kusina at sinabi nya sakin na sabihin sa ate ang magandang balita at magluluto Lang daw sya para ma celebrate ang pagiging top 1 ko kaya agad naman ako tumungo sa kwarto ni ate hindi na ako kumatok pa at binuksan kuna agad ang pintuan nakita ko si ate nasa kama at nang makita ako ay agad nyang iniligpit ang mga napaloob sa kahon alam kong mga picture ito, Tumalikod ito at nilagay ang kahon sa aparador nito at pasimpling nag punas ng luha.

"ohh cyrel ang saya mo naman ata" pansin agad ni ate kita ko sa mga mata ni ate ang lungkot at likidong luha nito at bago paman mag isip si ate ng kong ano ano ay binalita kuna agad sa kanya. Laking tuwa naman ito na napayakap sakin at ganon din ang ginawa ko dito niyakap ko sya ng mahigpit.
"ang galing galing naman ng baby namin I'm so proud of you"alam kong iyon ang sasabihin ni ate kaya masaya ako dahil ramdam Kong proud ito
"at dahil dyan anong gusto mong regalo"tanong nito na kinalapad ng ngiti Ko lalo.
"laptop" agaran kong sagot napatampal nalang ito sa noo at wala ng nagawa pa
-
-
-
Buhat  ng nangyari yon Sinipagan ko pa lalo ang pag aaral ko ng di madismaya ang pamilya ko. hanggang sa dumating ang araw ng may new student na pumasok sa section namin gwapo sya at matalino at mukang sya ang magiging kalaban ko sa pagiging top 1. mabait naman sya at Palakaibigan kaya naging kaibigan Ko rin ito.
Lagi kaming magkasama sa araw araw hindi ko alam ngunit parang nahuhulog na ako dito haggang nga sa umamin ito at niligawan aKo hindi naman siguro malalaman ng pamilya ko dahil malayo naman ang campus sa bahay namin kaya sinagot ko ito.

Sad Short Story {one-shot}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon