Prom Plan

26 2 13
                                    

"He was only a part of my journey but not my destination"

Kinagat ko ang balat sa gilid ng aking kuko dahil sa kaba. "Gurl ano kukocrunch?" Natatawang tanong ni Jessica.

Pabiro akong napairap sa sinabi niya. "Kinakabahan ako, tuloy ba talaga yung plano natin?!" Pabulong na sigaw ko.

Pakiramdam ko ay lalabas na ang puso ko sa sobrang lakas ng tibok nito.

Tumango siya ng maraming beses "bawal mag back out tagal tagal nating prinactice at pinagplanuhan--" napatigil siya sa pagsasalita nang lumapit sa amin si Vaughn.

"Oh- Vaughn ikaw pala hehe" aniya.

(Gusto kitang isayaw ng mabagal~)

Trumiple ang kabang nadarama ko at hindi ko magawang tignan ng diretso si Vaughn, he looks so good in that suit, and he also smells good. He just smiled at Jessica and then he turned his gaze to me.

(Gusto kitang isayaw ng mabagal~~)

"Sofia, shall we dance?" Tanong niya at saka nilahad ang kamay niya sa akin.

(Hawak kamay~)

Pag lahad ko ng kamay ay hinila niya ako ng marahan papuntang dance floor, nilingon ko si Jessica at nakita siyang mukhang timang na kinikilig habang naka thumbs up habang ako ay naiihi na sa kaba.

Napabuntong hininga ako.

Kaya ko ba.. talaga?

(Pikit matang, sumasabay sa musika ~)

Ipinatong niya ang kanang kamay ko sa kaliwang balikat niya at hinawakan ng kanang kamay niya ang kaliwang kamay ko samantalang ang kaliwang kamay niya ay nasa kanang bahagi ng bewang ko.

(Gusto kitang isayaw ng mabagaal~)

Nag angat ako ng tingin at nakitang seryoso siyang nakatitig sa akin habang sumasayaw.

"You look gorgeous Sofia" he said with so much adoration in his eyes. Kumislap ang mata niya.

Tumawa ako ng mahina "Salamat, ikaw rin" tumawa siya kaya napagtanto ko ang nasabi ko.

"Maganda rin ako?" Nakangiting tanong niya. Nang aasar.

If I have the chance to stare at his smile forever. I would.

Natawa ako at bahagya siyang tinampal sa balikat "Ibig kong sabihin gwapo ka, nako ha" paliwanag ko.

(Heto na ang kantang hinihintay natin~)

And then an awkward silence came between us.

(Heto na ang pagkakataon na sabihin sa iyo~)

Huminga ako ng malalim.

"V-vaughn may sasabihin sana ako" nauutal na sambit ko.

"Hmm?" Aniya habang nakatitig sa akin, nag aantay ng sasabihin ko.

(Ang nararamdaman ng puso ko~
Matagal ko nang gustong sabihin saiyo~)

Dinikit ko ang mukha ko sa dibdib niya.

"Gusto kita Vaughn" pabulong na sabi ko. ang kamay kong nakapatong sa balikat niya ay inilagay ko sa batok niya, nakayakap ang dalawang kamay ko sa batok niya habang nasayaw, at ang naiwan nyang kamay sa ere ay inilagay nya sa bewang ko.

Naramdaman kong napatigil siya sa sinabi ko.

(Gusto kitang isayaw ng mabagal~)

"Gustong gusto kita. At ang hirap hirap mong kalimutan, sobra" umiling ako.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon