12. **If We Ever Meet Again**

9.4K 197 6
                                    

My Super Boyfriend

storyline by Toneewritestragedies

Inspired by Zettai Kareshi (Absolute Boyfriend)

 12 **If We Ever Meet Again**   

 // 5 years later //

[[London, England]]

Samantha Adachi's POV

"Honeybabe! Honeybabe! Where?s my underwear?!"

"Wait lang dear, kinukuha ko pa okay?"

"Alright. Just make it faster. I don't wanna run here naked."

"Opo! Ito na.." pagkakuha ko ng undies, binigay ko na agad sa kanya. "Gusto mo bihisan pa kita ha?" I teased him.

"No way! That?s gross! I?m a big boy right now Honeybabe, stop making me a little boy!"

"O sye, sya. You win, I?ll just wait here. Bilisan mo lang ha, maliligo pa si Suri."

"Yup!"

May humila naman ng skirt ko sa may bandang tagiliran, pagtingin ko si Suri. "Mamami, Mikko is soo tagal. I wanna pee >///<"

Nginitian ko sya tas binuhat. "Yes my Young Lady, sandal na lang si Mikko ha. He?s putting his clothes on pa kasi e."

"Okay. I'll just wait for him."

Those were my kids, Mikko and Suri, kambal sila actually. After what happened to me five years ago, that was the sign na eight weeks pregnant ako at si Reikko Shadows ang ama ng dinadala ko. sa una, medyo nagtampo ang parents ko saken dahil hindi inaasahan yung pagbubuntis ko. Pero sa huli, tinanggap na rin nila at naexcite dahil magkakaapo sila.

Tumigil ako ng isang taon sa Asters para tutukan ang pagbubuntis ko, maselan kasi dahil 18 lang ako noon tas kambal pa ang magiging anak ko. pero nung ipinanganak ko sila in normal delivery, sobrang saya ko nun dahil wala silang ailments at abnormalities.

Mikko and Suri were my happiness, dahil sa kanila nagsumikap akong makapagtapos sa pag-aaral at gumraduate ng Cum Laude. Sila ang insipirasyon ko sa lahat ng ginagawa ko. Pakiramdam ko, tama sila. Na swerte ang kambal. Napromote kasi sa trabaho sina Mama at Papa kaya heto nandito kami sa London naninirahan. Nagtatrabaho ako sa Vogue magazine as layout artist at doon na nagsimula ang ginhawa sa buhay namin.

Masasabi kong maganda na ang buhay ng pamilya ko pati ang mga anak ko. Pero sa kabila ng lahat ng swerte sa buhay ko, may matinding lungkot pa rin akong nararamdaman sa puso ko.

Hanggang ngayon kasi, mahal ko pa si Sushi. at kahit kelan, di sya nawala sa isip at puso ko. kahit 5 taon na ang lumipas mula nung huli kaming magkita, nandito pa rin yung sakit dahil sa ginawa ko sa kanya. Sobrang nagi-guilty ako kasi di ko sya nagawang ipaglaban kay Bernard Shadows.

Sinubukan kong hanapin si Sushi thru social networking sites at kahit saan pang means pero wala akong nakuhang information sa kanya. Hindi ko iniisip na wala na si Sushi. nararamdaman kong nandito pa sya at may sarili syang buhay kung nasaan man syang lupalop ng mundo. At kung sakali man na may iba na syang mahal, tatanggapin ko na hindi kami para sa isa?t isa.

Si Reikko Shadows o Sushi man, proud akong sabihin na sya ang puppy love ko, ang first love ko, at ang last love ko. Hindi man kami ang nagkatuluyan, alam ko sa sarili ko na hindi sya mabubura sa isp at puso ko habang nabubuhay ako. At ang proof ay yung pagbuhay at pagpapalaki ko sa kambal, mahal ko sila tulad ng pagmamahal ko sa kanya. Di ako magsasawang iparamdam sa kanila ang pag-aalaga ko pati na rin ang pagmamahal ko.

My Super BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon