"Tigilan mo na nga 'yang kakainom mo, Yana. Para kang tanga!" Saway sa akin ng kaibigan ko. I didn't care. As long as I know that this drink will keep me company this night, hindi ko siya titigilan.
"Sawayin mo nga si Yana. Ayaw makinig!" Dinig kong sigaw ng kaibigan ko kung saan.
"Stop calling me Yana! I hate it!" Sabi ko at nagsalin ulit ng vodka sa shotglass. Kukunin ko sana iyon para mainom na pero may kumuha no'n mula sa akin. Tiningala ko ang lalaking kumuha nito at nakita kong siya ang tumagay ng sinalin ko. Masyadong magalaw ang ilaw sa club at medyo may tama na rin ako kaya hindi ko makita ang mukha nung suspek pero hindi nakatakas sa paningin ko ang pag-asim ng mukha niya nang ibaba ang shotglass na wala nang laman.
"Stop drinking, Christiana!" Sigaw niya sa akin. I know this authoritative voice. It's Damien's. Umiling ako sa pinsan ko at mabilis na binawi sa kanya ang shotglass ko.
"If you want to drink, get your own shotglass!" Singhal ko sa kanya bago niya kinuhang muli ang baso mula sa kamay ko at nilapag sa kabilang mesa.
"C'mon! Lalaki lang iyon! Makakahanap ka pa riyan! You're ruining your life for that boy. At ano? Sa tingin mo kukunin ka niya ulit dahil naglasing ka? Are you going to drunk-call him?" Alcohol already overtook me but I still heard him clearly. Oo nga naman, Yana! Nagka-jowa ka lang, nabobo ka na?
I laughed.
Masyado na siguro akong natamaan para makapag-isip at makasagot pa nang maayos. I badly needed sleep. I've been sleep deprived these past few months kakaimbestiga sa pesteng lalaking iyon pero in the end, wala rin pala akong magagawa. Now, you have plenty of time to sleep. Nice!
Tumayo ako para mag-CR sana pero umikot ang paningin ko kaya napaupo kaagad. Inalalayan naman ako ng kaibigan ko.
"Where are you going?"
"CR."
Sinamahan niya akong tumawid sa dagat ng tao para marating ang banyo. Sinamahan niya ako hanggang sa loob dahil natatakot daw siya na baka mapagkamalan kong sink ang inidoro. Lasing lang ako pero 'di ako tanga. Pfft.
Naramdaman kong umikot ang sikmura ko pagkapasok kaya agad akong pumasok sa pinakamalapit na cubicle at sumuka. Damn! I have never felt this bad before. Parang any minute magseself-destruct ako. Pakiramdam ko sinuka ko lahat-lahat ng hinanakit ko at sama ng loob pero they're damn too many to be released at once.
Pagkatapos ay hinang-hina ako at napayuko na lang sa ibabaw ng toilet seat. I didn't care
anymore. Parang gusto ko na lang matulog dito.
"Uy! Yana! Maghilamos ka na nga at umuwi na tayo! Tsk! Pasaway ka!" Pilit na akong pinapatayo ng kaibigan ko. I know I'm heavy kaya kahit mahirap ay pinilit ko pa ring tumayo at ika-ikang tumapat sa harap ng sink na naduduwal pa.
Binuksan ni Ria ang gripo at iminuwestra sa akin iyon.
"Maghilamos ka mag-isa. Naglasing-lasing ka hindi mo pala kaya. Bukas sasapakin kita kapag hindi mo 'to maalala."
"Call Eli, please. I love her hangover soup." I said as Ria dragged me outside the loo.
"Gaga ka! Inaway-away mo si Eli last week. Umuwi ng Manila!"
Hindi ko na naintindihan ang mga sinabi niya kaya ngumiti na lang ako sa kanya habang napikit-pikit na. I really can't do anything anymore. I'm so sleepy. I heard her cursed a few times before I shut down.
The next thing I knew I am in my room. In my pyjamas. Sinubukan kong bumangon pero napahiga rin at sinapo ko ang ulo ko nang maramdaman kong parang may pumupukpok at tumusok sa ulo ko. Napapikit ako sa sakit at saglit na humiga muna. Tumingin ako sa paligid. wala namang nagbago. Bumangon ako ulit kahit na masakit sa ulo. Hindi naman na siya kasing-sakit nung unang beses pero ang sakit pa rin. Hindi naman ito ang unang beses kong uminom, ah?
YOU ARE READING
The Contract
RomanceLahat na yata ng pasakit sa buhay, nasalo ni Yana. Ginago ng boyfriend, nawalan ng ganang mag-pinta, bumaba ang mga grado, at higit sa lahat, halos mawalan ng pinakamatalik na kaibigan. Her life is literally a series of unfortunate events. Hindi niy...