Kabanata 4

2 1 0
                                    

Kabanata 4: Dream Zion Racini

MALALIM na ang gabi at hinde pa rin makatulog si Zechariah kakaisip sa iisang babae lamang tila hinde siya nilubayan nito, maski sa isip ay ginugulo siya ni Dreame.

Napabangon siya at mabilis na napahilamos sa mukha niya. Inip na inip. Ano ba ang meron sa babaeng iyon at hinde siya nilubayan? Inis siyang tumayo at padabog na binuksan ang pinto ng kwarto niya. Balak sana niyang uminom ng tubig dahil bigla nalang kasi nanuyo ang lalamunan niya kaso napatigil siya ng makita ang Ina niya sa Sala.

"Anak..why you're still awake?" anang Ina kay Zechariah.

Poker face lamang niyang sinalubong ng tingin ang Ina.

"I don't know.." aniya saka nilapagsan ang Ina at nagpunta sa kusina upang uminom roon ng tubig.

"Hinde pa umuuwe ang tito mo.." malungkot na sinabi ng Ina niya. Natigilan siya at bahagyang huminto sa pag-inom ng tubig pero sa huli nagpatuloy siya.

"May alam ka bang lugar na pwede niyang puntahan?" Tanong ng Ina niya. Tumaas ang isang kilay ni Zechariah.

"What do you think about us? Bestfriend? Tss!" sarkastikong tugon niya sa Ina. Pagkatapos ay binalik na niya ang pitsel sa ref at akmang aalis na ito ng bigla siyang hinarangan ng Ina.

"I...I know that you hate me but son, I am still you mother.." aniya tila naiiyak.

Umingos si Zechariah. "I don't know what your talking about.." malamig niyang turan sa Ina niya. Tuluyan ng naluha ang Ina niya.

"S-son..please don't be like this.."

"But I already did," walang emosyong sabi niya. Inis na inis siya ngayon dahil hinde na nga siya makatulog dahil sa babaeng iyon, ngayon naman ay 'yong Ina niya. Mga babae talaga! Tsk!

"Son.."

"Good night. And please 'wag kang umasa na uuwe siya ngayon. Because I'm pretty sure that his with his other woman." aniya.

Nalukot ang mukha ng Ina niya. "Son! Wag kang mag-isip ng ganyan sa Tito mo! I know you hate him too--"

"Great," ani ni Zech.

Huminga ng malalim ang Ina niya, nagpapasensya. "Hinde siya gano'n! I know him.."

"Okay." Aniya saka tinalikuran ang Ina. Pagtapak palang niya sa hagdan ay nadinig niyang naiyak ang Ina. Umiling nalang siya at nagpatuloy sa pag-akyat patungo sa kwarto niya.

His just kidding. And it's up to her if she'll believe it or not. Tss. Stupid!

Mas lalo pa siyang nainis dahil sa Ina niya. Ngayon ay hinde na talaga siya makatulog kahit anong pikit niya sa mata niya ay lumilitaw yong mga problema niya sa isip, nangunguna na roon si Dreame, tila isa siyang sirang plaka na paulit-ulit pumapasok sa isip niya. Sinabunutan niya ang kaniyang sarili. Dumagdag pa ang ina niya.

Marahas siyang bumuntong hininga. Salubong yong mga kilay at nakakuyom pa ang kamao. Mayamaya pa ay tumagilid siya ng higa habang magkasundo pa rin ang kilay niya. Stupid thoughts!

KINABUKASAN nakasimangot na agad ang mukha ni Zechariah dahil masama ang gising niya. Napuyat tuloy siya nang dahil lamang kagabi. Malalaking eyebags ang naging puhunan niya ngayong umaga. Shh!

Napilitan siyang bumangon at naligo kasi ayaw niyang lumabas sa bahay ng hinde naliligo, tsk! At isa pa huwebes ngayon alangan naman hinde siya maligo. Psh! Pagkatapos ay tamad din siyang nagbihis. Pagsuot niya palang ng uniporme niya ay mabilis siyang nawalan ng pasensya. Sinabunutan niya ang sarili at inis niyang pinagpatuloy ang pagsuot ng uniporme. Nang matapos siyang magbihis kinuha niya yong paborito niyang sapatos at sinout iyon habang nakakunot ang noo. Pagtayo niya bigla siyang napahikab, mas lalo siyang nainis. Kinuha niya nang padabog ang bag niya. Nagpabango muna siya at sinuklayan ang buhok bago umalis sa kwarto niya.

The Story Of ZechariahWhere stories live. Discover now