Prologue

23 1 0
                                    


"Nayeeeeeli"

"Ano?" padabog kung binuksan ang pintuan at bumungad sakin ang mukha ni christine. Tinaasan ko siya ng kilay at pinagkrus ko ang mga braso ko hinihintay na magpaliwanag kung ba't hingal na hingal tong babae nato

"Who's that Naye?" bumaling ako sa likod at kakababa lang ni mamsh sa hagdan

"Ahhh si christine lang mamsh"

"Is that so? ede pasok kayo"

"Ahhh it's okay mamsh aalis din to maya maya" tumango lang si lola ahh anyways Lola ko pala yun. Ayaw niya kasing tinawag na Lola, Granny dahil feel niya sobrang tanda niya na kaya mamsh ang tawag ko mas prefer niya yun

So back to the topic. Anong ginagawa ng babae nato dito?

"Hoy buhay ka paba diyan?" kinalabit ko siya para bumalik siya sa ulirat

"Ano ba wag ka nga magtagalog makakatagalog din ako e"

"Hahahahahaha pakialam mo girl? So ano nga ba't nandito ka?"

"May gwapo sizt"

"Ha? Saan? Ang tagal mong nagsabi tara na" sabi ko at inunahan siyang makalabas ng gate humabol naman siya at pinigilan ako sa braso tinaasan ko agad siya ng kilay

"Anong tara?"

"Tara puntahan natin"

"Hahahahahaha baliw ka girl?"

"Magpapakilala ako uy"

"Haneeep"

"Tara na uy" hinila ko na siya at nangmakalayo layo na kami sa bahay ay binitawan ko na

"Di ka nagpaalam sa lola mo"

"Halaaa oo ikaw kasi na distract ako sa sinabi mong gwapo. Pag ito average lang ang mukha makakatikim ka sakin"

"Wowww ang bayolente mo dae"

"Hahahahaha joke lang yun labyuuu"

Pumasok kami sa Fortune Homes isang village sa lugar namin. Kilala naman kami ng Guard kaya hinayaan niya kaming makapasok at tsaka madalas din kami dito. Dito kasi nakatira yung isa pang babaeng kaibigan namin si Ellah. Pero di niyo na siya kailangan makilala pa sa susunod nalang hahahahaha

"Diyan! Diyan sya nakatira nakita ko" huminto kami sa pagkalaki laking bahay at bumungad sa'min ang pagkalaki laking gate

"Ano bang pangalan niya?"

"Di ko alam e" napakamot ng ulong sagot niya

"E, anong gagawin natin dito? Maghintay kung kailan uulan ng snow ang pilipinas?"

"hehe"

"Hay nako mag doorbell nalang tayo" sabi ko at akmang lalapit sa gate ng hilain niya ako

"Ano??"

"Ang aggressive mo balik nalang tayo sa susunod na araw"

"Ayy ganun? Sayang punta natin pero sige tara uwi na tayo" ako na ang humila mismo sa kanya pero pinigilan niya ako at may tinuro. Sinundan ko naman ang kamay niya kung saan siya nakaturo at bumungad sakin ang napakagwapong nilalang

Nilapag niya sa mesa ang guitara at mas lumapit pa sa balcony. Sa kabilang kamay niya ay hawak niya ang tasa na hindi ko alam ano yun kape ba yun o tea

"Ahem ahem" nag clear throat mo na ako

This is it!

"09669881783" sigaw ko

"hoy anong ginagawa mo?" bulong nitong katabi ko pero sinenyasan ko lang siya manahimik

"09669881783"

"096698---" kusa akong napahinto ng bumaling ng tingin sakin ang lalaki. Mabuti nalang at naka recover agad ako

Ngumiti ako sa kanya ng pagkalaki laki at nag Hi pa with wave hand sa ere

Pero...

Pero...

Pero deadma ako. Agad siyang tumalikod at pumasok sa kwarto niya habang ako nakatanaw lang sa ikalawang palapag kung san ko siya huling nakita

"Ayyy basted ka dae" bumaling ako kay christine

"Snob ang lolo mo te. Tara na"

"Hahahahahaha baliw"

_________________

Hello Everyone,

Welcome to Stay With Me

Enjoy reading hihi

~Eeljeee

Stay With MeWhere stories live. Discover now