Chapter 1

4 0 0
                                    


"Ma, ikaw mo na bahala sa anak namin ha? Sabihin mo kaagad sakin pag naging matigas ng ulo to sayo"

"Ako bahala Iya wag kayo mag aalala"

"O siya ma di na kami magtatagal"

"Ingat kayo sa biyahe Kurt, Iya"

"Salamat ma"

"Naye magpaalam ka na sa Mama at Papa mo"

"Sabihin niyo kaagad sakin pag nakauwi kayo ng matiwasay Ma"

"Hmm ikaw unang una kong tatawagan" hinahaplos haplos pa ni mama ang buhok ko. Napangiti naman ako at niyakap siya

Ito ang kauna unahang malayo ako kina Mama at Papa. At kahit na sabihin natin na independent nga ako. Kumikita ako ng sarili kong pera na na susustain ko ang sarili kong pangangailangan nandoon pa ko sa manila pero sa likod non nandiyan si Mama at Papa nakagabay sakin

"Mag enjoy ka dito anak ha? Eexplore mo ang Cebu"

"Yes naman ma"

"We'll go ahead now Nayeli"

"Bye pa" kumiss mo na sila sakin isa isa at niyakap ako bago lumisan. Na lungkot ako ng slight knowing na malalayo sila sakin pero nanaig pa din sakin ang excitment kasi daaaa. New environment to noh

"Gusto mo ba pumunta sa resort natin?"

"Okay lang ba yun sayo mamsh?"

"Ofcourse"

Sumakay kami ng Ebike at ilang minuto lang nakarating na kaagad kami sa Casa Andana Resort. Resort to na pag aari ni lolo nong nabubuhay pa siya. Ngayon si lola na ang nagmamanage nito kaya dito na tumira si lola simula ng pumanaw si lolo

Binati kami nong guard at may iilan na crew ang nag alalay samin. Pinaupo kami sa isang cottage at binigyan kami ng tig iisang buko

"Masarap yan iha"

"hmm manamis namis" nakangisi kong sabi

"Matamis ba? Di naman masyado"

"Ha?" Agad akong bumaling kay lola na tinikman din ang buko

"Ikaw bata ka san ka ba nakatingin ha?" Agad tumingin si lola sa tiningnan ko kanina

"Asusss ika ba ay di pinapayagan ng Papa at Mama mo na pumunta ng mga beach?"

"Hahahaha pinapayagan mamsh minsan nga ay tumatakas ako e hahahaha"

"Aba! Aba! Mabuti't di ka nakatikim ng galit ng Papa mo"

"Hahahaha mas takot ako kay mama mamsh. Tiklop agad si papa pag yun nagalit e"

"Pero ang gandaw ng view ko dito mamsh ang daming pandesal e. For sure busog talaga ako always dito" tinawanan lang ako ni lola at tumingin din sa tinitingnan ko

Aba! Aba! Yung lola ko agaw tingin din hahahaha

"Hello, Ma'am Zia"

"Hello"

"Pinapatawag po kayo sa conference room. May emergency meeting daw ho"

"Is that so?"

"Yes Ma'am" magalang na sabi nong babae. Bumaling naman si lola sakin at agad ako ng thumbs up

"Dito lang ako sa paligid mamsh maghahanap ng baby boys"

"wag kang lumayo kung naiinip ka na talaga puntahan mo ko sa conference room okay?"

"Yes mamsh" Nang makaalis si lola ay agad kung nilagay sa gilid ang Buko. Pinagpag ko pa ang suot kong white dress na above the knee

Sinigurado ko talaga na doon ako maglalakad malapit sa mga baby boys at palihim naman akong napangiti ng mapansin nga nila ako. Nang makita ko sa sulok ng mata ko na papalapit sila sakin

"Hi" I flip my hair before i turn my gaze to them

"Hi" mainhin akong ngumiti

"I'm Nayeli" una kong nilahad ang kamay ko at nag uunahan silang maki pagkamay sakin

"Ahhhhhhhhhhhh" agad akong napabaling sa babaeng sumisigaw habang tinuro ang babaeng tila ba nalulunod

"Tulungan niyo! Tulungan niyo!"

Di na ako nagdalawang isip pa na languyin ang babae. Malayo layo din siya sa dalampasigan at nahirapan pa akong lumangoy dahil nga naka dress lang ako

Agad kong pinulupot ang mga braso ko sa bewang nang babae. At nang makaahon siya ay hinabol niya ang hininga niya. Wala na din akong pinalipas na oras at lumangoy na patungo sa dalampasigan. Sa gitna ay tinulungan ako ng mga crew at sila na mismo ang nag aaccess sa babae

Nang makatapak nako sa dalampasigan ay don ko lang na realize na kitang kita ang suot kong bra at panty

"Oh great" inikot ko ang mata ko sa mga manyak na lalaking grabe makatitig na maypagnanasa. Lumakad nalang ako patungo ulit sa Cottage nang biglang may tuwalya na nakabalot sa buong katawan ko. Nilingon ko ang tao na naglagay sakin nito

"Hi I'm Christine"

"Hi"

"Thank you, for saving my friend earlier"

"Yeah welcome"

"ahm... Taga asa ka?"

Bahagya akong nagulat nang mag bisaya siya pero agad din akong naka recover dahil naintindihan ko naman ang tinanong niya

"I'm from Manila"

"Ayy tagalog ka?"

"Yes"

"Pero nakakaintindi ka ng Bisaya?"

"Konti"

"Ayus yun atleast magkakaintindihan tayo" tinaasan ko siya ng kilay

"Pano mo nasabi?"

"Wala lang feel ko lang hahahaha"

"Feeler ka pala?"

"Parang ganun na nga. FC din ako"

"What's FC?"

"Feeling close hahahahahaha" natawa din ako sa sinabi niya kaya nakitawa nadin ako

"Naye"

"mamsh"

"Okay ka lang ba apo?"

"Yes mamsh ez lang sakin yun"

"Aba wag makampanti kahit na swimmer ka"

"Opo mamsh"

"Let's go home" nagpaalam na si lola sa kausap ko kanina ako din ay nagpaalam na

"Nice meeting you Naye" nag wave lang ako ng kamay at agad ng sumunod kay lola

_________________

Stay With MeWhere stories live. Discover now